XxangeliciousxX
Mar 14 2010, 04:33 PM
Nasira ang Cabal ko after maintenance. hindi ko alam kung bakit... T_T kaya ko nagawa to habang nagpapatch yung cabal ko...
__
September 1. 2009,
12:30
Mahigit sa isang taon na pala akong TAMBAY. BUM. PALAMUNIN. at hindi pa nakapagbayad ng buwis kahit minsan. Hindi ko alam kung sadyang tamad lang talaga ako oh hindi pa binibigay ng tadhana ang trabahong para saken. Kung tatanungin ako kung anong pinagkakaabalahan ko oh pinagkaabalahan ko matapos ko bunuin ang ANIM na taon sa elementary, APAT na taon sa highschool at APAT na taon din sa kolehiyo, yun eh ang pagcaCABAL. mabait na bata. napaka productive ko dba? hehe! sabi ko noon pag graduate ko magpapahinga lang ako ng dalawang buwan, tapos naging tatlo, tapos naging lima, tapos naging isang taon, hanggang sa nakalimutan ko na halos lahat ng pinagaralan ko. oh sabihan nalang naten na kinalawang na. hahaha! siguro nga... tamad lang talaga ako. at mas pinili kong mabuhay sa mundo ng cabal, (bakit? secret!) at paminsan minsan nalang ako dumalaw sa totoong mundo.
umpisahan naten ang buhay cabal ko noong august 2008....
Ako nga pala si Ayekaru sa cabal, isang babaeng WA.. babae ang character ko hindi dahil sa babae ako, hindi dahil bakla ako oh mang chichixi lang ako. babae ang napili kong char kasi cute. astig. BABAE na ang laki laki ng bitbit na sword. wapakk! ginaya ko yung itsura ni claire ng CLAYMORE. isa sa mga favorite kong anime na BITIN. asar.
"ate ang ganda mo naman..."
"di tayo talo PRE!"
"ate ang cute naman ng name mo..."
"yung sayo din CHONG!"
"wow! astig! lakas mo naman sis... may frendster ka?"
"meron po check mo nalang... teka babae ka ba?"
"ndi po, lalake po..."
"ah... lalake din kasi ako"
"waaaah! chixilog!"
"wala akong sinabing babae ako... paky*
yan ang mga ilang bagay na na experience ng babae kong char... kung lokoloko lang siguro ako gumawa na ko ng poser account sa FS at nang hingi ng alz. pero hindi. pero minsan nanttrip din, sa mga tropa ko in-game. ^_^
Level 20+, Sword Skill: Master, Magic Skill: Novice
"ate try po?"
ayus to... dafeng saken tong FB na to, master na sword skill ko! hahaha! nilagay ko na ang bow sa shortcut keys ko para pag dafeng nya mag bbow ako sabay bigkas ng "thank you po"
"sure!" sabi ko sa FB na babae...
"invite po"
duel starts...
5
4
3
2
1
START!
Mana Freeze!
WTF? ano to? hindi ako makapag skill!
Assassinate!
pak! pak! pak!
dafeng....
(bow) "thank you po ate..."
*********!!!!! grabe to! napahiya ako ah....
"daya mo...."
"?" (umalis na yung FB)
nanggigil ako... gs2 ko bumawi... pag balik ko sa spot na pinaglabanan namin sa DS channel 3, wala na siya.... hindi ko matanggap. nag shout ako...
"amf na FB yan! sa pandadaya ka lang ba nananalo? cheater amf!"
"......"
"ano asan ka na? lika d2 sa DS! pvp ulit tayo! takot ka ba?"
"......"
"wag kayo makikipag pvp kay xcuteWIAx. cheater na FB!"
"noob! search mo sa google. mana freeze... nakaka tawa ka, WEAK Ayekaru!"
pfftt! asar na ko! amf talaga to!
"pvp debuffs? ang weak mo! asa ka sa debuffs mo!"
"FB debuffs? malamang... FB ako eh... skill namen to. antayin mo ko dyan, hindi ako magdedebuff tignan naten."
biglang sumulpot ang FB na sa xcuteWIAx sa harapan ko ....
"oh tara pvp na! asa ka sa debuffs mo! weak!"
"guys.... I'm inviting all of you to watch our duel here in DS channel 3... place your bets now! hahaha!"
amf to... nagtawag pa... mapapahiya ata ako ng di oras... wala pa kong 1month naglalaro ng cabal madudungisan kagad char ko. amf to... asar talaga!
"sige lang magtawag ka pa! weak! debuffer!"
unti unti napuno ng tao ang pvp spot sa DS channel 3, kahit umagang umaga nag sulputan ang tao dito at naghanda na ata ng pang asar saken. bigla akong kinabahan...
"game! invite!"
"ikaw na mag invite weak na asa sa debuffs!"
"hahaha! kk"
*xcuteWIAx invites you to a duel*
*accepts*
5
4
3
2
1
Start!
pinindot ko kagad ang combo.... at siya naman ay nag....
Assassinate! pak! pak! pak!
"kitang kita.... 1hit! kawawa naman to... palakas ka pa kuah..."
"...."
nakakainis! ang lakas nya! ano bang level neto? asar naman! napahiya ako.... T_T
biglang may nag pm sken...
"kua, level 18 lang yan... dual trans. sikat yan dito. siya pinaka mababa level na dual trans na.. high level pinapa dafa nyan..."
"WTF...."
mag-antay kang FB ka... makakabawi din ako sayo...
Hindi ko alam kung bakit usong uso dati ang low level pero mataas ang skill rank. dahil siguro sa masarap ang pakiramdam pag nakatalo ka ng mas mataas ang level sayo. isipin mo nalang kunwari 1st yr. college ka at nakipagbanatan ka sa mga 4th yr college, panigurado makukuha mo ang respeto ng karamihan. ganun siguro ang mentalidad ng mga tao sa CABAL noon. pero ako, hindi ko naisip gawin ang mag grind ng matagal at hindi magpalevel para lang makapagtrash talk na nakakatalo ako ng high level kahit lowbie lang ako... bakit? dadating ka din naman kasi sa puntong kailangan mo talagang mag palevel. ang mundo ng CABAL ay hindi lang sa pvp umiikot.
"nakakainis! d maalis sa isip ko yung FB na yun. Level 18? dual trans? WTF! ano yun puro suntok lang ginawa? nakakatamad yun." (iritang irita paren ako grrrr)
"ganon na nga siguro chong! pero tignan mo naman, owning siya dba... dafeng mga high level sa kanya"
"kahit na... hindi ka yayaman sa pvp" (bitter lang siguro ako)
"sa bagay... alis muna ko chong, palevel/grind/quest lang ako, pm pm nalang"
siya ang 1st IGT ko... In Game Tropa. (imbento ko... hahahaha!) nagkakilala kami nyan dahil sa "kuah palimos po" days... namalimos ba naman saken eh mas mahirap pa ata ako sa kanya. sabi ko nalang sa kanya "samahan nalang kita, yun lang ang maitutulong ko sayo". at simula nun naging tropa na kami sa CABAL. siya nga pala si ChiChi, isang WIZ na POSER! hahaha! pero so far wala pa kong nabalitaan na nabiktima niya.
dahil nga sa sira ang pangalan ko sa channel 3, sa 31 nalang ako nag palevel at grind. sa kalagitnaan ng masaya kong pag papalevel at grind ay may nag pm saken. ang bangungot ko... p*ksy*t.
"wui weak! grind ka?"
"Lul magantay ka lang....." (yabang amfppp!!!!)
"kung gs2 mo ng ka pvp and2 lang ako sa tabitabi"
"pagkalat mo..."
"okay...."
loko to! magshshout na naman ata. liliit mundo ko sa Cabal neto! takte..
"sige pm nalang kita, mamaw ka kasi eh... lakas mo sobra!" (grrrr! baka makatulong ang pagiging sarcastic)
"okay thanks sa papuri... ^_^"
(grrrr... nangaasar talaga ata to)
makalipas ang limang minuto, enjoy na enjoy ako sa paggrind. walang hassle, saya! nang biglang...
"wui weak! kaw yung sa channel 3 na na-1hit dba?"
"uu ako nga, ikaw ba yung hahalik sa snow ngaun?" (haysss... here we go again...)
"asa!" (sabay saw saw sa mga mobs na pinapatay ko...)
"bastos ka ha?" (dafeng saken to...)
Rolling Crush!
awts miss! (vovo ko bat hindi ako nagcombo?)
Lightning Slash!
dafeng...
"malamig ba? nakakamanhid ba ng mukha dumafa sa snow? haha!"
"chamba! antayin mo ko d2..."
agad agad akong bumalik sa spot kung saan kami naglalaban nung BL na maangas, naka tatlong dafa ata ko... ang lakas! grabe dafain ko naman sobra... it's not my day. T_T
"wui! kanina ka pa pabalik balik d2 sa town ah, need help?"
"no need... kaya ko na to"
d ko napansin na sumabay pala saken si xcuteWIAx papunta kung nasan yung maangas na BL,
"d ka paren ba nagsasawa? oh idol xcuteWIAx anong ginagawa mo d2?"
"......" (/sit)
"anong ginagawa mo d2? eepal ka? magsama kayo!"
halos pulang pula na ang name ng BL dahil sa kaka PK saken, pero d ako makuntento, gusto ko bumawi! lagi nalang ako talo! tapos and2 pa tong mokong na FB na to. kailangan kong manalo...
combo starts...
Rollong Crush!
Cascade break!
Round Cut!
Sword Cannon!
"BWAHAHAHAHAHAHA! dafeng! WEAK! WEAK!" (kayang kaya ko naman pala to.... malakas din pala ako. hihihi)
(/bow) "thank you po kuah..." (nakaganti din ng pagaangas...)
"pedeng mag thank you, kung gs2 mo lang naman..... ^_^ "
Anong pinagsasabi netong FB na to?
"The next generation will always surpass the previous one. It's one of the never ending cycles in life" - Hatake Kakashi
Nakakagulat ang mga kabataan ngayon. sa murang edad ay marami nang alam at kayang gawin lalo na pagdating sa computer. may pamangkin akong 5 yrs. old na marunong na mag internet at mag search ng videos sa youtube. marunong na siya magchat at marunong naren mag youporn. joke lang. minsan nga eh siya pa ang nagpipilot ng character ko pag lalabas ako ng bahay. may pamangkin din akong kasama kong magmarathon ng Prison break at kasama ko din minsan manood ng pelikulang komplikado, hindi man literal na naiintindhan nila pero marami silang natututunan dito. mabuti at masama. kaya minsan "kuyang kuya" ang dating ko sa pag papayo at pagsasala sa mga impormasyon na dapat lang nilang i-adapt.
Sa kabilang banda ay nakakalungkot din paminsan minsan, dahil hindi nila na experience maglaro ng "TUMBANG PRESO", ng "BANGSAK", ng "PATENTERO", ng "TEKS", ng "TOMSAWYER" at ng "GOODMORNING TEACHER". hindi nila naranasan ang basain ang kanilang laruan sa kalsada ng kapitbahay na masungit dahil maingay sila. dahil ang mga bata ngayon sa karamihan ay nakatutok at naka subsob na sa PC oh di kaya naman ay sa PSP sa loob ng kanilang bahay. mga RICH kid... ^_^
"thank you? bakit ako magtthank you sayo?" iritang tanong ko kay xcuteWIAx
"ay noob nga to, hindi mo ba napansin? d nga nakapg skill kalaban mo."
oo nga noh? ngaun ko lang din naisip... pero bakit naman niya gagawin un? para ipamukha saken na weak talaga ako at d ko kayang talunin yung BL na yun? bago pa man ako makapag salita ay...
"sabihin nalang naten na peace offering ko sayo yun... happy leveling!" at biglang nawala si xcuteWIAx.
para namang natapakan pride ko nun. pero parang nangibabaw ang saya. potential IGT siya. tropahin ko kaya yun? kung tutuusin ay isa palang ang tropa ko dito. POSER pa amfufu. hahaha! si ChiChi. Paminsan minsan ay nangangarap din ako na magkaron ng isang guild na ang founders ay talagang mga tropa ko. gusto ko magkaron ng isang pamilyang pede kong pagkatiwalaan sa mundo ng mga taong tuso. kaya nung naging tropa ko si ChiChi talagang pinahalagahan ko. pano kami naging tropa? simple lang...
*flashback*
"sis!"
"...."
"sis!"
sino ba tong wiz na to? kilala ko ba to? magpapanggap nga din ako.
"bakit sis?"
"sis penge alz pang skill lang"
takte sabi na eh. hahaha! syadong scripted. naramdaman ko na after nun hihingi sya alz eh... kaya sabi ko,
"sa quest sis dami alz"
"damot! chixilog!"
hahahaha! amfufu ako pa nabaligtad. okay to mu~g kwela to, sa bagay wala pa naman akong nagi2ng kaibgan dito. tska maingat naman ako, kahit scammin ako neto wala naman siya maiiscam sken.
"tara! 2lungan nalang kita palevel... sabay tayo"
"weee! bait mo sis! muah! teach me ah... tapos penge naren alz. ^_^"
"wag ka na magpanggap. lalake ako, at alam kong lalake ka din. hahaha! tara na..."
"bwahahahaha! masyado ba halata? pa add buddy Chong, sabay tayo palakas ah..."
*end of flashback*
kung meron man akong maipagmamalaki sa paglalaro ng cabal ay yun ay ang never pa ako na scam. hindi ko alam kung talent na maitatawag to pero alam ko sa sarili ko at nararamdam ko kung sino ang dapat pag katiwalaan at sa hindi dapat. although nagpanggap si ChiChi nung umpisa naramdaman kong isa siya sa mga tatagal kong kaibigan dito sa CABAL.
pabili nga ng habababachiznax? ano yun iho? habababachiznax binge! ah habababachiznax, ay ubos na ho iho eh (galing sa album ng parokya na ~khurkhernitz) - yan ang message alert tone ko...
"kambal! tama na yang Cabal! labas naman tayo"
siya ang aking bestfrend IRL na si Jen, kung ikukumpura ko sa pelikula ang aming samahan sakto ito sa pelikulang "close to you" ni bea at john lloyd. weeee! sobrang cheezy! hahahaha! yun nga lang, may boyfriend sya. T_T pero okay lang, wala namang expectations. and NO MALICE naman. ^_^
"sige teka lang, 5pm out mo dba? sunduin kita sa letran. txt2 nalang"
"aye...."
"aye...."
*exit game*
hindi ko na nasagot ang pm ni xcuteWIAx dahil nakapg exit game na ako at medyo nagmamadali naren. panandalian ko munang iniwan ang mundo ng CABAL at bumisita sa totoong mundo, may bagong episode kaya sa totoong mundo? baka matagalan ako mag patch. teka download nalang ako ng manual patch.
Iba-iba ang tao. May taong mas trip ang Balot kesa sa Penoy. May mga taong mas trip ang Piatos kesa sa Vcut. May mga taong mas trip ang Scrambled Egg kesa sa Sunny-side-up. May mga taong mas trip ang Lugaw na pantagal amats kesa sa mainit Mami. May mga taong mas trip ang Chowtime kesa sa Eatbulaga. May mga taong mas trip si Jaya kesa kay Taylor Swift. May mga taong mas trip ang Kaning Lamig kesa sa Bagong Saing. May mga taong mas trip ang Isetan kesa sa Trinoma. May mga taong mas trip ang Chocnut kesa sa Kitkat. May mga taong mas trip ang Nescafe 3in1 kesa sa Java chip ng Starbucks. May mga taong mas trip ang Capella kesa sa Procyon. May mga taong mas trip ang HOPE kesa sa MARLBORO. May mga taong mas trip ang St. Mesa kesa sa Cubao. May mga taong mas trip si AYA MEDEL kesa kay MARIA OZAWA...
Ako? mas trip ko si MARIA OZAWA...
Pag tapos kong mag LO sa cabal ay agad agad akong naligo at nagayos para sa "date" namen ng bestfriend ko. 5pm ang out nya, baka malate ako. kutos ako dun. galing ng taguig ay bbyahe ako papuntang intramuros para sunduin sya sa letran dahil dun siya nag ttrabho. Kung iddescribe ko si Jen, or Jennica Nicole Roxas, hindi sila nagkakalayo ng ugali ng babaeng bida sa MY SASSY GIRL. Malakas mang batok, Assertive, demanding, pasaway,independent, malakas ang boses, kalog, at higit sa lahat... ang weakness ko. CHI-NI-TA... sa hindi maipaliwanag na dahilan, pag sumisingkit na ang mata ni Jen nanghihina na ko. haysss, para akong computer na naghahang sa harap niya. kahit CTRL+ALT+DEL ay walang magawa para i "end task" ang pag titig ko sa kanya.
"4pm na pala, kailngan ko nang magmadali..."
habang nag aabang ako ng jeep ay nagsindi muna akong yosi. nakakamiss din pala. parang ngayon lang ata ulit ako nakalabas ng bahay ah... kung pede lang mag "tab" at magtele papuntang letran ginawa ko na. may prem pa naman ako eh. kaso ndi. ndi pede.. mga limang minuto bago ako nakasakay.
isang Jeep at dalawang FX ang kailangan kong sakyan papunta ng letran. yun kasi ang nakasanayan kong ruta. at gusto ko naren makapag muni muni sa mga lugar na dinadaan ko dati nung nagaaral pa ko. wala pa namang pinagbago. ganon pa din.
5:15 na ng makababa ako sa lawton, bumili muna ako ng yosi at nag lakad sa underpass. may mga nakakasabay pa kong estudyante... hindi ko maiwasang isipin. etong mga taong nakakasabay ko sa underpass may posibilidad kayang sila din ang nakaka salubong ko sa warp center ng CABAL? sila din kaya ang mga nakakasabay kong mag quest at mag grind? Sila din kaya ang napakaraming char na nakavend sa TRADE? may posibilidad. pero maliit. sa pagiisip isip ay nakarating na ko ng letran. nakita ko si Jen na nakatambay kay Nanay Bising at nakasimangot.
"takte... late ako ng 20mins. lagot" pabulong kong sinabi sa sarili ko...
"ang tagal mo naman kambal! gutom na ko oh...." kambal ang tawagan namin, dahil sa maraming bagay na pagkakapareho namen. mga bagay na pareho namin gusto.
"sorry nahirapan ako sumakay eh. pano? tara na? san ba tayo?"
"teka lang yosi muna tayo..."
umupo kami sa gilid ng 711 at nagyosi...
"bili mo naman ako ng snowbear! to talaga oh! mag paka gentleman ka naman!"
"wait po boss... ilan po boss?"
"ulul! wag mo nga akong iboss boss dyan, batukan kita eh.."
"pagkalat mo..."
"ahahaha! nakakainis yang expression mo na "pagkalat mo", nakakairita! haha"
matapos maubos ang aming yosi...
"tara na..."
"taxi na tayo ah..." pag may pera ako, trip ko talaga lagi mag taxi. tinatamad ako mag commute eh. sa MOA daw kami.
"weee! kambal mu~g may pera ka ngaun ah... treat mo ba ko?"
"ngek. kaw tong may trabaho eh. KKB muna... ^_^"
"damot oh..."
hanggang sa makarating kami ng MOA, kadalasan pag gs2 namin mag tipid dalawa, sa PAOTSIN lang kami kumakain. tapos yosi ulit. tamang kwentuhan. tamang tawanan. hindi ko namalayan ang oras sa sarap ng kwentuhan namin... 9pm na pala.
"naku gabi na... magcacabal pa ko. kailangan ko ng umuwi." - pano ko kaya to sasabihin? pano ko puputulin ang usapan namin? hindi naman sa 100% na gusto ko umuwi dahil sa CABAL, may pag ka delikado din kasi sa lugar namin. talamak ang holdapan kahit pa taga dun ka. talagang tataluhin ka.
eto na... bahala na...
"kambal... late na, uwi na tayo" medyo pabulong na sinabi ko kay Jen, baka kasi magalit...
"to naman! minsan na nga lang tayo magkaron ng quality time together, wala to."
"eh alam mo naman sa lugar namin dba? mga loko loko tao dun..."
"ahh ganun ba..." malungkot na sagot ni jen sa pagpupumilit kong pag uwi.
"pasensya na ah... bawi ako next time. promise. tara na..."
bago pa man ako makatayo... nadurog ang puso ko ng makita ko si jen na unti unting pumatak ang luha.
"break na kami ni Joey...."
....at hindi ko na napigilan ang pag iyak niya.
Mas malakas pa sa tunog ng martilyong tumatama sa pako ang kaba sa dibdib ko nung nasa last boss na ako ng Resident Evil 2, habang ginagawa ang 2nd floor namin noon, ako naman ay naglalaro sa sala ng PS1. hinding hindi ko makakalimutan ang "11 12 13 14 15...." na tila naging countdown ng buhay ni Leon Kennedy habang inaantay niya ang elevator para sa last escape route niya sa loob ng Umbrella Corporation. Literal na nagulat ako nung biglang lumabas yung last boss. nag mutate pa sa harapan ko. WTF, 1 lang ang aid spray ko nung pag kakataong yun at 2 green herb. kakayanin kaya? nagpaikot ikot ako at inantay ang pagkakataon na hindi niya ako tamaan sa pag lundag niya. Nung dumating ang pagkakataong iyon, agad ko syang tinadtad ng magnum ko at nang maubos ang bala sabay palit ng shotgun. sabog. deds ang kalaban. natapos ko ang RE2 ng Rank B, hindi na masama para sa isang grade 4 student. feeling ko ang galing galing ko.
Imbes na Zenki at BT'x ang laman ng usapan sa room namen, RE2 ang topic, at syempre... ako ang bida. Pero inagaw kagad ng isa kong kaklase ang spotlight saken ng bigla siyang nagtanong....
"yung scenario nila natapos mo na? tinatapos ko ngayon yung scenario 2nd ni claire....."
natahimik nalang ako sa isang tabi...
"kahit gaano ka pa kagaling ngayong araw na to, bukas oh sa makalawa meron nang mas hihigit pa sayo... kaya huwag kang makuntento, always leave a BIG room for improvement" - yan ang natutunan ko sa kaklase ko na unang nag sabi ng scenario 1st and scenario 2nd ng RE2. kaya makalipas ang isang linggo at nagbibida paren siya sa klase tungkol sa scenario ng RE2, lumapit ako at nagtanong.
"Si Hunk at si Tofu natapos mo na?" at nalipat ulit sa akin ang spotlight...
kung tutuusin mas mababaw ang luha ko kay Jen, at sa lahat ng problema na pinagdaan niya hindi ko siya nakitang umiyak. Gulat, Takot at Sakit ang naramdaman ko nung nakita kong pinipigil niya ang pagpatak ng kanyang luha. ma-pride ang bestfriend ko. ayaw niyang nakikita siya ng tao na mahina siya. Para siyang isang Force Shielder na nawalan nalang bigla ng AOD dahil tapos na ang duration ng skill. kanina pa pala siya nagtatago sa malaki niyang panangga. at sa oras na nawala ang AOD, doon bumuhos ang luhang kanina pang nagkukubli.
"Gusto mo ng icecream? cookies n cream! treat ko..." yun nalang ang nasabi ko sa kanya, ang weak ko, kaya ko ba sya idefend sa mga mang ppk sa kanya? lowbie pa ko. at hindi pa dual trans. wala pa nga akong seismic wave eh. Isa lang ang maibibigay ko, ang maiparamdam na nasa tabi niya lang ako at hindi ko siya iiwan. Hindi ko man siya kayang idefend pede ko naman siyang i-party at doon pede na siyang mag cast ng SS para makatakbo kami sabay click sa return stone. ^_^ "bb po..."
"Salamat ah... Salamat sa pagsama saken... salamat sa pakikinig. salamat sa ice cream. sa bahay ka na matulog shot tayo! gusto ko makalimutan yung Joey na yun"
"naku hindi pede hindi ako nakapg paalam...." takte pano ba to? magpapalevel pa ko at magggrind.... kahit parang nag 1st move na si xcuteWIAx para sa pagbabati namin eh gs2 ko paren siyang gantihan.
"please? please....?" nagmamakaawang tugon ni Jen...
wtf! ang kyut niya! para siyang bata..... nanghihina ako, naningkit na naman ang mata niya, kawaiii!!!!!!!!!!! ^_^ naghang na naman ako... kaya ni-reset ko muna ang pc ko. kaso pag boot sa desktop nagulat nalang ako. andun na kami sa bahay nila.....
"Tay, Nay, Gudevening po...." magalang na bati ko sa mga magulang ni Jen,
"kumain na muna kayo...." tugon ng Tatay ni Jen
"tapos na po tay, salamat po...."
"tara na sa taas..." yaya ni Jen
may pwestuhan kami ng session sa bahay nila Jen, sa may bandang terrace. at dun kami naginom....
"tinext ko na nga pala si Tita, sabi ko d2 ka m22log. okay daw"
takte... naunahan ako ah, balak ko sana tatapusin ko lang ang inuman namin tapos uuwi paren ako para kahit papano makapagcabal pa ako.
"ah talaga? sge..." dismayadong tugon ko sa sinabi niya.
"salamat kambal ah... sobrang thankful talaga ako at nakilala kita"
"naman! kaw pa. malakas ka saken eh. oh sya sya! tama na ang drama! shot!"
at nagpakasaya kami at nagpakabasag.... nagkwentuhan, nagkantahan, nag sayawan.... napatigil lang kami pareho sa sayahan ng biglang narinig namin ang kantang bonnie and clyde nila beyonce at Jay-z. yun kasi ang theme song nila. May pagka "G" kasi ang boyfriend ni Jen na si Joey. i mean... ex-boyfriend.
mga limang segundo... sampu... hanggang sa umabot sa linya ng kantang....
"All I need in this life of Sin... is me and my boyfriend, me and my girlfriend..."
hindi na naman napigilan ni Jen ang patulo ng kanyang luha. Nawala na naman ang AOD niya at naalala si Joey,
"tahan na.... inom nalang tayo, lilipas din yan. malay mo, bukas oh sa makalawa, puntahan ka niya. makipag balikan, edi happy ka na ulit"
nagulat ako sa sagot niya...
"pangit ba ko?"
"takte! kung pangit ka hindi kita magiging crush.... diba unang kita palang naten sabi ko crush kita. totoo un" na stun ako sa tanong niya. Maganda si Jen, mu~g anime ang mukha. kawiii!! tapos bigla siyang nagtanong ng ganon? naisip ko malaki ang naging epekto ng break up nila para magtanong siya ng ganon.
binalot na naman kami ng katahimikan.... sampu, dalawampu, talumpung segundo ng katahimikan.... biglang lumamig ang hangin, humahalik sa aming mga pisngi. saktong natapos na ang CD na pinapatugtug namin. malimit na kahol ng aso sa kapitbahay nalang ang naririnig namin... at mahihinang paghinga naming dalawa. mabilis ang tibok ng puso ko. ramdam kong ganon din ang sa kanya. lumipas ulit ang sampung segundo, dito niya binasag ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
".....kung ganon, halikan mo 'ko"
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit mas mahirap ang mga side quest at side boss sa Final Fantasy Series? Isipin mo, sa FFVII mas mahirap pang matalo si "WEAPON" na lumilipad at si "WEAPON" na lumalangoy kesa kay Sephiroth. Matatapos mo yung mismong game ng hindi mo nakukuha si Yuffie, Vincent at ang super IMBA na Knights of the round at Omnislash. Sa FFVIII matatalo mo si Ultimecia ng hindi nakukuha ang Guardian Force na si Bahamut, Doomtrain at si Eden. Tumambay ka lang sa "Island closest to hell" at magpa max level kayang kaya mo nang tapusin yung laro. sa FFIX mas mahirap pang talunin si Ozma kesa kay trance Kuja. Hindi ko nga malalaman na pede palang lumipad ang chocobo at kumpletuhin ang chocograph kung hindi ako gumamit ng tulong ng walkthrough sa magazine na EGM (hindi pa uso ang Internet noon). Kung tutuusin madali lang tapusin ang Final Fantasy, lahat ng FF na nalaro ko tinapos ko muna ng hindi kumpleto at nilaro ko nalang ulit para kumpletuhin ang mga side quest. Astig kasi ang storyline ng FF, pero narealize ko... hindi pala sapat na tapusin mo lang yung mismong laro. dapit makumpleto mo, hindi man related sa storyline or related man, importante lahat yun. kaya naisip kong mag flashback muna. ^_^
Pano nga ba kami nagkakilala ni Jennica Nicole Roxas?
*Start of flashback*
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko nung mga oras na yun. 4am palang gising na ko. bakit? 1st day of class. 1st day ko sa college. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Pag patay ko sa sigarilyong hinihit-hit ko napansin kong naka lima na pala ko. wtf. kabado ako masyado. bagong tao. bagong teacher. bagong subjects. bagong pakikisamahan. bagong mundo. kaya nagsindi ulit ako ng sigarlyo at dumerecho sa banyo.
matinding muni muni ang ginawa ko habang nasa byahe para makalimutan ang matinding kaba. hanggang sa makarating na ang FX na sinasakyan ko sa lawton. pag baba ko ay bumili kagad ako ng yosi. dala ang maliit na pouch bag sa kaliwang kamay ko, at yosi sa kanan, nag lakad ako sa underpass kasabay ng mga estudyanteng papasok din at mga estudyante tatambay sa SM manila. parang ang bagal ng oras, parang ang bagal ng lakad ko, parang ang layo ng kabilang hagdan ng underpass. parang may slowmo pag nakakatapat ko ang mga estudyanteng papunta sa pinanggalingan ko..bigla ko nalang narinig ang kantang gangsta's paradise sa utak ko. "as I walk to the valley of the shadow of death..." dun bumalik ang normal na bilis ng paglakad ko. napatingin ako sa oras...
"sh*t! malalate na ko..."
mabilis kong pinakita ang reg's form ko sa guard at hinanap kagad ang room ng 1st class ko. room 208, humanities. sakto, sa 2nd floor lang ang room ko kaya madili ko itong nakita.
"pag pasok ko sa room ay malamya at nakakairitang boses ang sumalubong saken..."
"Oh! Let's welcome our newcomer..."
nagtawanan ang buong klase... takte, 1st day of class napahiya kagad ako. pero hindi pa pala dun matatapos ang kalbaryo ko.
"Mr. newcomer, would you mind introduce yourself to the class?"
AmpfF! nakakainis tong prof na to ah. gs2 talaga ata ako ipahiya. pinagpapawisan na ko ng malamig. pinilit kong buhatin ang sarili ko patayo at nagumpisang magpakilala...
"No Mr. newcomer, introduce yourself HERE in front of your classmates."
waaAaaaa! sh*t talaga... wala na kong nagawa, lumakad ako sa isle at pumunta sa harap at nagpakilala.
"Hi classmates, I'm Francisco Kalibogan, Sixtee-"
nagtawanan ang buong klase ng banggitin ko ang aking apelyido. takte sabi na eh...
"Wow! you have a very unique and interesting surname. you can now take your seat Mr. Horny."
at nagtawanan ulit ang buong klase. pakiiiinnnnsh*t! naasar na ko ah, i-Pk ko kaya tong prof na to. asar.
"You can seat beside Ms. Roxas for the meantime, I'll make your seat plan tommorow."
dismayadong umupo ako at nanahimik nalang.
"badtrip? badtrip ka no? wag ka na mabadtrip, lahat nga kami na okray nyan kanina eh. bading kasi."
WTF! sa sobrang badtrip ko hindi ko napansin na yung Ms. Roxas pala na katabi ko ay anghel. Kawaiii! tipo ng babae ko pa, Chi-ni-ta... nawala ang pag kabadtrip ko. pumasok kagad ang mga "the moves" sa utak ko at sinubukan kung eepekto sa kanya.
"hindi... hindi ako badtrip, sa totoo nga masaya ako eh. kasi katabi kita."
*batok ng malakas*
"ahahah! dumidiga ka pa ah! anong name mo? francis?"
grabe! ibang klase tong babae na to. sa ganda at amo ng mukha niya nagulat ako sa pag batok niya saken. ngayon lang kami nagkakilala kung makabatok parang nanay ko. pero bakit ganon? hindi ako naiinis? natuwa pa nga ako.
"amf! sakit naman ng batok mo! oo francis name ko, Kiko nalang... ikaw anong pangalan mo?"
"amf? don't tell me geek and nerd ka din? ung salitang "amf" sa mga nerd ko naririnig yan eh... yung mga adik sa computer!"
"awts! hindi porket adik kami sa computers eh geek na kami. tignan mo nga ako? yan ba ang mukha ng geek? eh ang cute cute ko."
"uhmmmm... pede pede. CUTE na GEEK! hahaha!"
"Lul!"
"ako nga pala si Jennica Nicole Roxas"
"ayos sa pangalan, parang pinilit lang.... ^_^"
"maganda naman ah.... kesa naman sa apelyido mo. haha! Jen nalang tawag mo saken, patingin nga ng reg's form mo"
ibang klase tong babae na to. ang gaslaw, ang likot, ang lakas ng boses, parang hindi babae. pero... nanlalambot ako sa singkit nyang mata. sa maamo niyang mukha, grabe. ang cute.
"ah d2 lang pala tayo classmates. iregular kasi ako. SA ako eh. sabay tayo lunch maya. kita tayo sa canteen"
weeeeeeeeeeee! ayos to! sabay daw kami lunch mamaya. sarap naman. kahit ndi na ko maglunch. busog na busog mata ko neto. ^_^ kaya lang bigla na naman umepal si bading...
"ehem! ehem! Ms. Roxas and Mr.Horny, would you mind sharing that conversation of yours to tha whole class?"
"would you mind your face..."
*end of flashback*
Para akong dinala sa isang malawak na lugar... malawak na malawak na lugar... walang bagay, walang pader, walang bahay, walang halaman, walang puno at sasakyan... wala lahat.... maliban kay Jen. sa malawak na lugar na yun ay kaming dalawa lang ang nandon. nakatitig siya saken... at ganon din ako... nagaantay siya ng gagawin ko, ako naman ay nagiisip kung anong gagawin. nakakabingi ang katahimikan, nagpapawis na ang mga kamay ko, ano bang gagawin ko? seryoso ba siya? natatakot ako na baka biglang ituro nya ang hidden camera at sabihing "nasa wow mali ka, ayun ang camera namin, bumati ka". pero hindi, seryoso siya. nakikita ko sa mga mata niya ang reflection ng mukha ko kaya alam kong alam niya na kinakabahan ako at alam ko din na nakikita niya sa mata ko ang reflection ng sarili niya na talagang seryoso siya. sinasabi ng puso at pagkalalaki na halikan ko na siya. eto na yung matagal ko nang pinapangarap. pero sinasabi ng utak ko na wag kong gawin.
bakit?
kung ano man ang gawin ko paniguradong may malaking epekto sa pagkakaibigan namin. natatakot din ako. pero eto na eh! palay na ang lumapit sa manok. isda na ang nagpapa bingwit. pera na ang lumalapit sa pitaka. ang matagal kong pinapangrap na ang lumapit saken. pumikit ako ng dalawang segundo. pagdilat ko sabay bulong sa sarili...
"bahala na kung magcrit..."
at sa unang pagkakataon sa limang taon ng pagsasama namin bilang magkaibigan, nagtagpo ang aming mga labi.
"Tutulong ka lang... hindi mo kailangan ng pangalan."-BOB ONG
Hindi ko pa naranasan bumuto ng isang pangulo. wala pa akong karanasang nasayang ang isang boto ko para sa isang "agaw spot" sa MF at UG para lang mag palavel at magpayaman. Wala pa akong karanasan maghalal ng isang pangulo na naging isang corrupt na leader. katulad din ng sinabi ko nung una, hindi pa ako nagkaron ng trabho at sa madaling salita ay hindi paren nakakapag bayad ng buwis ni minsan. Bilang isa sa mga tinatawag na JUAN ng ating bansa, marami akong napapansin at marami din na pedeng sabihin akma sa nangyayari sa ating ginagalawan, lahat naman siguro. Kaya sobrang lungkot ko ng nagkagulo ang ekonomiya sa mundo ng cabal, nahawa narin pala ng corruption ang larong ito at kung ang pagiging bringer lang sana ay dinaan sa botohan, hinding hindi ko sasayangin ang boto ko.
wala nang mas sasarap pa sa maka loot ng ASTRAL BLUE BIKE sa RS, MITH SUIT (WA) [1] SSA sa PF at ROL+2 sa SCORLUG.
'yun ang akala ko....
May mga bagay pala na mas masarap pa sa mga rare items na nabanggit ko sa taas. mga bagay na hindi mo inaasahang mangyari. mga Langyayari na hindi mo inaasahan na pedeng mag bigay ng walang humpay na ngiti sa iyong mga labi. Lalo na kung hindi mo ito inaasahan at nangyari sa hindi sinasadyang pagkakataon. tulad ng ROL+2 sa SCORLUG. 'di ka makapaniwala? ako rin. naniwala lang ako nung nangyari na.
ibang klaseng pakiramdam ang halik na matagal mo nang inaasam asam, lalo na kung ito'y suntok sa buwan. nang banggitin ni Jen ang mga katagang "halikan mo 'ko" halo halong pakiramdam ang bumalot sa pagkatao ko. mas matindi pa sa halo halo special ng chowking with 2scoops of icecream. mas malinamnam pa sa tapsilog sa SEX (Sinangag Express) malapit sa v2 cruz. mas nakakapaso pa sa maiinit na sweetcorn sa labas ng school nyo at mas nakakabusog pa sa Rice-all-you-can ng Tokyo Tokyo.
Sa halik na yun ay sinugal ko na ang halat. Force kick + Charge + Impact Stab + Whirl ang combo ko... ginamitan ko ng BS dahil SSA set naman ako at perfect CRI ang OSM GS DB ko. naka perfect CDI helm din ako at 2pcs bof+3 slotted. idagdag mo pa ang EOF+7 at ang AOP+6. sinugal ko nang lahat. kung sa usapang pusoy ay kumpleto ako mula baba hanggang ulo. FULL de FULL par ALAS ang bahara ko. malabo nang matalo.
at yun ang akala ko....
Nagcrit ang Force kick. naramdaman nya un at alam ko din, pero ang malaking problema, dumulas! complete set ako pero hindi ko naisip na mababa lang pala ang specs ng pc ko at LAG pag madaming tao. maulan din kaya nagloloko ang smartbro(ken) ko. alam kong isang beses lang dadating ang pagkakataong iyon at hindi na ko pedeng mag "ate isa pa cut ako". dahil hindi ko pa man nabibigkas ang mga salitang iyon... naunahan na nya ako ng manafreeze.
"Loko Loko! bakit mo tinuloy?" sabay batok sa ulo ko...
tumigil ang mundo. naging MITH SUIT (WA) [1] MSA ang dapat na SSA, naging 3days lang ang BIKE at ang ROL+2? bumalik sa pagiging isang pangarap na lamang.
Nawala ang epekto ng alak. Bigla akong natauhan... tinawag ko ang lahat ng Santo na sana mawala na ang mana freeze. pero parang ang tagal ng duration. parang bigla kong naisip mag AFK, parang bigla kong naisip na mag select server. parang bigla kong naisip sipain ang AVR. ang tagal mawala! pinilit kong magsalita. pinilit kong gumalaw. sa tatlong segundo ng katahimikan pagkatapos nyang magtanong isang salita lang ang aking nabigkas.
"Sorry..."
hiyang hiya ako sa sarili ko... ano bang nagawa ko? sabi na eh! mali! mali! maling mali! bakit ako nagpadala sa emosyon? bakit ako nagpadala sa pagkalalake ko? mali! napalunok ako ng laway na lasang RH... bahala na.
"Sorry talaga... kala ko seryoso ka."
hindi na ako makatingin ng deretso, sa sahig na ang titig ko. nagkukuyakoy na ang mga kamay ko. please! alisin nyo na ko sa sitwasyong 'to! lalo pa akong kinabahan ng magsalita na sya.... amf! amf! eto na yun! tapos na ang lahat! MEGA CREEPS na! Nawala na ang BM! Tapos na ang maliligayang araw ko! GG na po sir! nagulat nalanag ako nang...
"kambal...." malumanay na pagtawag nya sa akin...
pinilit kong tumingala at tumingin sa kanya, sampal kaya ang aabutin ko? kung sampal man, paniguradomg papel lang ako dahil sa naka BS ako, pero okay lang... matatanggap ko, eto na... eto na talaga, wala na kong nagawa. pumikit nalang ako.
at sa pangalawang pagkakataon sa limang taon ng aming pagkakaibigan, nagtagpo muli ang aming mga labi. isang mabilis na halik ang natanggap ko galing sa kanya. sabay bigkas niya ng mga salitang....
"tara.... tulog na tayo."
Kahapon may napanood akong video sa Facebook. Isang motorcycle accident. kung tutuusin nakakadiri, nakakaikot ng sikmura at talagang hindi mo matitiis panoorin. Bakit? nakahandusay sa kalsada ang isang lalake na putol ang kalahitang katawan. Naglawa ang dugo sa kalsada at luray luray ang mga paa at hita nya. Nakakagulat din dahil gumagalaw pa ang lalake at tila pinipilit bumangon kahit na wala na ang kanyang kalahating katawan. Habang pinapanood ko ang video naging "AWA" ang kaninang "PANDIDIRI" ko sa lalake. maraming bystanders. maraming nagvivideo sa kani kanilang cellphone. maraming nakikichismis. pero kahit isang tao wala akong nakitang bumuhat at tumulong sa lalake para dalhin sya sa ospital. Kung nandon lang sana ako... baka nakatulong ako kahit papano.
Alam ko ang pakiramdam ng walang kalaban laban. alam ko ang pakiramdan na pinipilit mong kayanin ang isang bagay na tila mahirap talagang malampasan. Kahit sa paglalaro ko ng Cabal maraming beses ko naranasan na kinailangan ko ng tulong ng iba para matapos ang isang quest. Maraming beses ko din naranasan na tanggihan ako sa hinihingi kong tulong dahil siguro ay gusto nila akong matuto at hindi umasa sa iba. panget nga naman talaga ang tulong na "spoonfeed". Pero kung sa tingin mo ay talaga namang kailangan nya ng tulong, wag kang magdalawang isip na ibigay ang 2 oras mo para tapusin ang quest nya sa b2f. maliban nalang talaga kung busy ka at may ginagawa... sabihin mo nalang na "sorry busy ako ngayon, bukas samahan kita"
Pero sa nangyari samen ni Jen ng mga pagkakataon na 'yon, hindi ko pedeng ipagpaliban ang quest na kailangan nyang tapusin para sya ay lumakas. hindi ko pedeng ipagpaliban ang pagkakataon na makatulong sa kanya kahit papano. kaya ng sabihin nyang break na sila ni joey, sinamahan ko sya at kahit alam kong hindi ko kayang mapawi ang kirot sa kanyang puso, alam kong kahit papano sa simpleng pagsama sa kanya ay hindi nya mraramdamang nagiisa sya.
___
Naalimpungatan ako at pagdilat ko ay isang anghel ang nakita ko. langit na ba 'to? hindi... hindi pa pala. kung langit na to bakit may demonyong katabi ang anghel na 'to? haha! natawa nalang ako sa sarili ko. dahan dahan kong tinanggal ang braso nya na nakayakap sa braso ko. tumayo ako at tumingin sa cellphone ko kung anong oras na.
"sh**t! umaga na pala. 5am na..."
Naghalungkat ako sa cabinet ni Jen para maghanap ng damit. Madalas kasi ako mag sleepover sa kanila kaya meron din akong mga damit na naiiwan d2. Pagktapos ko makita ang t-shirt ko na may nakaprint na "love letran" sa harapan, agad agad akong pumunta sa CR para maghilamos at mag toothbrush. Gaya nga ng sabi ko, madalas ako mag sleepover sa bahay nila Jen kaya halos lahat ng gamit na kailangan ay meron ako. Pagtapos kong maghilamos at mag toothbrush, sandali kong tinignan ang sarili ko sa salamin habang nagpupunas ng basa kong mukha. Matapos ang seremonyas ko tuwing umaga ay bumalik ako sa kama ni Jen. Pinagmasdan ko ng mtagal ang mukha nyang maamong natutulog. sobrang payapa ng mukha nya. hindi tulad kanina na parang gumuho ang mundo nya. habang hinihimas ko ang buhok at kilay niya bumulong ako...
"tutulungan kitang mapahilom ang sugat sa puso mo."
sa puntong iyon ay napaisip ako,
"kung FA lang sana ako... isang click lang puno na ulit ang buhay mo. Pero hindi, WA ako.... at sa sarili kong paraan bilang Kiko., bilang bestfriend mo, kailngan kitang tulungan at protektahan"
dahan dahan akong umalis sa kinahihigaan nya at dahan dahan din na lumakad palabas sa kwarto nya, pagbaba ko sa hagdan ay gising na ang mga magulang ni Jen.
"Tay, Nay, uwi na po ako..."
"Magalmusal ka muna Kiko, naka pag sangag na ako at meron dyan tuyo... magsabaw ka nalang ng kape, paborito mo 'yon dba?" sambit ng Nanay ni Jen at hindi na ko nagdalawang isip para tumanggi.
"Nay, Tay, kain po tayo...." magalang na pagaalok ko sa magulang ni Jen
"Sige na Kiko mauna ka na... mamaya na kami" sagot ng tatay ni Jen habang nagbabasa ng dyaro at umiinom ng kape.
"Sige na anak mauna ka na..." dugtong na sagot ng nanay ni Jen habang nagluluto ng mga ulam na kanyang ititinda.
Mabait ang mga magulang ni Jen sa akin. Kapamilya ang turing nila, birthday, anniversary, pasko, new year, swimming at lahat ng klaseng okasyon ay imbitado ako sa knilang pamilya. kaso minsan napapaisip paren ako, kasi special treatment ang binibigay saken ng pamilya ni Jen, masarap ang pakiramdam pero nakakalungkot din. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi pa 100% na kapamilya ang nararamdam ko. bakit? sa mga oras na nagtatangka akong maghugas ng pinggan, mag linis at kung ano ano pang gawaing bahay ay hindi ako pinapayagan ng nanay ni Jen, sa isip ko kasi para maparamdam ko ang pagsukli ng kabutihan nila saken sana kahit papano pinapayagan nila akong tumulong sa kanila. oh baka talagang sadyang sobrang bait lang nila saken...
pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na din ako agad sa mga magulang ni Jen,
"Nay, Tay, uwi na po ako"
"Sige anak magingat ka..."
"salamat po..."
Matapos kong magpaalam at lumabas ng bahay nila Jen ay agad agad akong humanap ng bukas na tindahan, quarter to 6am na. ayun! may bukas na...
"pagbilan ho... isang marlboro red tska snowbear."
yan ang combo meal ko. marlboro red at snowbear... nagtatalo ang tapang ng red at lamig ng snowbear. ayoko naman ng menthol, pag menthol kasi ang yosi ko better (bilyaran sa intramuros) ang naalala ko at hindi ko alam kung bakit. pag lights naman walang ka hagod hagod. parang normal na paghinga lang. pansin nyo ba? oo... yosi boi ako kung tawagin nila. 1st yr. hs ata ako natutong manigarilyo, tandang tanda ko pa after ng xmas party yun. naginom kami sa bahay ng kabarkada namin, GIN POMELO pa nga ang sikat na alak nun. hahaha!
madilim paren ang mga iskinita at kalsada kina Jen pero malapit na ako sa sakayan. medyo may hang over pa ako kaya naiisp kong mag taxi nalang pauwi. pero sa kasamaang palad, nakaka limang para na ako ng taxi hindi paren ako pinapasakay.
"ano bang meron sa C5 at ayaw nyo akong ihatid dun? safe sa lugar namen!" yan ang isinisigaw ng utak ko habang nag aantay ng taxi. sa dami ng umayaw na taxi saken ay yun din ang dami ng yosi na naubos ko. sa ikawalong pagsindi ko ng yosi ay may dumating na taxi na may laman at sakto sa harap ko bumaba ang pasahero. agad agad kong pinara ang taxi at sa wakas ay pinasakay ako. tinapon ko ang yosi sa pag mamadali na baka magbago pa ang isip ni mamang driver. Ngunit hindi ko napansin na muntik ko na palang tamaan ang babaeng pasahero na kakababa lang. magsosorry sana ako kaya lang ay agad agad na hinarurot ng driver ang taxi. kaya binukasan ko ang salamin at inulusot ang ulo ko sabay sigaw nalang ng...
"sorry miss!"
nakatingin paren sya at galit na galit.... inulit ko ang pag sigaw ko...
"sorry talaga miss!"
sa bilis ng takbo namin ay hindi ko alam kung narinig nya ang sorry ko at hindi ko rin alam kung may isinigaw sya pero isa lang ang sigurado. galit na galit ang babaeng yun dahil "dirty finger" ang sagot nya sa sorry ko. aus tong babae na to ah... nag sorry na nga ako eh.
mabilis ang byahe namen at agad kaming nakarating sa bahay. 120 ang metro. sakto sa pera ko. buti hindi nag pa-plus ung taxi driver. suki kasi ako ng "boss plus 30 ah.. wala na kasi ako pasahero pabalik" pag ganyan ang bungad saken ng driver isa ang sagot ko....
"ULUL!" sabay malakas na pagsarado ng pinto ng taxi. kaya swerte ako sa driver na nasakyan ko. may barya pa pala akong tiglilima kaya ginawa ko nang 135 ang dapat na 120 lang.
pagpasok ko ng gate ay nakita ko ang Lola ko na nagluluto. humalik ako sa kanya at sinabing aakyat na ko. dumeretso na ako sa kwarto ko sa roofdeck, hindi na ko dumeretso sa kwarto ni mama dahil alam kong puyat yun dahil sa insomia nya.
pagpasok ko sa kwarto ay binuksan ko agad ang pc at nag login sa Cabal. konti palang ang tao sa mga server dahil nga sa umaga palang, naisipan ko munang mag grind at mag quest.
"AyeEeeEe!!!!!!"
"AyeEeEEEe!!! wui!"
awts! adik talaga to si xcuteWIAx. umagang umaga OL na kagad....
"oist! ano yun?"
"aga mo OL ah..."
"kakarating ko lang.. galing ako inuman eh. kaw din aga mo ah! adekk ka talaga."
"haha! ndi naman, magpapalevel na ko. sawa na ko tumalo ng high level eh. hihi"
"yabang mo. >.<"
"okay lang pretty naman ako eh."
pretty? another chixilog... sa isip isip ko. hahaha!
"ah... kk" sagot ko sa kanya sa sinabi nyang pretty sya...
"NR amf!"
"anong NR?"
"N-O-O-B ka talaga. No Reaction..."
"okay" wala ako sa mood makipagtalo sa kanya kaya "okay" nalang ang naisagot ko.
"tigilan mo nga ako sa mga ganyang sagot mo nakakairita, i-PK kita eh."
"wala ako sa mood eh..."
"badtrip na nga ako babadtripin mo pa ko epal ka talaga"
"ako pa ang epal ah... ayos"
"haysss.. bahala ka na nga.. palakas ka nalang para matalo mo ko."
"hindi na ko makakapg adik, may aasikasuhin ako."
"ang sungit mo naman! parang mas babae ka pa saken"
wow! eto na... mang chihixi na sya. babae daw amf! ahahaha!
"Kk" pang asar na sagot ko sa kanya
"hay naku, pag nakita mo ko sa personal baka maglaway ka?"
"I don't care" sorry wala talaga ako sa mood makipag asaran sayo.
"I don't care pala ah..."
Mana Freeze!
"Sh*t! d ako makapag skill!"
Assasinate!
pak! pak! pak!
dafeng!
"sungit mo yan bagay sayo... bleh!"
amf na to nasa tabi ko na pala... badtrip.
"ano bang gusto mo? trip na trip mo ko ah... amf!"
"lalake ka diba? kailangan ko lang ng makakusap, d ko naman hinhiling na maniwala ka. gusto ko lang ng makikinig saken"
awts! nagiba tono ng pananalita nya... sa hindi ko maipaliwanag na dahilan naniwala akong babae sya at kailangan nya ng makikinig sa kanya.
"ano bang problema?"
"break na kami ng boyfriend ko... T_T"
hala! ano to? nagkataon lang ba? pareho sila ni Jen ah...
"awts... pareho kayo ng bestfriend ko, ganyan din ang problema."
"so ganon? fed up ka na sa gantong problema? tsk. malas ko naman... sge salamat nalang"
"hindi.. hindi naman sa ganon.. nagulat lang ako at pareho kayo. sige ano bang maitutulong ko?"
"tanong ko lang... pag may nakita ka bang umiiyak na babae, anong gagawin mo?"
"uhmm... bibigyan ko sya ng icecream... yung favorite flavor nya. hehe!"
"nice... buti ka pa..."
ayus ah! nagets nya yung sagot ko... icecream kasi ang lagi kong binibigay kay Jen pag malungkot sya, cookies n cream ang flavor, kasi yun ang favorite nya. kung hindi man icecream, mga bagay na nagpapasaya sa kanya ang binibigay ko. kahit papano, bago matunaw yung icecream napapasaya ko siya kahit sandali.
"yung boyfriend ko kasi imbes na bigyan ako ng bagay na gusto ko at magpapasaya sakin kinukuha pa nya..."
"gaya nang?"
"pinagqquit nya kasi ako sa Cabal"
"awts! bakit daw? baka naman wala ka nang time sa kanya?"
"hindi ah... buong saturday sa kanya ang oras ko. pag weekdays naman lagi kami nag ddinner. yun ba ang walang time?"
"tinanong mo ba kung bakit gusto nyang magquit ka?"
"Oo..."
"anong sagot nya?"
"kasi hindi daw tama... kasi daw pambata... kasi daw hindi productive... may mga bagay daw na dapat na unahin bago 'to"
"eh yun naman pala eh... may point sya..."
"kaso hindi naman yung CABAL lang ang punto eh. lagi nalang syang ganon, sa RO, sa RAN, pati dito. alam mo ba pati pananamit ko? pati pag sasalita ko gusto nyang baguhin? pati kung pano ako kumilos, pati hobby nya sa kotse gusto nya maging hobby ko din..."
hindi ko alam ang dapat kong sabihin... sa puntong yun naramdaman ko kung anong nararamdaman nya.
"minsan nga hindi ko na kilala sarili ko... nakakainis dba?"
"mali naman yung ganon..." yun nalang ang nasabi ko...
"kaya yun, nakipagbreak ako sa kanya... kaso nasasaktan ako, ang sakit sakit. bakit ba hindi nya kayang mahalin at tanggapin yung mga bagay na mahal ko?"
wala akong maisagot sa puntong yun... naiintindihan ko siya. masakit tanggapin na hindi ka tanggap ng mahal mo bilang ikaw.
"wui! andyan ka pa ba? huhuhu. di ka na nakapagsalita dyan... T_T"
ang hirap. wala akong masabi para ma comfort siya...
"halika dito sa DS, pvp tayo... ilabas mo nalang sa character ko sama ng loob mo. gawin mo nalang akong trainig dummy. ayos ba yun? ^_^"
"loko loko eh mas makunat pa nga ang training dummy sayo..."
"yabang talaga neto, pag ako lumakas..."
"haha! kelan pa un?"
nice... kahit papano napatawa ko siya,
Assasinate!
pak! pak! pak!
dafeng!
"salamat aye..."
"walang anuman... smile ka na, ganito oh.. ^__________________^ "
"hihihi... ^_______________________^ ganyan? :)"
"The problem is the world won't let me stay as a kid forever, so I can't lie around crying about it, either" - shikamaru
Noong bata pa ako, dalawang klase ng pagtira sa "teks" ang natutunan ko. Ang "Jokma" at ang "Flying Carpet". Una kong natutunan ang "Jokma" kung saan kailangan mo lang iipit ang teks ng patayo sa iyong hinlalake at hintuturo at gumawa ng "Arc" pag ititira mo na ito. Mas madaling mag pa ikot ng teks pag gamit ang "Jokma" pero mas naging komportable ako sa tirang "Flying Carpet" kung saan kailangan mo din iipit ang teks sa iyong hinlalaki at hintuturo pero imbis na patayo ay pahiga naman at imbes na gagawa ka ng "arc" sa pag tira ay pipitikin mo ito ng iyong hinlalaki. Mas mahirap mag pa ikot ng "teks" sa tirang "Flying Carpet" pero sa dahilang hindi ko alam, mas madalas lumabas ang pato ko na "Selda 14" kahit anong ayos ang gawin ko. Sa una, gitna oh ilalim man. Sa tirang yun ay madalas akong manalo kaya umabot ng ilang bundle ang teks ko.
Pero gaya nga ng sabi nila, bilog ang mundo. Natalo din ang bundle bundle na teks ng isang batang dayo gamit ang kanyang pamato na "Walang matigas na tinapay sa mainit na Kape" na may nakadrawing ba sa likod kaya alam mo kagad kung chub man yun oh cha. Nagkulong ako sa kwarto ko dahil sa pag ka dismaya. Matapos ako icomfort ng mga kalaro ko, napag pasyahan kong hindi na maglalaro ng Teks at magshishift na ako sa Pogs.
Pero dahil nga sa bilog ang mundo, naubos din ang Pogs ko kaya iba nalang ang nilaro ko.
Matagal ko nang naging sandalan ang Video Games pag wala akong magawa, Simula pa sa Donkey Kong sa Game N Watch. Super Mario 3 at Twin Bee sa Family Computer. Sonic sa Sega, Zelda: Ocarina of time sa SNES. Resident Evil, Lunar at Final Fantasy Series sa PS1, Devil May Cry at Tales of Destiny II sa PS2 at ngaun CABAL sa PC.
Wala naman sigurong masama sa pagiging adik sa Video games at Computer games, kesa naman magshabu ako. dba?
Pero iba ang Cabal eh... Iba ang OL game. Madalas kong ikwento kay Jen ang mga nangyayari saken sa mundo ng Cabal. Na may kaaway ako na naging kaibigan kong matalik dahil sa pinagkatiwalaan ako neto sa kanyang mga problema (xcuteWIAx) at isama naren natin ang chixi na si ChiChi. Alam kong hindi makarelate si Jen pag nagkukuwento ako tungkol sa Cabal. Anong alam niya sa DPS combo ng WA? Wala... pero sa parehong paraan na nagtitiyaga siya sa mga kinukuwento ko ay ganun din ako pag nagkukuwento siya sa paborito nyang Harry Potter. Naiinis pa nga ako pag sinasabi niyang gwapo yun. Kung paano ako magkwento na tila totoong mundo ang CABAL ay ganon din siya na feeling niya ay isa siya sa mga classmates ni Harry sa Hogwarts. Kung baga... respeto nalang sa gusto ng bawat isa.
Kaso sa hindi ko inaasahang pagkakataon nagbiro ang tadhana...
"Kambal... pag sinabi ko bang mag quit ka sa CABAL magqquit ka?"
Alam kong nagbibiro lang siya, alam kong gusto niya lang siguraduhin na siya ang priority ko. Sa bagay, siya naman talaga ang pinaka importanteng babae sa buhay ko. Pangalawa kay mama...
"Pede bang sa yosi nalang ako magquit? wag na sa CABAL?" pabirong sagot ko sa tanong niya.
"Sige nga! mag quit ka nga sa yosi! kaya mo?"
Patay, takte kumagat. Napatahimik ako ng mga tatlong segundo... sabay last "hits" sa yosing hawak ko, pag tapon ko ng yosi-
"'to naman! Joke lang! ano bang papanoorin naten?"
badtrip sayang yung yosi ang haba pa eh...
"kaw kung anong gusto mo..."
"If only nalang..."
"maganda ba yan? cheesy naman nyan... sige na nga"
Madalas naman kaming lumabas ni Jen kahit noon pa, pero mas napadalas lalo ng nagbreak sila ni Joey. Sabon na sabon na nga ako sa mga barkada ko. Panakip butas lang daw ako, Shock Absorber, Sponge, Interval at kung ano ano pa. Pero wala akong pakialam. Dito ako masaya, dito ko siya mapapasaya, hindi ako magdadalawang isip na gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay magpapasaya sa kanya. Kahit minsan, masakit din. Oo! meron akong nararamdaman para sa kanya. pero kahit kelan hindi ko ginamit ang pagkakaibigan namin at alam kong alam din niya ang nararamdam ko para sa kanya.. Minsan pa nga biniro niya ko...
*start of flashback*
habang nagtatawanan at nagkkwentuhan kami sa walls ng itramuros kung saan malapit ang school namin na Letran, bigla siyang bumanat ng...
"bat ngayon lang kasi kita nakilala eh!"
"oo nga eh... sayang no?"
"uhmmm... ayos lang din. atleast nagkakilala tayo. malay mo..."
*end of flashback*
No Expectations! 'yan ang no. 1 rule namin sa isa't isa. malinaw sameng dalawa ang pedeng gawin at hindi pedeng gawin sa parehong aspeto na alam din namin ang lugar ng bawat isa sa buhay namen. Masaya na ko dun. hindi lang naman siya ang mundo ko, may CABAL pa oh... ^_^
Pumila kami sa TATERS at bumili ng BBQ flavor na popcorn. Yun ang favorite namin dalawa na snacks habang nanonood ng movie. Pagtapos namen bumili pumasok na kami sa loob para makahanap ng magandang pwesto. Sakto! sa gitna ang pwesto namin, habang nagpapalabas pa ng mga trailer ay nagpaalam ako kay Jen na mag si-CR muna ako habang hindi pa nagsisimula.
Sakto pagbaba ko ay biglang nagdilim na sa sinehan, maguumpisa na ata ang palabas kaya nag madali na ako. kaso sa pag mamadali ko at madilim ang daanan, nakabunggo ako ng babae.
"Amf! hindi kasi tumitingin sa dinadaan eh!"
"Sorry hindi ko sinasadya..."
"hindi ko makakain yang sorry mo, sa susunod tumingin ka kasi sa dinadaan mo okay?" biglang irap at pumunta na kung saan ako galing.
Ang sungit naman netong babae na to... teka? teka teka? parang familiar siya ....
*start of flashback*
"Sorry miss!
nakatingin paren sya at galit na galit.... inulit ko ang pag sigaw ko...
"Sorry talaga miss!
sa bilis ng takbo namin ay hindi ko alam kung narinig nya ang sorry ko at hindi ko rin alam kung may isinigaw sya pero isa lang ang sigurado. galit na galit ang babaeng yun dahil "dirty finger" ang sagot nya sa sorry ko. aus tong babae na to ah.... nag sorry na nga ako eh.
*end of flashback*
parang siya eh... kaso hindi ako sigurado... hindi ko naman siya masyadong namukaan nung muntik ko siyang tamaan ng yosi na tinapon ko. e1! kung siya man yun wala na kong pake. 'di ko naman siya kilala.
mabilis lang ako nag-CR at bumalik na kagad ako sa upuan namen. sakto hindi pa naguumpisa ang palabas. Naka t-shirt lang ako at nakashorts. hindi kasi ako madalas mag pants, mas madalas na naka shorts lang ako kaya sa mga pagkakataong yun ay ramdam ko ang pagtagos ng lamig ng aircon sa balat ko at alam kong ganon din si Jen.
Amf! ano ba 'tong pumapasok sa utak ko... 'wag Kiko! wag... tiisin mo. baka mapahiya ka na naman... pero hindi eh! pagkakataon na naman. Sh**t! pinakiramdaman ko ang galaw niya, paminsan minsan ay bumabaling siya sa direksyon na pabor saken. sinandal ko ang kaliwang braso ko sa tukuran ng kamay sa upuan sa sinehan. naramdaman kong dumikit ng bahagya ang balikat ko sa balikat niya... nawala ng konti ang lamig. mga limang minuto na ganon ang posisyon namin sa sinehan. nagulat nalang ako nang maramdamn ko na dumikit ang braso niya sa braso ko. Naka yakap na pala siya sa braso ko dahil sa sobrang lamig at nakatanday naman ang ulo niya sa balikat ko. ang lamig ng balat niya at ganon din naman ang sa akin.
Sh***t! Sana wag na matapos ang palabas na to... please.... sana pirated ang pelikulang to para tumalon at bumalik sa umpisa. Sana... Sana hindi na matapos... pede na kong mamatay sa ganong pwesto. hays... pero sa pag labas ng mga pangalan ng artista at gumawa sa pelikula ay kasabay na pagtanggal din ng kanyang braso na nakapulupot sa braso ko. bigla akong nailang...
Sa totoo lang, pag kasama ko si Jen para akong nasa dungeon na hindi ko alam kung ano ang quest ko. parang gusto ko nalang na mag select server. Pero naiisip ko din na sayang naman ang entry. nalalabuan din ako paminsan minsan.
"Tara kambal..."
"Pede bang ulitin naten? hindi ko kasi naumpisahan eh, nag CR ako dba..."
"ano ka ba... hindi na pede. tska anong hindi naabutan eh sakto lang dating mo, kaw ha... hahaha!"
hala lagot... halata naman ako msyado, wrong move! Amf... >.< binaling ko nalang sa tanong ang pag ka pahiya ko...
"San na tayo punta?"
"Kaw ano bang trip mo?"
"ikaw na... kahit san naman ako eh"
habang naglalakad kami ay nagiisip siya kung ano ang susunod na trip namen... bigla namang lumabas sa bibig ko ang...
"gusto mo uminom?"
sh***t! ano ka ba Kiko! sabi ko sa sarili ko. puro mali ata ang banat ko. kung may return stone lang ako kanina pa ko nag tele sa bahay namin dahil sa sobrang hiya. baka isipin niya eh sinasamantala ko siya. ayokong mangyari yun... pero hindi siya nagdalawang isip sumagot nang...
"tara! sa bedscene tayo kambal... maganda daw ambience dun eh"
Awts. eto na naman tayo... kailangang mag behave.
Mahilig ako sumugal...
Lumaki ako sa lugar kung saan tuwing hapon ay may mga tambay na lalaki ang nakatayo sa kanto namin at may hawak na baraha... gamit ang isang mataas na drum, ito ang gamit nilang lamesa sa kanilang larong "pusoy". Sa katapat na kanto naman ay mga Nanay na kandong ang kanilang mga anak habang pumipinta ng baraha sa larong "41". At sa dulo naman ng eskinita namin ay may tatlong lalaki at maraming miron na nanonood sa kanilang larong "tong-its". Malapit sa kanila ay ang pwesto namin ng mga kalaro ko kung saan kami naman ay naglalaro ng teks. Madalas pagalitan ang kalaro ko pag natatalo siya sa teks at humingi sa tatay nya ng pera habang ito ay naglalaro ng tong-its dahil malas daw ang pag hingi ng pera habang naglalaro ng sugal. Kung san man galing ang pamahiin na yun... wala na kong pakialam.
Maagang namulat ang musmos kong mga mata sa "pag biyak ng 2 pair para magkaron ng ulo" at ang "pag control" ng baraha sa pusoy, ganun din sa tamang timing ng pag bluff ng "laban/fight" sa tong-its. Pero sa tingin ko... hindi lang naman ang mga sugalero sa paligid ko ang nag turo sa akin ng pagsusugal. Sa larong "teks". "pogs" at "tau-tauhan" masasabi kong nahahasa ang isip ng mga bata sa konsepto ng pagsusugal. yan ang simpleng katotohan na hindi alam ng karamihan lalo na ng mga magulang.
Pero sa lahat ng sugal tulad ng Pusoy, 41, Ending, at Jeuteng sa lugar namin, sa tong-its ako humahanga. hindi ko kasi maintindihan kung bakit kahit sampung beses na tawagin ng tita ko ang tito ko ay hindi paren siya tumatayo sa kinauupuan niya, kahit malipasan na siya ng tanghalian, hapunan at agahan ay okay lang. busog sa sigarilyo, mirinda at skyflakes ang player ng tong-its samen. nakadalawang episode na ng Zenki at BT'x andun paren sila. Ang tibay... wala talagang tayuan, matatapos lang ang laro pag wala nang malistahan sa papel na gamit nila na sulatan ng "Moo" oh "utang" ng bawat manlalaro. Pero madalas ang larong "tong-its" samen natatapos lang pag magaaway na sila at syempre, to the rescue ang mga barangay tanod.
hanggang ngayong malaki na ko iniisip ko kung anong meron sa tong-its kung bakit sila ganon ka adik sa laro na yun oh sa sugal na yun. naintindihan ko lang ng matuto akong mag CABAL... siguro... baka... maaring... ang CABAL ang tong-its ng buhay ko.
"What about love... What about feeling... What about all the pain that made life worth living...."
"cheesy naman nung kanta... dapat pang party eh!"
"hayaan mo na... okay lang yan para magkaintindahan tayo... kanina nagsisigawan tayo eh." sagot ni Jen
Sa puntong iyon kinikilabutan ako sa kanta, nakakailang pag kasama mo ang taong pinapangarap mo at ganon ang kanta, isama mo pa ang sipa ng redhorse na iniinom namin.
"Wala ka pala kambal eh! nakaka 3 RH nako ikaw isa palang... wala ka!"
"Gagu! nagcocontrol ako, ihahatid pa kita... baka kung san tayo pulutin pag pareho tayong lasing"
"Hindi! hindi! walang conrol control! inom kung inom! hahaha!"
parang malakas na ang sipa ng kabayo kay Jen... ang ingay at ang kulit na, ako naman okay pa pero medyo nahihilo naren.
*cheers!*
"Alam mo Francisco... ang swerte swerte ko sayo."
"amf! Francisco tatke... umayos ka nga."
"Alam mo? noon pa ko nangangarap na magkaron ng isang kagaya mo."
"ako naman ikaw ang pangarap ko...." bulong ng isip ko
seryoso na si Jen, pero halata sa kanya na lasing na siya kaya matapang na siya magsalita ng mga nararamdaman niya.
"ako din naman eh..."
"wag ka muna magsalita! *batok*"
"aray!"
"diba sinabi ko sayo noon, kung nagkataon lang siguro na una kitang nakilala kay Joey baka naging tayo nung nagtapat ka sakin nung 1st year palang tayo..."
"......"
"Iba ka kasi eh... naiintindihan mo ko, natatanggap mo kung ano ako, minamahal mo kung ano ang hindi ako"
"......"
"ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko paren yung k*pal na yun... kahit ilang beses na niya ko sinaktan. saksi ka naman dba? pero hanggang ngayon, siya paren ang nasa isip ko"
parang medyo nasaktan ako dun... medyo napalakas ata ang sagi sa puso ko...
"ganon talaga ata pag nagmahal ka... kahit masakit. kahit ilang beses ka masaktan, kahit ilang beses ka mapaiyak hindi ganon kabilis mawawala yung pagmamahal. " alam ko dahil ganon ako...
"Oo nga eh! hic! Martyr kasi ako!"
"hindi ka martyr, nagmamahal ka lang... at nagkataong ganda yung taong minahal mo para ganyanin ka. pero alam mo? kung ako nasa lagay mo... pareho lang tayo. hanggat kaya ko, magtitiis ako. Alam ko kasing sa kanya lang ako makakaramdam ng pagmamahal at saya na gusto ko."
"oh Mr. kiko? excuse me moment ko to...."
"haha! loko! sge tuloy..."
"wala lang .... napapagod naren ako minsan, paulit ulit nalang. tao lang ako diba? napapagod din. bat hindi niya maintindihan yun."
"naiintindihan niya yun, nagktaon lang na mas malawak ang pang intindi mo kesa sa kanya..."
"anong klaseng relasyon yun ako pa ang matured ako nga ang babae, ako pa ang nagdadala. labo"
"eh ganon talaga eh... minahal mo siya eh. mahal mo siya... tanggapin mo nalang"
"bakit kasi hindi nalang ikaw yun.... wala sigurong problema"
ano daw? anong sabi ni Jen? sh***T! tumigil mundo ko ah... parang nawala amats ko. tama ba pagkakarinig ko? sana daw ako nalang? teka tatanungin ko ulit,
"anong sabi mo?"
"SABI KO.... BAKIT KASI HINDI NALANG IKAW YUN.... WALA SIGURONG PROBLEMA"
awts! tama ang pagkakarinig ko... anong isasagot ko, parang walang tamang sagot. bumibilis ang tibok ng puso ko. nagpapawis na naman ang mga kamay ko. hindi na ko makatingin sa kanya ng derecho. ini-straight ko ang kalahating laman ng bote ng RH... bahala na.
"alam naman naten dalawa kung ano ang nararamdaman ko para sayo. pero nirerespeto ko ang pagkakaibigan naten. Go with the flow lang ako... kung tayo in the end edi tayo, kung hindi edi hindi"
"eh pano mo malalaman yung "in the end" kung hindi ka mag "i-start?" "
sh**t! amf naman! parang may gusto siyang ipahiwatig... na dapat ako ang magumpisa ng dapat sabihin. kinakabahan ako kasi baka mali ang pagkakainterpret ko. bahala na... sa puntong ito, isisigaw ko na sa kalaban ko ang "pati pato at panabla!" sa TEKS at ang "ALL IN!" sa POKER isama mo naren ang "BET ALL!" sa In-between. Manalo matalo... bahala na ang Redhorse.
"eh kung sabihin kong "pede bang maging tayo?" "
*batok*
"aray!"
"ano 'ko easy to get? ibahin mo ko sa mga ka fling mo....
ligawan mo muna ako. =)"
Madaling makipag talo sa Magulang, OO dahil pasaway ako.
madaling makipag talo sa professor, OO dahil pilosopo ako.
Madaling makipag talo sa kaibigan, OO dahil kaya kong idepensa ang paniniwala ko.
Pero noong sabado, ang kalabit na inaakala ko ay isa palang malakas na suntok na kahit sino sa Metro Manila ay hindi kagad naisipang makasalag o makaiwas man lang.
Kahit sino nga namang makaLangyarihan oh kahit sino pang relihiyosong kilala mo ay walang kakayanang labanan ang galit ng kalikasan. Hindi mo pedeng suhulan ang ulan para huwag itong lumakas at sana ay huminto nalang. Hindi mo pedeng takutin ang kalikasan na pag hindi siya tumigil ay hindi mo siya ipapasa sa midterm exam. at lalong hindi mo pedeng bolahin ang bagyo at mangako ng magandang buhay sa kumunidad para mawala ang galit na ulap para magbasak ng matatabang patak ng ulan.
Nabasa man ang mga gamit naten oh hindi.
nagsalba man tayo ng mga tv, ref, karaoke oh hindi.
nasalanta man tayo oh hindi,
binaha man tayo oh hindi.
panigurado, sa simpleng pagtatampo ng kalikasan, naramdaman naten na hindi parin ang tao ang
pinaka makaLangyarihan. Na pedeng isang pitik lang ng pagkakataon, pedeng bumalik kung ano man ang ginawa naten sa kanya sa hindi inaasahang pagkakataon. ang masakit, mas matindi pa... at ang lalong masakit, pati ang mga musmos na bata na walang kamuwang muwang, panigurado. damay.
Walang kahit na sino ang pwedeng magtakda kung ano ang pede at hindi mangyayari sayo. OO may free will ka, tayo. pero naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may dahilan at may maliit na sinulid ng saranggola na nagdudugtong kung lilipad man ng maayos ang saranggola mo oh hindi niya makakayanan ang lakas ng hangin sa kalangitan. lahat ng nangyayari sayo, may dahilan, lahat ng epekto sayo, maganda man oh mabuti, konektado sa kung ano man ang nagawa mo. kahit isang dura lang sa underpass sa lawton. konektado yan sa langgam na iiwas sa dura mo at dadaaan sa iba na matatapakan naman ang langgam ng dumadaan dahil sa iniwasan niya ang dura mo. kung hindi ka dumura, hindi iiwas sa dura mo ang langgam, at hindi din iiwas sa dura mo ang dumadaan. ang mangyayari, buhay ang langgam.
Pero no choice, hindi mo natiis dumura... ano nangyari? maraming namatay. maraming nadamay.
noong sumugal ako kay Jen, dalawang daan ang pinagpilian ko. isang daan na madilim pero maluwag, at isang daan na maliwanag pero masikip. pinili ko na dumaan sa maliwanag pero masikip. sa dulo kasi ang aninag ni Jen ang nakikita ko. nakingiti. singkit ang mata, nakalugay ang buhok at may bangs. kung ikaw? pipiliin mo ba ang madilim kesa sa liwanag? hindi ko alam. pero ako, pinili ako ang liwanag... wala naman kasing mas mahalaga pa saken kundi si Jen, siya lang. wala nang iba.
hinatid ko si Jen nang matapos kami uminom, pareho kaming lasing kaya nag taxi nalang kami. pareho kaming tulog sa byahe, swerte at mabait ang taxi driver. sa mga pagkakataon talaga na kailangan mo ng taong mabait. ibibigay talaga sayo.
"boss! andito na tayo sa dominga, san kayo?"
nagulat ako at biglang nagising... si Jen, tulog paren.
"paki kanan nalang po, pag kanan sa unang kanto ibababa ko po ang kaibigan ko tapos derecho na tayo sa mandaluyong vergara."
pag kasabi ko ng direksyon ay ginising ko na si Jen. matindi ang tama, ayaw magising... matindi talaga ang RH pag sumipa. KO ka talaga.
"boss para, dyan nalang kami sa kanto. Jen gising! gising! andito na tayo sa inyo..."
walang sali salita... walang unat unat, bumangon si Jen at lumabas ng pinto. inalalayan ko siya hanggan sa makapasok siya sa kanilang pinto.
"okay ka na dito ah..."
hindi na siya nagsalita at pumasok nalang sa loob ng bahay nila, ako naman ay bumalik na sa taxi, sa akmang pag bukas ko ng pinto ng taxi narinig ko si Jen na tinawag ang pangalan ko...
"Kiko!"
lumingon ako...
*kiss*
isang matunog na halik ang binigay saken ni Jen sa pisngi sabay sabing...
"i-text mo ko pag naka uwi ka na ah... ingat"
hindi na ko nakasagot, isang matamis na ngiti nalang ang binigay ko sa kanya sabay pasok sa taxi.
buong byahe pauwi sa mandaluyong (pag lasing na lasing ako sa mandaluyong ako umuuwi kesa sa taguig. sa father side ko...)
hawak hawak ko ang pisngi ko kung saan dumampi ang malambot na labi ni Jen. lasing pa siguro ako, hindi ko alam pero bigla akong nagtanong sa taxi driver.
"boss! may tanong ako..."
"ano yun iho?"
"may nanalo na ba sa lotto nang hindi tumataya?"
matagal bago nakasagot ang driver... pero sa sagot niya, nagulat ako.
"meron na... maraming beses na."
"oh ndi nga? may kilala kayo?"
"Oo! mga pulitiko... diba sila din naman nanalo sa lotto? sa kanila lang naman umiikot ang pera na tinataya ng maraming tao"
humanga ako sa sagot ng driver. medyo matanda na siya pero parang groovy paren at active sa mga bagay bagay na hindi na pinakikialaman ng normal na pilipino.
"hahaha! may point kayo... pero naranasan niyo na bang sumugal?"
"aba! oo naman!lalo na pag laban ng ginebra... talagang tumataya ako sa ending."
"ah... eh sa pagibig ho? nasubukan niyo nang sumugal?"
"oo naman!"
"nanalo ba ho naman kayo?"
"hindi..."
"anong ginawa nyo nung natalo kayo?"
"edi sumugal ulit ako... pero sa ibang laro na."
hindi ko na naitanong sa driver kung sa pangalawang sugal niya eh nanalo ba siya, gustuhin ko man na makipag kwentuhan pa sa
kanya eh lalampas na kami sa bababaan ko.
"sa tabi nalang ho ako."
150 ang metro... pero dahil sa nagenjoy ako at mabait ang driver, 20 pesos nalang ang hiningi kong sukli sa 200 na binigay ko sa kanya.
"salamat iho, kung susugal ka man, tandaan mong magtira ng pang puhunan sa susunod na laro. para kahit papano, may pamusta ka paren kahit sampung piso lang yan, yung pitong piso ipusta mo. yung tatlong piso ibili mo ng yosi at snowbear"
kung ano man ang gustong ituro saken nung driver, hindi ko na napansin, sumugal ako kay Jen, pati pato at panabla. wala na akong tinira. kahit pang snowbear oh pang yosi man lang, kahit pang fortune oh memphis wala. as in wala. kaya kung matalo man ako, wala nang 2nd round. hindi ko pedeng sabihin na "lag ako sir, sa pa po" oh di kaya naman ay "awts! cut. sapa!". hindi "bato bato pik" ang laro namin kundi "maiba taya" at kung ako man ang maiba ng kamay, wala ng 2nd round. ako na ang taya. mabalagoong man oh hindi.
kung tutuusin hindi ko alam kung pano liligawan si Jen. Hindi dahil sa hindi ako marunong manligaw, hindi ko alam kasi parang sa araw araw na ginawa ng diyos eh nanliligaw naman ako sa kanya. kung ikaw tatanungin ko. pano ka manligaw? at ikaw ate, sa anong paraan mo ba gustong ligawan?
Oo! aaminin ko. sa lahat ng ex ko, may kasamang pambobola at pagsisinungaling ang panliligaw ko. hindi na ko mag papaka ipokrito. Kadalasan pag nanliligaw tayo ay kung ano ang gusto ng babae ay yun ang ginagawa naten. kung ayaw nila na magdota tayo, tiis tiis. kung ayaw nila na nagyoyosi tayo, itago. kung ayaw nila na makulit tayo sa klase, magpakabait. Ang isang demonyong lalake ay kayang gawing anghel ng isang babae. swerte nalang kung kahit sila na nung nililigawan niya eh anghel paren siya, pero
kadalasan unti unti nang lumalabas ang sungay ng mga lalake pag sila na. eh pano naman ako? gustuhin ko man mag paka anghel kay Jen alam niya sa isang sem 6units lang ang pinapasa ko? ultimo PE at FILIPINO binagsak ko? pano ako magpapaka anghel kay Jen kung alam niya na mahilig akong mang kick back sa mga simpleng project na worth 200php ay magiging 1000php - 2000php? ang hirap.
kabisado ni Jen kung kelan siya magtatakip ng ilong dahil maglalabas ako ng sama ng loob. alam niya kung saan ako makikita pag wala ako klase ko. (kung hindi sa bilyaran, sa comp shop) kabisado ni Jen kung pano ako humikab at humilik. alam niya ang kiliti ko at alam niya kung kelan ako galit. sa madaling salita. alam ni Jen ang lahat lahat saken. pano ko siya liligawan?
isa nalang ang naisip ko... ang 2 beses gawin kong araw araw. ang 1sentence gawin kong paragraph. at maging open sa kung ano man ang nararamdaman ko at nakikita ko. dati kasi, 2 times a week lang kami magkita. dati kasi pag magkatext kami madalas na "okay" ko ay nagiging "kk" nalang dahil sa busy ako sa cabal. at dati din kasi, tikom ang bibig ko kahit gustong gusto kong isigaw sa kanya na mahal na mahal ko siya. na importante siya buhay ko. na makita ko lang siyang nakangiti hindi na ko mag e-extend
sa comp shop. at ganon nga ang ginawa ko. inumpisahan ko ng lunes.
6:00am- gigising ako ng umaga para igreet siya ng "cute morning kambal! ingat pagpasok" tapos matutulog ulit ako.
12:00nn- gigisng ako at itetext siya ng "kambal lunch ka na..." ako din mag lulunch na.
12:00- 3:00pm- CABAL... eto ang break ko,
3:00pm- 4:00pm- maghahanda na ko... maliligo, magpapacute, para pag sundo ko sa kanya, palong palo. ^_^
4:00pm- 5:00pm- dadating ako sa letran, magyoyosi saglit, aantayin siya, kukunin ang gamit niya at ihahatid sa kanila. (minsan nagdidinner kami sa labas)
8:00pm- 9:00pm- pag d kami kumain sa labas, kakain muna ako, pero kung kumain na kami derecho CABAL na
10:00pm- itetext ko siya ng "gudnyt kambal... sweetdreams. I love you."
10:00pm-12:00am- CABAL again...
12:am- tulog time...
yan ang sched ko araw araw... linggo ang pahinga. masaya naman at alam ko masaya din naman siya. pag medyo may pera nailalabas ko siya at nanonood kami ng sine.
tumagal kami ng isang buwan na ganyan... at nung araw na mag isang buwan ko na siyang nililigawan niyaya ko siyang lumabas para magcelebrate. nung una ayaw pa niya kasi may ginagawa daw siya pero pinilit ko. minsan lang naman yung ganon. nanood kami ng sine, kumain, at tumambay sa sa seaside.
*sindi ng yosi*
"nagenjoy ka ba?" tanong ni Jen
"oo naman! kahit naman sa kwekwekan lang tayo kumain basta kasama kita masaya na ko. basta may yosi ah. ^_^"
"haha! loko loko!"
"ikaw matanong ko... masaya ka ba?"
"Oo noh! kelan ba ko hindi naging masaya pag kasama ka?"
alam kong masaya siya... hindi siya nagsisinungaling ng sabihin niya un. pero may mali eh. parang may mali. parang may kulang. maaliwalas ang ngiti niya pero walang kislap. may mali, may kulang. bago pa man ako makapagsalita... naunahan na niya ko.
"alam mo Kiko... hinding hindi ako magsasawang magpasalamat sayo, salamat ah"
"anu ka ba, d mo naman kailangang mag thank you..."
"hindi, kailangan ko mag thank you. sobra sobra na yung ginagawa mo saken. ang sarap sa pakiramdam. feeling ko mas singkit pa ko kay kim chui"
"ahahaha!"
"pero kiko...
isang malumanay at malamig na "kiko" ang narinig ko galing sa kanya... humampas ang dagat sa bato, pinalakas ng hangin ang baga sa yosi ko... matagal na katahimikan. hindi ko na natiis antayin ang karugtong ng sasabihin niya kaya nagtanong na ko.
"pero? pero ano?"
sa tanong ko na yun... kakambal ang kaba sa puso ko kung ano man ang sasabihin niya. hindi ako negative thinker pero sa puntong yun, kinabahan ako. at naramdaman kong ang susunod na sasabihin niya ay wawasak sa puso ko.
nakatitig siya saken, at ganon din ako sa kanya. sa tagal ng titig ko d ko namalayan na tumutlo na pala ang luha niya. sabay bigkas ng...
"nagkabalikan na kami ni Joey... sorry"
"isn't it ironic? don't you think? it's like rain.... on your wedding day. it's a free ride... when you're already paid."
tandang tanda ko pa noong bata ako... nagssoundtrip si erpats ng Alanese morisette (spell check ^_^) dun ko unang narinig ang salitang "ironic". grade 4 ako noon. medyo bata pa din si erpats kaya groovy at medyo bago pa ang mga gusto niyang kanta at hindi yung mga "sunday special" na tugtugin sa radyo.
"Pa, anong ibig sabihin ng ironic?"
"ah... ibig sabihin ng ironic eh yung tipong gusto mong uminom ng MILO pero ang meron lang ay KAPE. Inaabangan mo ang palabas na MASK RIDER BLACK pero nag brownout at nang nagkaroon na ng kuryente, Iba na ang palabas at hindi mo na gusto."
Sa paraang pagpapaliwag saken ng Erpats ko naintindihan ko ang ibig sabihin ng IRONIC. at lalo na ng tumanda ako dahil lahat tayo nakakaranas ng ganito. "Life itself is Ironic" kumbaga... wag kang mapikon. lahat tayo nakakaranas niyan. patas lang.
naranasan mo na bang magantay ng isang oras sa taxi at nang may dumating naunahan ka naman ng iba? naranasan mo na bang maagawan ng spot sa UG? eh ang makaloot ng EOF+7 sa FT pero bigla kang na DC?
magaling makipag laro ang pagkakataon at ang tadhana. wala itong catalyst na ginagamit para CDI, ATK, oh DEF RATE ang lalabas. bagkus ay FCH at random ang labanan pag pinagusapan ang buhay. ang mga taong gumagamit ng catalyst sa buhay eh yung mga taong madalas magkaroon ng regret sa huli. kung meron akong OSM GS perfect CDI [2] at inextend ko pa gamit ang SEH, imbis na mag catalyst ako para lumabas ang CDI... mas mabuti pang irandom ko nalang. masakit nga sa bulsa pero "No Pain No Gain" dba?
Pero sa nangyari saken... parang sana hindi nalang ako sumugal kay Jen. katumbas ng ma Hack Delete ang nangyari... katumbas ng mawalan ng bahay... katumbas ng hindi makagraduate... katumbas ng pumasok ng maaga sa school para magpasa ng Last requirement na project pero hindi mo dala ang ID mo at ayaw kang papusukin ng guard. katumbas ng ma Ban ng hindi ka naman gumagamit ng BOT. katumbas ng lahat ng mga masasakit at nakakabadtrip na pedeng mangyari sa buhay mo. ang sakit. para kang tumalon at umasang may sasalo pero yung sasalo sayo ay tinawag ng ibang tao kaya napalingon siya at hindi ka napansin na tumama ka na pala sa sahig at una ulo.
"ah.... talaga?"
yan lang ang nasagot ko sa sinabi ni Jhen...
"sorry Kiko... mali ako, sorry talaga, mahal ko talaga si Joey"
"ah.... okay lang yun"
"hindi eh... hindi okay yun, sorry talaga"
"okay nga lang, alam ko naman na mahal mo pa talaga si Joey. =)"
"sorry talaga... sobrang sorry"
"tama na... okay na yun"
hindi ko alam pero tang*** pumapatak na luha ko. nagsindi ako ng yosi.
"sorry talaga, matatanggap ko kung magagalit ka..."
"SINABI NANG TAMA NA EH! *hit hit sa yosi* TAMA NA! alam mo? naiintindihan kita eh! sa lahat ng aspetong kayang tignan ng mata ko naiintindihan kita! MAHAL MO SI JOEY! pero P**TANG*** naman! Ano ko dito REBOUND? INTERVAL? COMMERCIAL? PANAKIP BUTAS?"
"alam kong hindi ka maniniwala at mahirap din ipaliwanag pero Kiko minahal kita... minahal naren kita higit pa sa pagiging magkaibigan naten."
"Bu**sh**! hindi ito singing contest Jen, hindi ko kailangan ng consolation prize!"
"sa maniwala ka at sa hindi Kiko, mahal kita..."
"nakakatawa ka naman... *sabay punas sa luha ko* hulaan ko kasunod niyan... mahal mo ko pero mas mahal mo siya ganon ba? haha!"
"hindi ko naman ginusto na magkabalikan kami eh..."
"eh ano pa ko? ang vovo ko... dapat hindi ako nagpadala sa mga biro naten eh."
"kasalanan ko 'to... sorry talaga"
"wala namang magagawa yang sorry mo eh. maaalis ba nyan ang sakit na nararamdaman ko? mapapatigil ba nyan ang luha ko?"
"sorry talaga Kiko... sorry talaga... ayokong mawala ka saken... sorry talaga...."
sa oras na yun humahagulgul na si Jen samantalang ako nagpipigil ng luha. kada patak punas agad. kada patak hit hit sa sigarlyo.
"ayaw mo na mawala ako? nice naman... bakit? wala nang sasalo sayo?"
"hindi yun ganon Kiko... hindi mo ko naiintindihan.... mahal kita... ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.... kaya lang..."
"kaya lang ano? kaya lang mas importante siya? na mas higit siya? Jen hindi pedeng dalawa kami!"
"........." hindi sumagot si Jen at nagpatuloy lang ang kanyang pagiyak...
sugat na ko eh... dito pa ba ko titigil? kung ano man ang natitira pa saken ngayon... isusugal ko na. bahala na. hindi pwedeng tabla oh balik taya lang, panalo oh talo lang ang pagpipilian.
"huling tanong Jen... *hit hit ng yosi, punas ng luha* pumili ka, AKO oh si JOEY?"
"wag naman Kiko please... *lalong lumakas ang pag iyak ni Jen* "
"AKO oh si JOEY?"
"......."
"AKO???? oh si JOEY????"
"si ....."
sa oras na nagtanong ako kung sino samen dalawa ni JOEY alam ko na kung sino ang pipiliin niya, pero nag baka sakali paren ako. baka sakaling baguhin ng hangin ang isip niya, baka sakaling balutan siya ng usok ng sigarilyo ko at maramdaman niyang ako ang nararapat para sa kanya. pero hindi... si JOEY ang pinili niya.
"si Joey, sorry Kiko... sorry talaga Kambal... sorry..."
"Jennica, isa lang ang hihilingin ko sayo. sana sa ginawa mong desiyson, huwag kang magsisi sa huli, dahil baka pag narealize mong nagkamali ka.... wala na ko."
"......" wala nang maisagot si Jen at patuloy nalang ang pagiyak....
"mauuna na ko... ingat ka paguwi, sana magtagal kayo... at huwag nang maghiwalay pa, at oo nga pala... huwag mo na kong tawaging kambal."
umalis ako sa kinauupuan namen... parang slowmo ang lahat. parang dinadaan-daanan ako ng mga tao. parang maliwanag sa paligid ko at akin lang ang madilim. nagsindi ako ng yosi, at habang pauwi... dun bumuhos ang luha ko at hindi ko na napigilan pa.
pagdating ko sa bahay dumerecho kagad ako sa kwarto ko, pinatay ang ilaw.... binuksan ang pc. monitor lang ang nagsilbing liwanag sa loob ng kwarto ko. nagsindi ulit ako ng yosi. kitang kita ko ang usok na tinatamaan ng aninag na liwanag galing sa monitor. nagbukas ako ng Friendster, nagbukas ako ng Facebook. dinelete ko sa friendlist ko si Jen, sa oras na yun ang kalimutan siya ang tanging gusto kong gawin.
"kahit anong paraan para lang makalimutan ka at makabangon ulit gagawin ko.... sana maging masaya ka sa naging desisyon mo Jen, sana maging masaya ka kay Joey at sana hindi ka na niya saktan pa. sa huling pagkakataon.... Mahal na Mahal kita."
*message sent*
pagka send ng message ay tinanggal ko ang sim card sa cellphone ko at tinapon sa basurahan. d ko na naisip na mawala ang ibang importanteng no. sa phonebook ko. ang mahalaga ay makalimutan ko siya. yun lang. wala ng iba.
*click CABAL launcher*
*Start Game*
*Login username and password"
*Connecting to server*
"AyeEeeEEe!!!! ^_^ "
Wala pala talagang makapagsasabi kung kelan ka mamamatay, sabihin na naten na nakatakda na at kapalaran mong mamatay ngaun, bukas oh sa makalawa, wala paren nakakaalam nun. magugulat ka nalang, yung isang mahal mo sa buhay eh kahit kelan hindi mo na mahahawakan, makakausap, at makakasama. paulit ulit sinasabi sa lahat ng pagkakataon, sa tv, radyo, sa kwentuhan, sa klase, sa inuman at kung san san na habang buhay pa ang mga mahal mo sa buhay, sabihin mo na lahat ng pedeng sabihin.
Kung hind mo kayang sabihin... itext mo. kung ayaw mong malaman niya na ikaw yun, bumili ka ng bagong simcard. itext mo. pag nag "hu u?" wag ka magpakilala. Mararamdaman niya yun na ikaw yun. Kung wala kang cellphone. Sumulat ka. Ilagay mo sa ilalim ng unan niya, dahil sa isang pitik ng pagkakataon, sa isang galaw ng dahon at sa isang kumpas ng malakas na alon, mawawala lahat ng pwedeng paraan para masabi mong mahal mo ang nanay mo, na mahal mo ang tatay mo, ang girlfriend mo, ang kuya at ate mo, ang lolo at lola mo, ang tito at tita mo, ang kaibigan mo, ang aso mo, ang alaga mong sisiw, ang kabuddy mo sa cabal, ang crush mo na lagi mong pinagdadasal.
Corny yan kung sa Corny...
Baduy kung sa baduy....
Laos na kung sa Laos....
Pero tandaan mo, pag nandun ka na, at hindi mo nasabi ang simpleng "Pa, sorry sa lahat ng kasalanan ko" oh ang "Ma mahal na mahal kita", ipupusta ko ang 10B ko. magsisisi ka... at wala kang ibang magagawa, kundi umiyak ng umiyak nalang.
_____
"AyEeeEEe!"
"......"
"AyEeeeEe!"
"ow?"
"suplado naman neto.... hmp!"
"sensya na may problema kasi ako eh...."
"ano 'yun? care to share? ~_^"
"....."
"'wag ka na mahiya... kahit papano baka makatulong ako."
"ayoko kasi talaga muna pagusapan, ang totoo gusto ko nalang kalimutan"
"uhmm... alam mo? naiintindihan kita. pero alam mo din? hanggat hindi mo tinatapon sa tamang basurahan ang isang basura, habang buhay kang lalanggamin, habang buhay mong maamoy ang baho, at habang buhay kang maglilinis ng katawan sa basurang ayaw mong itapon."
"......"
"magkaiba ang sinasabi mong "gusto mong kalimutan" sa sinasabi kong "itapon mo ang basura sa basurahan"
ang lalim naman nun!
"sa anong paraan?"
"kahit kalimutan mo ang isang bagay, andyan lang yan sa katawan mo... maraming pagkakataon na pede mo paren siyang maalala. pero pag tinapon mo na, mawawala ang dikit at lagkit ng basurang yun sa katawan mo. andyan paren ang basura pero wala na sayo. gets?"
may punto si xcuteWIAx, sa totoo lang nakakapanibago siya. 'di ko lubos maisip na may taong seryosong nagsasalita sa "whisper chat" ko sa CABAL habang nag dadance2 ako sa labas ng BI channel 31.
"Oo gets ko..."
"naks! kala ko kailangan pa kitang i-mana freeze para lang maintindihan mo eh. HAHAHAHA!"
"urur!"
"amf! wag mo nga akong i-urur! imamana freeze talaga kita pag nakita kita."
"okay lang, kahit lahat pa ng debuff skill mo gamitin mo saken wala din, mas gusto ko pa nga yun."
"amfufu! emo ka pala? HAHAHAHA!"
"ta3 'to, may problema na nga ako nang bubully ka pa."
"alam mo kung bakit?"
"bakit?"
"WEAK ka kasi!"
"yabang neto... lalakas din ako."
"kelan pa?"
"antayin mo lang..."
"'wag ka na magpabukas, kung kaya mong gawin ngaun, gawin mo ngaun."
"opo ma'am!"
"good. so anong problema?"
wew! okay si xcuteWIAx ah... pakiramdam ko sumimple lang siya, sumimple lang ng mga pang bubully, pangaasar at pangungulit. para nga naman pag nagkwento ako eh "light" na sa pakiramdam ko. ganda ng timing eh, biglang tanong... hehe!
"may niligawan kasi ako... tapos nagkabalikan sila ng bf niya. Sakto pa umuulan, naiwan akong stranded, wala pa man din akong payong. haha! ung huling sentence joke lang"
"awtz! T_T"
"wala eh... mahal niya talaga yung ex niya."
"eh bat naman kasi niligawan mo kagad, kakabreak lang nila ng bf niya no?"
"uhmmm... oo.
"engot! kala ko sa CABAL ka lang NOOB! NOOB ka din pala IRL."
"....."
"joke lang, peace! ^_^ edi anong nangyari?"
"pinapili ko siya eh, ako oh yung bf niya."
"teka ano ka ba niya?"
"bestfriend"
"toinks! ano kayo BEA and JOHN LLOYD? Close to you?"
"ang kulet mo! mag seryoso ka muna...."
"okay sorry... sugar high lang ^_^"
"naiintindihan ko naman siya eh, yung bestfriend ko, ang hindi ko lang maintindihan eh bakit parang ginawa niya kong panakip butas. siya pa nga ang nagbiro na ligawan ko siya, siya pa ang madalas bumanat ng "bakit ndi nalang tayo?" or "ngayon ka lang kasi dumating". syempre lalake ako, mahina lang din. nadadala lang din sa biro. ayun sineryoso ko. ayun. TALO."
"pano mo naman nasabing BIRO lang ng bestfriend mo yun?"
"amf naman. kung hindi BIRO yun edi sana ako pinili niya diba? yun lang yun"
"aye babae ako, maaring hindi sa lahat ng pagkakataon eh 100% pero ang babae pag nagbitaw ng salita kahit biro pa yun, totoo yun. naramdaman talaga nila yun"
"sabihin na nga naten na ganon. pero may maganda bang naidulot? wala diba? sumugal ako sa biro na yun. kaya eto. talo."
"hindi mo ba naisip na siya sumugal din? mag bestfriend kayo dba? bakit parang tingin mo eh ikaw lang ang sumugal sa pagkakaibigan nyo?"
tama siya... pero para kasing unfair eh.
"may point ka, pero para saken unfair eh. sa sugal na ginawa ko, pag talo talo talaga. uuwi akong naglalakad. eh siya? manalo matalo may sasalo sa kanya. maglakad man siya pauwi may kasama siya. eh ako? solo"
"hindi na kasalan ng bestfriend mo yun... hindi din naman ata alam na magkakabalikan sila. nagkataon lang talaga na ikaw solo ka. at siya may kasama na."
"taenang pagkakataon yan."
"ganon talaga eh... 'wag ka na mag emo! 'di bagay sayo. namimiss ko yung kakulitan mo eh."
"yaan mo... itatapon ko na yung basura."
"good!"
hindi na ko nakapgtype ng "BRB" or "AFK saglit", hinanap ko ang simcard ko at binalik sa cellphone ko. hindi ko dapat takasan ang bagay na magpapaalala saken sa sakit. dapat labanan ko 'to. sa ganong paraan, maitatapon ko ang basura sa tamang basurahan. at dun ko lang tuluyang mapapalaya ang sarili ko sa kirot na nararamdaman ko. washeeeng! ^_^
*ASSASINATE!*
pak! pak! pak!
*dafeng*
pagkabukas ko ng cellphone ko...
"Humanda na kayo, Kampon ng kadiliman Oras na ng pagtutuos, Kasamaaan niyo’y dapat matapos
Narito na sila bayaning tagapangtanggol sa masama’y lilipol. Maskman kayo lang ang pagasa iligtas kami sa marahas na kadiliman, kami’y inyong ipaglaban... Sige! sige! laban Maskman! Ipagtangggol ang kapayapaan
Sugod! sugod! laban Maskman! ipagsanggalang ninyo ang katarungan buong mundo’y magpupuri’t magpupugay mabuhay! Laser Squadron Mas…ku…man" -yan ang ring tone ko ^_^
*ermat's calling*
awts! si mama pala... nalibang ako masyado sa ringtone ko...
"kiko.... kanina pa kita kinokontak! huhuhu"
"oh bakit ma?"
"kiko si kuya danny mo...."
bigla akong kinabahan...
"bakit anong nangyari kay kuya danny?"
"huhuhu.... anak si kuya danny..."
lalong lumalakas ang iyak ni mama na lalong nagpa bilis ng tibok ng puso ko.
"bakit ma? ano bang nangyari? kumalma ka muna"
"nak si kuya danny, inatake sa puso. 50/50.... =("
"P****TA******NA!"
"wui aye! d ka na bumangon dyan?"
hindi ko na pinatay ang pc. nagpalit ako ng damit at agad bumaba sa bahay namen. nakita ko si mama na umiiyak, pina kalma ko siya at nang maayos na ay nagpaalam ako na pupuntahan ko si kuya danny sa mandaluyong hospital.
Madalas kong itanong sa sarili ko noong 2nd year HS palang ako sa SNCS na kung magpabutas kaya ako sa tenga magmumukha kaya akong galunggong? Kung sasali ba ako sa Gangsta basagulero na ko? Kung matuto akong manigarilyo at uminom rebelde na ba ko? Kung mag cutting class ako at ipusta ang baon kong 70pesos sa Counter Strike pariwara na ba ako? Automatic ba na pag gumawa ka ng isang mali sa paningin ng karamihan eh masama ka nang tao? nakakaloko.
Ang lupit din ng mundo no? Parang isang maling hakbang at lundag mo lang sa "piko" eh kasalanan mo na lahat kung bakit kayo na taya. Sa bagay, kasalanan mo nga naman talaga yun kung "mother" ka at ang usapan ay "Dead Mother Dead All" at "nakain na ng kalaro nyo ang susi at wala nang bawian"
Pero hindi eh... hindi naman Dead Mother Dead All ang buhay ng tao at wala kang kalaro na kumakain ng susi para wala nang bawian kung anong rules ang binigay niya. Hindi porket nanood ka ng Daisy Siete eh baduy ka na at wala ka nang karapatang maging conyo. Hindi porket paborito mo ang BOYZONE eh bading ka na at masama kang tao. Hindi porket naka BLING BLING ka eh basag ulo na ang hanap mo. Hindi porket marami kang collection ni MARIA OZAWA eh manyakis ka na. Malibog ka lang, hindi ka manyakis. Malaki ang pagkakaiba nun. Hindi porket mahilig kang magsuot ng P**E shorts eh POKPOK ka na. Hindi din porket 1side ka EMO ka na. at Lalong hindi porket nagshabu ka eh ikaw na ang pinaka demonyong tao sa buong mundo.
Sino ba ang nagsasabi ng mali at tama? Sino ba ang nakakagawa ng mali at tama? Sino ba ang nagdidikta ng eto ang dapat mong gawin at hindi dapat gawin? Nanay mo? Tatay mo? Teacher mo? FM? GM? Mayor? Judge? Congressman? Pari? Brgy. Captain? Magtataho? Nagtitinda ng tinapa at tuyo?
Lahat nagkakamali... nagiging mali lang ang mali kung ayaw mong itama. Ang masakit lang.... sa isang blankong puting bond paper ng buhay mo, isang tuldok lang dyan ng mongol 2, kahit gaano pa kaliit ng tuldok na yan, yun at yun paren ang mapapansin kesa sa mga puti at malinis na parte ng bond paper mo. swerte pa nga kahit papano kung mongol 2 ang gamit, madali kasing burahin. Pano kung yung pagkakamali mo eh Lotus pen ang pinangtuldok? Oh Pilot Pentel Pen pa? mas matindi yun. wala talagang burahan.
Sino ba si kuya Danny?
Ang totoo niyan hindi ko siya kadugo at kung tutuusin, hindi dapat kuya ang tawag ko sa kanya kundi Lolo. Asawa siya ng kapatid ng Lola ko na nanay ng Ermats ko. Kaya naging kuya ang tawag ko sa kanya at hindi lolo kasi bata pa siya. 42, bakit? kasi yung kapatid ng Lola ko eh bata paren, 44 ata. Magkapatid ang Lola ko at asawa ni kuya Danny sa ama.
Madalas pag nasa backside, Mandaluyong ako lagi kong kainuman si kuya Danny, lagi din niya akong tinutulungan pag may "shoot" ako, (project, raket, etc). Madalas pang manghingi saken ng yosi si kuya Danny pag tumatambay ako sa tindahan nila aling Temeng.
"'Unsoy, meron ba tayong yosi diyan?"
at lagi ko naman siyang binibigyan.
Malapit saken si kuya Danny kaya ng malaman kong inatake siya sa puso agad agad akong pumunta sa hospital.
Habang nasa biyahe hindi ko maiwasan alalahanin ang masayahing ugali ni kuya Danny. Palabiro kasi at sa iilang kapamilya ko, siya nalang din ang tumatawag sa akin ng "Unsoy" (bunso) kahit 21 years old na ko. Baby ako kung ituring ni kuya Danny. Spoiled din ako sa kanya sa maraming bagay. Pero hindi ko din maiwasang mainis sa mga taong madaling naghusga sa pagkatao niya. Naging adik kasi si kuya Danny noon, at hanggang ngayon ay walang trabaho. kaya siya ang nasa bahay. Pero kapalit ng Pera na pede mong ibigay sa pamilya ay ang paghihirap niya ng pagaalaga ng apat na anak na may kanya kanyang problema din. idagdag mo pa ang pagaalaga sa matanda na niyang biyanan. isama mo pa ang pagluluto araw araw, paglalaba linggo linggo, pag diskarte ng pagkain pag kapos, at pagaalaga ng una niyang apo. hindi ko sinasabing mas bayani siya sa asawa niya na nagtratrabaho para kumita ng pera. Ang akin lang, timeout muna sa panghuhusga at panghahamak. Mahirap din ang ginagawa niya.
Nang makarating ako sa hospital, agad agad akong pumunta sa emergency room. Doon ko nakita ang kalagayan ni kuya Danny na dumurog sa puso ko. walang malay at may mga aparatus na naka saksak sa katawan nya. Agad gumilid ang luha ko pero nagmatigas ako. kaya ni kuya Danny un, magiinuman pa kami.
lumabas muna ako para kausapin ang mga anak niya kung anong nangyari, nilagnat daw si kuya danny at nang makalipas ang tatlong araw bigla nalang daw nakita ng panganay niyang anak na nangingisay sa kanyang kama kaya agad agad dinala sa hospital. Sa kalagitnan ng pag tatanong ko ay biglang nagkagulo sa loob kaya agad akong pumasok ganon din ang babaeng anak ni kuya danny na pinagtanungan ko. Dito hindi ko na napigilan umiyak. Ang akala mong sa pelikula lang nangyayari ganon din pala sa totoong buhay. pina pump ng doctor ang dibdib ni kuya danny, paulit ulit, bawat diin sa dibdib niya ay parang nararamdam ko ang sakit na nararamdaman niya. tinignan ko ang mukha ni kuya danny at bumulong...
"kuya danny! laban lang... kaya mo yan, magiinuman pa tayo. wag kang susuko."
Ang hirap ng pakiramdam, wala na kong pakealam sa mga tao. kahit yung isang nurse na parang familiar ang mukha at tingin ng tingin sa akin ay hindi ko na pinansin. Hindi ako tumigil sa pag bulong kay kuya danny na lumaban siya, nakita ko nalang na tumulo ang luha niya sa kanang mata. napaisip ako, kung umiiyak ba siya sa sakit? oh umiiyak siya kasi hindi siya makalaban at wala siyang magawa? T**NG***A! parang gusto kong magwala sa loob ng emergency room, hindi ko na nakayanan ng biglang ilabas ng doctor ang tila plantsa na may kuryente na napapanood naten madalas sa pelikula kasabay ang pagsarado nila ng kurtina. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hanggat hindi pa lubos na nasasara ang kurtina, kahit kakapiranggot nalang na butas mula sa kurtina pinagtiyagaan ko, bumuhos nalang bigla ang luha ko nang nakita ko nang ilapat sa dibdib ni kuya danny ang tila plantsa na may kuryente, naawa ako kay kuya danny. nagfflashback saken lahat ng masasayang alaala namen, pati ang boses niya pag tinatawag niya akong "unsoy". Pero ayokong maalala yun, kasi gusto ko pang madagdagan yun.
lumabas ako ng kwarto, lumabas ako ng hospital. nagsindi ako ng yosi, kasabay ng hithit ang bawat hikbi ko sa pagiyak. hindi na halos ako nagdadasal pero sa pagkakataon 'to napabulong ako sa itaas.
"kung sino ka man na makaLangyarihan at may likha ng lahat... nagmamakaawa ako patagalin mo pa ang buhay ng kaibigan ko"
Pero hindi... nakatakda na ata talaga ang lahat. pagbalik ko sa loob, wala na si kuya danny. Nawalan na ako ng isang maalagang "LOLO", malakas na "KAINUMAN", at mabait na "KAIBIGAN". Akala ko naubos na ang luha ko kay Jen pero eto, walang tigil ang pag patak ng luha ko. Ang hirap pala ng nasa ganitong sitwasyon. Wala kang kalaban laban.
Lumapit saken ang nurse na familiar ang mukha,
"Peace muna tayo... Condolence."
Pero hindi ko na siya pinansin, umalis ako ng hospital at umuwi, sa tapat ni Aleng Temeng, nagsindi ako ng dalawang yosi at mas pinili kong mapagisa. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng nararamdaman ko. NO MATCH yung kay Jen, mas matindi 'to. Nakakainis lang bat nagkasunod pa, hindi ba pwedeng "TIMEOUT MUNA BRO?".
Matapos kong maubos ang tatlong sigarilyo ng sunod sunod, sumilip ako sa bahay nila kuya Danny, baka nag respawn siya dun. pero wala, wala na talaga siya. umuwi nalang ako ng bahay para matulog... baka sakili pag gising ko panaginip lang ang lahat.
Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit madalas sa buhay ng tao, laging pera ang nagiging basehan kung successful kang tao oh kung responsable kang tao. Maraming bagay ang hindi mo magagawa, mabibili, at mapapatunayan kung wala kang makapal na papel sa loob ng pitaka mo. Madalas kang maiiwan sa bahay at manonood nalang ng tv magisa kasi hindi ka nakasama sa yaya ng kaibigan mo na manood ng sine. Madalas magtitimpla ka nalang ng kape at magyoyosi sa terrace nyo habang nanonood at nakikinig ng mga dumadaang nagtitinda ng balot kasabay ang talentadong pagsigaw nila dahil sa hindi ka nakasama sa yaya ng kaibigan na magstarbucks daw kayo. Madalas magluluto ka nalang ng Lucky Me beef at lalagyan mo nalang ng itlog at kakain magisa habang nanonood ng mga lumang pelikula sa cinema one kasi hindi ka nakasama sa yaya ng kaibigan na kumain sa labas. Madalas ka din hindi makakasama sa mga reunion na lakad ng barkada kasi nahihiya ka na baka pag narinig mo na ang salitang "patak patak" ay wala kang maibigay kundi ang isang joke na matagal na nilang alam para lang masabi na may ambag ka.
Maraming bagay ang hindi mo magagawa pag wala kang Papel sa pitaka, marami kang hindi masasamahang lakad dahil dito. at ang pinaka masakit, marami kang maririnig na salita na dudurog sa pagkatao mo dahil sa wala ka kahit baryang pang yosi lang..
Pero sa tingin mo? kasalanan ba nila 'yun? Hindi... kasalanan mo 'yun. bakit? simple lang. Tamad ka. Hindi ka naman magkakaraon ng Alz kung sasayaw ka lang sa Bloody Ice at makikipag kulitan lang sa mga guildmates mo.
Kaso sa lagay ko mas pinili kong maging tamad. Mas pinili kong matulog kasabay ang pagasang baka sa pag gising ko eh panaginip lang ang lahat. Baka sa pag gising ko buhay pa si Kuya Danny, parehong paraan na ginagawa ko, na pag wala akong pera n22log nalang ako. parehong paraan na pag may nagyayaya eh ino off ko nalang ang cellphone ko at nagpapatugtog ng mga kantang babasag sa matagal nang binging tenga ko.
Nakaramdam ako ng sinag ng araw na tumatama sa braso ko, bawat iwas ko tila sinusundan ako. Hindi nagtagal sumuko na ko. Wala akong laban sa init ng araw na tumatama sa buong katawan ko. Tanghali na pala. Dating gawi, bukas ng PC at sindi ng yosi. Log in sa Cabal...
"ay sh**t! hindi nga pala ako nakapag Log out kagabi... teka, hindi ako nakapag Log out kagabi? bakit?"
Bigla ko nang naalala kung ano ang nangyari kagabi, sa sobrang taranta ko hindi na ko nakapg Log out, at Oo... patay na si kuya Danny. At hindi malinaw saken pero parang may nakita ako sa Emergency room na isang babaeng Familiar ang mukha, nilapitan pa nga ako at nagsabi ng condolence.
Lumabas muna ulit ako ng bahay para siguraduhin, baka sakali ulit. Pero hindi, ihahakbang ko palang ang isang paa papalabas ng pinto rinig ko na kagad ang mga tao sa labas na si Kuya Danny ang pinaguusapan...
"Nakakabigla talaga... malakas pa yun si Danilo"
"mamimiss ko si Kuya Danny..."
"wala nang manghihingi ng kaning lamig samen...."
"wala nang inglesero sa backside"
"ngayong wala na si Kuya Danny, magiging malungkot na ang lugar naten."
Sa mga narinig ko, hindi na ko nag lakas ng loob para lumabas pa, ayokong makisabay sa lungkot ng karamihan dahil alam ko, lalo lang titindi ang nararamdam ko. Sa ngayon ang balak ko, magkulong sa kwarto. pupunta nalang ako kay Kuya Danny sa oras na ng libing niya. Isang bagay ang sumalo sa kalungkutan ko...
CABAL.
"AyEeEeeeEEee!"
"wui, kamusta?"
"ayos lang, bigla kang nawala kagabi eh... pag assasinate ko hind ka na bumangon"
"may nangyari kasi eh, emergency."
"bakit anong nangyari?"
"sasabhin ko sayo pero 'wag nalang muna naten pagusapan."
"okay sige."
"may patay kami ngaun eh, kagabi lang, after naten magusap tumawag ermats ko. hindi na ko nakapg LO sa sobrang pagmamadali, baka nga bukas pa PC ko ngaun."
"awts. concolence po... malamang bukas pa PC mo, OL ka eh."
"hindi, wala kasi ako sa bahay. and2 ako manda, father side. you know... ^_^"
"ah okay, gets! So anong trip naten ngaun?"
"kaw ano gusto mo?"
"kaw na po kaw tong may problema eh..."
"uhmmm... sige palevel nalang tayo."
"weee! yoko magpalevel."
"ay Oo nga pala, IKAW nga pala si xcuteWIAx, ang pinaka LOW LEVEL na DUAL TRANS sa SATURN!"
"weee tnx sa compliment. muah!"
"Lols! hindi compliment yun. mag palevel ka na, ganon din yun."
"yoko, nageenjoy pa ko mag pa dafa ng High level eh..."
"hays... okay okay. so anong trip? hindi naman pedeng pvp dahil hindi naman ako mananalo sayo."
"uhmmm... gusto mo lumabas?"
"lumabas?"
"NOOB! lumabas... i mean, malling, laboy, ganon"
"nyek! EB tayo? amf to.. yoko! haha!"
"arte neto! ako babae ako dapat mahiya noh... tara one of the boys naman ako eh. d ka magsisisi promise ^_^"
"naku WIA pacencya ka na, medyo d ko pa trip yung ganyan ngaun... baka hindi lang din tayo gaano mag enjoy"
"uhmmm... sa bagay,
"sa susunod nalang..."
"okay sabi mo eh, for the meantime d2 nalang muna. by the way I'm Wia Isabela Cruz, and you are?"
"hanep! gumaganon pa! hahahahaha!"
"haha! dali na... ikaw ano name mo? AyekAru pang chixi kasi name mo."
"okay okay, Kiko nalang..."
"Fullname!"
"yoko"
"Mana Freeze?"
"Okay d ako aalis sa town."
"amfFfF! daya naman neto."
"hahaha! For the 1st time ikaw naman ang asar talo saken."
"ma tsempuhan lang kita... KOS ka sken."
"KOS?"
"Kill On Sight. NOOB!"
"Asa! d2 lang ako town. hihihi"
"Okay mabulok ka dyan."
"Okay"
"Grrrr."
"Teka Wia, Phonecall..."
0906512**** Calling
sino kaya 'to
"hello?"
"condolence..."
"sino 'to?"
"sandali lang tayong hind nakapagusap hindi mo kagad kilala boses ko."
"wala akong panahon makipaghulaan sayo. sino ka ba?"
"si Jen to... Condolence kambal"
"Jen? Sorry wala akong kilalang Jen."
"Itigil na naten 'to please. kailangan kita Kiko, at alam kong kailangan mo din ako."
"Hindi kita kailangan, kaya kong mabuhay ng wala ka"
"wag ka nang magmatigas Kiko... please, kahit ngayon lang kalimutan mo muna ang pride mo."
"PRIDE? anong PRIDE pinagsasabi mo? hindi PRIDE ang pinaguusapan dito!"
"tama na please... please,"
"alam mo kahit kelan wrong timing ka. unang nagluksa ang puso ko dahil sa ginawa mo saken, ngaun nawalan pa ko ng isang kapamilya. please lang lumayo ka na at wag nang bumalik pa. sa puntong hindi ako ang pinili mo, pinatay na kita sa puso ko."
sabay end call.
nanginginig ako... nanginginig ako sa galit at lungkot, bakit ako paren ang nasasaktan? parang MORTAL BANE na walang AOD. parang BLOODY spirit na walang CAT'S RECOVERY at BEAR'S VITALITY. Ang sakit ng mga binitawan kong salita pero ako paren ang mas nasaktan.
Pero desidido na ko, ayoko na. tama na. masakit na.
Kakainin mo pa ba ang pagkaing naisuka mo na?
Ako? hindi na....
Sa araw ng libing ni Kuya Danny, ibubulong ko sa kanya na kasabay ng pag hukay ng lupa, kasamang mailibing ang nararamdaman ko para kay Jen.
Bakit mas maganda tignan ang chucks pag madumi? Bakit maraming may gusto ng tagay kesa sa baso baso oh bote bote? Bakit ang Adobo mas sumasarap pag pangatlong init na? Hindi ko alam kung may mga scientific explanation yan, pero sigurado ako, lahat kayo nang nakabasa nito, may sariling opinyon sa mga nabanggit ko. Kaso, sa bawat opinyon ng tao dun nagkakatalo, alangan naman kung sasabihin mong "maganda ang chucks pag madumi kasi rugged tignan, pero mali ang opinyon ko" hindi pwedeng nagbibigay ka ng opinyon sabay sasabihin mong mali naman pala talaga ang opinyon mo. Ibig sabihin, ang tao madalas, pag nagsabi ng opinyon alam nya sa sarili niya na tama ang sinasabi niya, kaya kahit magkaron na ng World War III idedefend paren nya kung ano man ang pinaniniwalaan nyang tama. Pero pano kung sa milyon-milyong tao magkakaiba ang opinyon nila ukol sa bakit mas masarap ang adobo pag pangatlong init na? Ang ibig sabihin ba milyon din ang tama? at lahat sila tama? Hindi ko alam, ang importante, alam mo sa sarili mo kung ano ang tama para sayo, at kahit san ka pa mapunta kaya mong bitbitin ang paniniwalang mas masarap ang Adobo pag pangatlong init na. Hindi mo kailangan mag kompromiso, kung yung iba hindi naniniwala, edi hindi sila maniwala, basta ikaw naniniwala ka... ganun lang kasimple.
Kaso ang sakit pag pilit mong pinapaniwala ang sarili mong mas masarap talaga ang adobo pag pangatlong init na, ang hirap sabihin na kaya kong magquit sa yosi pero ang totoo hindi ko naman talaga kaya... Cliche na mahirap ngumiti kahit alam mo na ang totoo talagang malungkot ka.
Ang buhay ng tao parang Cabal, people come and people go, maraming bugs and glitches, marami din cheaters at marami din sikreto, meron ding politiko at meron ding corruption, may manloloko at meron ding santo. May mga quest at trials, may mga rare na gamit at may mga basura, nasa sayo yan kung pano mo "ipa-pilot" ang buhay mo. 'Wag naten sisihin ang ibang tao dahil sa bigla kang na-ban kahit hindi ka naman botter dahil alam mo sa sarili mo kung bakit ka na-ban, isipin mong mabuti. alam mo yan... 'Wag naten sisihin ang diyos kung bakit milyon milyon na ang nagagastos mo hindi mo paren ma +7 ang Mithril Blade Perfect DB [2] at bigla mo nalang makikitang may naka pag +7 na at binebenta ng 100k PHP. 'Wag naten sisihin ang mga player kung bakit sila nag bo-bot, nag d-DH, nag s-SH at kung ano ano pang cheat, hindi na mawawala yan, maaaring walang tiyaga, tamad, "easy way out" ang mga player, at eto lang ang kinabubuhay nila. The End does not justify the means sabi ng mga nakatataas pero kung sa limang minuto nalang ang itatagal ng buhay ng nanay mo, at kailangan nya ng 1b na alz at wala kang mahiraman sa mga kaguild at ka buddy mo, anong gagawin mo? Unfair talaga kung sa Unfair, pero gaya paren ng sabi ko, nasa sayo kung pano mo "ipa-pilot" ang buhay mo. Hindi habang buhay magrereklamo ka nalang at pupunta sa edsa para magpabagsak ng GM, kumilos ka sa sarili mo, sa character at account mo maguumpisa ang pagbabago. Hindi sa ibang tao...
Matapos ang libing ni kuya Danny at ang huling paguusap namen ni Jen sa phone, nag adik na ko sa Cabal. at syempre kasama ko palagi ang partner in crime ko na si xcuteWIAx, na kumbinsi ko siyang magpalevel na siya at yun nga mula sa Level 18 Dual trans, naging Level 55 Dual trans na siya, at ako naman ay Level 50, Sword: G. Master, Magic: A. Expert. naunahan niya ko sa pagpapalevel kasi sabay ako nag ggrind at palevel. pero kahit papano nakakasabay na ko at hindi na niya ako 1hit. May progress ang character ko kahit papano. naks!
"Aye!"
"yo!"
"Anong pinili mong craft? Artifact pinili ko,"
"uhmm... pinagiisipan ko pa nga eh, pero sa tingin ko sord nalang"
"Nice... icraft mo ko ah..."
"haha! yoko.. magfofocus lang ako sa sa Greatsword,"
"tignan mo 'tong tao na to, damot mo naman."
"bigyan mo ko puhunan..."
"wala akong alz"
"Oh sinong madamot ngaun Wia? ang dami dami mong alz eh."
"dami lang, dami dami sobrang dami na nun"
Hindi ko alam kung san nanggagaling ang alz ni WIA, pero sa mga tantya ko mga nasa 20m ang total alz nya. Oo, 20m ang alz nya, malaki na para saken yun noon. Dahil ang alz ko, pumapalo lang sa 3m hanggang 5m. lahat nauubos sa skill ko.
"Wia..."
"Ow?"
"San ba nanggagaling alz mo?"
"uhmmm... secret!"
"damot amf! san nga? turuan mo naman ako...."
"uhmmm... sa totoo lang ayoko sabihin pero lahat ng alz ko bigay lang, mga mamaw na admirers, wala eh. Chix ang partner in crime mo eh. hahaha!'
"urur! maniwala ako sayo..."
"ayaw mo maniwala?"
"hindi sa ayaw kong maniwala.... HINDI talaga ako naniniwala"
"ah ganon, gusto mo pusatahan?"
"sure! anong pustahan?"
"Check mo Friendster account ko at Facebook account ko, kung maganda ako at chix talaga idelete mo na yang AyekAru mo, pero kung para sayo eh panget ako at hindi chix idedelete ko ang character ko na xcuteWIAx. deal?
pakingshet! anong nasa isip neto? grabe naman to pumusta, delete char amfufu... at confident pa, panigurado may dummy account to. POSER! ^_^
"LOLS! confident na confident ka ah... hindi ko isusugal ang char ko, malay ko ba kung panggap ka lang at dummy account lang yung mga FS at FB mo."
"ang kapal ng muka mo Aye kahit kelan, ako nga dapat matakot ang sikat na si xcuteWIAx kapalit ng lowprofile na si AyekAru? ayaw mo pa?"
"ang yabang talaga amf! naniniwala akong babae ka Wia pero madali lang gumawa ng FS account at FB account, manghiram lang ako ng picture ng tropa kong babae na sobrang ganda edi panalo na kagad. hindi mo ko maiisahan Wia... haha"
"ah ganon pala yun.... add mo ko sa ym, CuteWia_16@yahoo.com, cam to cam tayo... yan panigurado hindi na makaka peke dyan. pag nakita mo ko ng live baka sabihin mo poser paren ako. haha!"
awts! grabe... wala na kong lusot dito, pano ba 'to... confident si Wia, sadista amfufu delete char... grrr! Minsan mahirap talaga kainin ang Pride at Ego pero kailangan kung kapalit naman nito ay ang matagal mo ding pinaghirapan.
"sige na sige na... panalo ka na, chix ka na, maganda ka na, naniniwala na ko...."
[xcuteWia] is currently offline or does not exist
[xcuteWia] has logged out
Bwahahahaha! sinuswerte nga naman talaga oh... hehe! na dc pa si yabang. ^^
"AyEeeEE!"
"awts! Oo na sge na maganda ka na... naniniwala na ko...."
"huh?"
"ay! sorry! xsend Pare!"
"awts."
"kausap ko si xcuteWIAx eh, eh biglang na dc, kala ko siya ung nag pm, ikaw pala... kmusta na? tagal mo hindi nag OL ah."
"Okei Lang naman pOh."
awts! parang may kakaiba ah... bat ganito magsalita si ChiChi? parang bata na magalang na hindi mo maintindihan...
"Okay ka lang pre? kamusta mga biktima mo? hehe!"
"Opo, Okei Lang pOh ako kuah Aye"
"I don't mean to offend you pero parang may kakaiba eh, new owner ka ba? The way you talk parang hindi ka si ChiChi na nakilala ko."
"BWAHAHAHAHA! Natawa ako sayo brad!"
ta3 sabi na eh...
"PA**U! Loko Loko ka talaga! hahahaha! musta brad?"
"okay lang pare, busy lang sa studies, ikaw?"
"uhmmm.. bum paren, eto Level 50 na. G.mas/A.Expert na ko. hehe!"
"WTF! takte napagiwanan na ko ah...mag aadik naren ako, Sembreak na namen eh. haha!"
"Nice.. okay yan Pre. sama sama tayo nila xcuteWIAx."
"Oo nga pala, speaking of xcuteWIAx, okay na kayo? mortal na magkaaway kayo nun dba?"
"okay na kami pre, mabait naman pala siya eh...."
"ah... ayos yan, Trio na tayo ^_^"
"Oo nga eh... hehe! Pero pare okay yung acting mo kanina, kala ko new owner na eh, kala ko nga babae na talaga new owner ng char mo, hindi na ko magtataka kung makaka loko ka ng mga tao dito sa Cabal,"
"BWAHAHAHA! ayus ba? ang totoo niyan hindi ako yun,"
"ha? sino yun?"
"Girlfriend ko, siya pinang chihixi ko... atleast makaktotohanan diba?"
"WTF! loko loko ka, pati Girlfriend mo dinamay mo pa..."
"Okei Lang Poh yun kuah Aye.."
"Weee! Hello... nice meeting you..."
"ELoe din Poh Kuah Aye, Nice Meeting You Din pOh!"
"hehehe!"
"Ooops! Tama na brad, baka biglang madala ka sa GF ko bigyan mo pa ko ng alz... haha!"
"Gagu!"
"Teka pre Brb, Girlfriend ko muna mag pipilot... balik ako"
"Sige lang..."
"Kuah AyEeEe!"
"Po?
"Wala Lang pOh.. Wahihihi"
Awts. Ang kulit naman nito magchat... ta3 nadadala ako, Ibang Iba kay xcuteWIAx. haha! pero syempre walang talo talo. panget yun.
"Teka lang ah... brb, AFK muna ako"
"Sige Lang pOh kuah Aye..."
Wew, kunwari nalang AFK ako, makapagpalevel na nga lang muna at grind....
"AyEeEeeE!"
"po?"
"Po? amfufu! ano ka bata... ndi bagay sayo!"
awts. bumalik pa ang bangungot ko...
"sorry xsend"
hahaha! tablado ka saken WIA....
"ah ganon xsend, ano na? deal na sa pustahan? ihanda mo na pag delete dyan sa char mo"
"Urur!"
"hehehe! takot amfufu!"
hays... ang yabang talaga ni WIA, hindi ko na kayang kainin ang pride ko, GRRR! bahala na...
"sige.... DEAL!"
Minsan parang hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong parang nabuhay para manggulo ng buhay ng ibang tao. Lagi silang nandyan habang sinusubukan mong i-beat ang combo record mo na 146, isang saktong skill nalang 147 combo ka na, pero sadyang sinapian ng demonyo ung katabi mo sa compshop at kinalabit ka dahil lang sa hindi niya alam kung pano isave ang gawa niyang assignment sa my documents. Nagkataon lang ba?
Minsan my mga Langyayaring maiisip mo na parang tinatarantado ka ng pagkakataon, bakit? 2hrs ka nag intay ng MWAR, nakatunganga sa BI cha 18, sumasayaw, nung lumabas na ung "join" sa MWAR, bigla kang tinawag ng ermats mo, punta ka daw sa kanto at inuutusan kang bumili ng dyaryo. Nagkataon lang din ba?
Minsan maiisip mo din ang tao tanggalan mo ng kaLangyarihan at ilagay mo sa dilim, kahit maliit na ilaw galing sa lighter mong LCC dun lahat sila didikit. Samantalang dun sa pwestong unang kinatatayuan nila eh kung ginamit lang nila ang pagkapa sa pader baka nchambahan pa nila ung switch ng ilaw.
Madalas ang solusyon naten sa problema masyadong mababaw lang. Mahilig tayo sa solusyon na pansamantala pero sa reyalidad, pansamantagal na. Pero hindi mo naman sila masisisi, may mga bagay at Langyayaring mas gugustuhin ko nalang kagad na mawala ang sakit, kahit alam kong hindi magtatagal mas masasaktan ako. Kesa naman sa matagal kong mararamdaman ang sakit pero sinasabi nilang "balang araw mawawala din yan, magtiis ka lang". buset! Ang hirap nun brad. Hindi naman forever naka buff sayo ang Cat's recovery para maka tagal sa sakit na nararamdaman mo. Nawawala din yan at magaantay ka pa ng cooldown. Bawal magrecon, mabagal net mo. Pede pa-kill...
Parang ang bilis ng dalawang buwan, parang isang recon lang 30days na kagad ang lumipas. Sa bagay pag masyado ka talagang maraming ginagawa ndi mo mapapansin na sabado na naman pala, at chambahan nalang ulit na makuha ng Caps and WB sa Proc.
Kitang kita ko ang malaking pagbabago ng sarili ko... meron na ko ngayong Seismic Wave at Cat's recovery, marunong naren akong gumamit ng instant immunity, sa buhay pala ng tao dapat ang sakit na naramdaman mo kahapon ay magawa mong sandata sa ngayon. Madalas na kong ngumiti ngayon, mas madalas na kong lumabas at gumala at makipag inuman, nag aral ako ng video editing, rumaraket ako sa mga events, nagkatrabaho ako, kumikita ng maayos, nabibili ang gusto, at higit sa lahat.... nakakapag adik sa Cabal.
Mas madalas ko nang kasama ngaun si ChiChi... naiirita lang ako pag minsan ang yung GF nung true owner ang pilot. Madalas kami mag dungeon, mabilis kami nag level sa RS, matagal tagal din kaming tumambay dun. Nagkaron naren kami ng guild at mas marami pa ang nakilala, pero katulad ng sinabi ko noon ... sa piling tao lang ako nagtitiwala. At madalas, si ChiChi lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Isang gabi pagkatapos kong kumain ng dinner, nag log in ako sa CABAL, hindi pa ako nakakapg palit ng damit pang bahay, galing kasi ako ng trabaho at medyo pagod pa. Nag Log in ako... hindi OL si ChiChi, tamad na tamad ako parang 30mins ata akong nagddance sa BI nun. Bigla nalang may nabasa akong shout,
"weak! palevel ka pa kuah.. wahahahaha!"
"asa ka sa debuff mo!"
"hello? FB ako oh..."
Agad agad akong nag log out, nag sindi ako ng yosi... lumabas ako ng kwarto, mabilis ang paghithit ko sa sigarilyo, ano ba itong nararamdaman ko? parang merong pinto na nakakandado sa puso ko na pilit binubuksan ng mga alaala ko.
"Kilala ko siya..."
lumalakas ang kabog ng dibdib ko...
"Kilala ko siya..."
lumalakas ang kabog ng dibdib ko kasabay ng paghihit ko ng sigarilyo
"Kilala ko siya..."
lumalakas ang kabog nd dibdib ko kasabay ng paghihit ko ng sigarilyo at ang pag pupumiglas ng tao sa loob ng kwartong naka kandado...
"Kilala ko siya..."
Unti unting bumubukas ang pintong sarado at tinamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko...
"nak... nak gising na, may pasok ka pa diba."
"sige ma... mag in-in lang ako, 5mins"
nakatulog pala ako sa harap ng pc sa sobrang pagod, hindi ko naren nai-shutdown ang pc kaya nag log in ulit ako sa CABAL. Wala halos OL, ang linis ng mga channel, pinindot ko ang letter "b" para makita kung sino ang mga OL. Sobrang gulat ko ng nakita kong OL si xcuteWIAx. Hindi ako makapaniwala, kinakabahan ako... hindi ko alam kung bakit... nanginginig akong matype, bahala na.
"Wia?"
"new owner po..."
"ah, sige sorry."
namiss ko si WIA... sobrang natuwa ako at kinabahan na makitang OL yung char niya, pero alam ko naman na sa sarili ko na iba na ang owner nung character niya, kasi 2mos na siyang quit sa pagcacabal. Oo, nag quit siya. Wala akong romantic feelings para kay WIA pero siya kasi ang madalas nag patawa saken nung mga oras na malungkot ako. Yung mga pang bu-bully niya, pang aasar at pang pa-power trip saken. Hindi niya siguro alam pero pansin kong yun ang paraan na alam niya para mapasaya ako nung mga araw na malungkot ako. At minsan ganun din naman ako sa kanya. Pero wala na eh, quit na siya. Mas pinili niya yung totoong mundo. At ako naiwan dito, sa mundong gawa ng tao. Nakakainis lang isipin kung bakit parang sa lahat ng pagkakataon panandalian lang ang saya, Hind ako nag e-emo. Ang akin lang, kung kelan magkaka title ka na sana ng ALTAR of SIENNA b2f at isang click nalang sa "okay", dun ka pa na dc. Nagkataon lang ba?
Hindi ako na niniwala sa destiny, lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyari 'yun. Madalas kasi ginagawa nalang excuse ng mga tao ang destiny para maka iwas sa katotohanang duwag silang sumugal. Tandang tanda ko pa yung huling usap namin ni WIA bago siya mag quit. kinopya ko pa un at sinave sa notepad. Kabado ako nun kasi kala ko mawawala na yung pinaghirapan kong character. Pero nagbago ang lahat... nagkabaliktad. Kahit siya ang nanalo sa pustahan, siya ang nawala. at sa pangalawang pagkakataon sa buhay ako, naipit ako sa sitwasyong wala akong karapatang pumigil ng tao sa gusto niyang gawin. Uulitin ko... hindi ko mahal si WIA, Cabal lang yan, pero kung gano ako kasiguradong hindi ko siya mahal ay ganun din ako ka-lito kung bakit masyado akong affected sa nangyari.
Ayoko na munang magflashback sa totoong nangyari kung bakit siya nag quit... ayoko munang maalala yung pakiramdam ng sobrang masaya ka tapos biglang babatukan ka ng malakas at bawal kang mapikon. Alam ng karamihan sa cyberworld kung gaano ka genuine ang ngiti at tawang kaya mong maibigay sa kapwa tao mo. Maraming poser dito, maraming peke at maraming nana-mantala lang,
Pero yung conversation namen ni WIA w/ cam bago siya mag quit, naramdaman ko at nalaman ko minsan ang mga totoong tao hindi mo makikita sa totoong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon yung mundong gawa lang din ng tao, dun mo pa makikita at makikilala ang taong hindi gawa sa plastic ng yelo.
Siguro dahil kay WIA, nagkaron ako ng drive para mag patuloy at ayusin ang buhay ko. Kahit gawin kong buhay ang CABAL hindi ko paren maaalis ang katotohanan na kailangan kong mabuhay sa totoong mundo para kumita ng pera, para mag trabaho, para magka pamilya.
Tandang tanda ko pa yung huling palitan namen ng msg ni WIA bago siya mag sign out sa ym...
Cutewia_16: totoong may mga bagay na hindi kayang masakyan ng mga taong hindi naglalaro ng OL games gaya ng CABAL, kahit kelan hindi nila maiintindihan na dito, maraming pedeng magbago at marami kang pedeng mabago. Pede kang mainlove, pedeng may mainlove sayo, pedeng may makaaway ka pedeng may maging kaibigan ka. Pero kahit ano pa yan hindi naten maiaalis ang katotohan na mangyari man lahat saten yan, babalik at babalik paren tayo sa mundo kung san gigising tayo, kakain ng pandesal, mag tu-toothbrush, mag c-CR, papasok, manonood ng eat bulaga, magsusunog ng baga, mag papagupit, ki-kick back sa baon at mangungupit, lahat yan sa totoong mundo paren naten gagawin... kaya kiko, alam kong alam mo kung anong dapat mong gawin. Gawin mo na... wag bukas, wag sa makalawa, ngayon! Malay mo, pag ginawa mo ngayon, bukas magkitayo tayo diba, tapos ililibre mo ko starbucks. naks! Java chip saken ah...
Wala akong maisagot, lahat ng sinabi niya... tama.
Jhanalhabzq: Wow! tindi ah.. pede ka na sa Kaibigan komiks. Para kang hindi si WIA magsalita.
Cutewia_16: BWAHAHAHA! astig ba? so pano.... dito nalang, kita kits kung magkikita man tayo, tandaan mo yung cute kong mukha, imposibleng makalimutan mo yan, titig na titig ka eh. haha!
Jhanalhabzq: urur! feeling ka naman masyado.
Cutewia_16: bakit ndi ako maganda?
Jhanalhabzq: maganda.
Cutewia_16: haha! ayaw pa... eh gusto rin naman! sa huling pagkakataon...
Cutewia_16: Bbye,
Cutewia_16: AyEeEeeEeeeEeeE!!!
Cutewia_16: *execrate!
Cutewia_16: *mana freeze!
Cutewia_16: *Assasinate!
Jhanalhabzq: teka Wia.....
*Cutewia_16 is offline*
Jhanalhabzq: wui
Cutewia_16: SINO KA?
Jhanalhabzq: Aye to amfufu
Cutewia_16: nyak! Jhanalhabzq? ano ka Highschool?
Jhanalhabz: amf! URUR! dati pa kasi yan, d ko pa napapalitan...
Cutewia_16: grabe ka ang dali dali lang magpalit ng email address eh,
Jhanalhabzq: eh sa tinatamad ako eh, pake mo ba?
Cutewia_16: asar talo si weak amfufu! isipin mo nalang, mag aapply ka ng trabaho, JHANALHABZQ gamit mong email address? 'di ka ba nhihiya?
Jhanalhabzq: amf! d pa naman ako nag aapply eh,
Cutewia_16: yan... yan... CABAL kasi ng CABAL,
Jhanalhabzq: eh pake mo ba? tska Highschool palang naman talaga ko eh...
Cutewia_16: Bwahahahaha! Highschool ka palang? San banda Aye... wag na tayong maglokohan.
Jhanalhabzq: Urur!
Cutewia_16: So pano? Ready ka na?
Jhanalhabzq: Sige na sige na nang matapos na, delete char kung delete char...
Cutewia_16: Sure ka? binabalaan na kita... hindi sa pagmamayabang ah, kaso, alam mo un... artistahin talaga ko eh. wahihihi!
Jhanalhabzq: (ang yabang talaga ng ungas na babaeng to!) okay okay...
Cutewia_16: Game... accept mo na.
Jhanalhabzq: Eto na...
Cutewia_16: Weeee!
"Wtf... nakangiti siya,"
Jhanalhabzq: ....
Cutewia_16: ano na?
"Wtf... Galing sa ngiti parang na inip ung mukha nya..."
Jhanalhabzq: ....
Cutewia_16: Wui! na stroke ka na dyan Aye?
"Wtf... parang nababadtrip na yung mukha niya..."
Jhanalhabzq: ....
Cutewia_16: amf! ano ka na execrate? hahahaha!
"Grabe! nakakatuwa yung mukha niya na parang nagagalit..."
Jhanalhabzq: ....
Ta3na... Wala na... Goodbye AyekAru na, Wala pa ngang napatunayan sa saturn mabubura na kagad. So pano? hanggang dito nalang, Bbye AyekAru... Gagawa nalang siguro ulit ako ng char... panibagong paghihirap na naman. Start from scratch... tsk tsk. SOBRANG GANDA ni WIA!!!!!
Cutewia_16: Wui! Wui! amfufu to...
Habang nag cha chat siya at panay ang buzz saken, tinititigan ko ang mukha niyang makulit dahil sa pa iba iba ng expression, Para ngang na execrate ako, minalas pa, bug ung execrate, hindi nawawala. Tinukod ko ang kanang kamay ko sa baba at tinutok ang mukha ko sa harap ng monitor para lalong mapag masdan ang mukha ni Wia. Grabe... Palong Palo. Naisip ko nalang, Ang ganito kagandang babae ADIK sa CABAL? Oo aware akong may mga babaeng gamers, at magaganda din talaga... pero si Wia, Takte sino ka si ALODIA? hindi... para saken, mas maganda pa siya kay ALODIA, ewan ko. Subjective naman ang salitang "beauty" dba? pero para saken, hindi ako makapaniwala... isang Anghel sa Nevareth si Wia.
Cutewia_16: Aha! alam ko na... tinititigan mo mukha ko no? BWAHAHAHA! uuuuyyyyy.... ikaw ah, kaya ka pala tahimik dyan. hahaha!
"Amf! nahalata na ko... ^_^"
Jhanalhabzq: Urur! nag Afk ako eh, bumili ako yosi sa tindahan...
Cutewia_16: ah... kala ko na "Elmers Glue" na yang mata mo sa mukha ko eh, oh ano? chix ba ko?
Grabe.... sa bawat chat niya, kita ko yung expression ng mukha niya sa cam, parang yung mukha niya hindi mo iisipin na siya si xcuteWIAx na lowbie na dual trans.
Jhanalhabzq: Oo na... panalo ka na, eto na idedelete ko na si AyekAru,
Cutewia_16: Grabe ka naman! talagang sineryoso mo ah, teka lang usap muna tayo.
Jhanalhabzq: ano naman paguusapan naten?
Cutewia_16: basta... pero bago tayo magusap gs2 ko mag webcam ka rin muna. Para makita ko expression ng mukha mo, katulad ng nakikita mo saken ngayon, atleast walang fake sa usapan naten.
Jhanalhabzq: naku! baka matakot ka pag nakita mo ko... (pa kunwari effect)
Cutewia_16: sus! kahit kamukha mo pa si Zoneo (d ko sure spelling) na laging kasama ni Damulag sa DORAEMON wala akong pake.
Jhanalhabzq: =)) bwahahaha! Zoneo amf! natawa ako dun ah...
Cutewia_16: ahahaha! favorite ko yun eh, si Zoneo... ahehehe
Jhanalhabzq: amf! bat yun?
Cutewia_16: uhmmm... ako kasi yung tao na pag favorite ko yung isang bagay, tao, etc. gs2 ko ako lang yung may favorite nun.
Jhanalhabzq: uhmmm... sa bagay,
Cutewia_16: Oh dali na... patingin na ng mukha mo Zoneo...
Jhanalhabzq: amf! wag mo ko tawaging Zoneo... kakairita. eto na...
Cutewia_16: teka...
Jhanalhabzq: dali! tagal amfufu...
Cutewia_16: eto na oh... yan! okay na,
Jhanalhabzq: "ingat!" kala mo si john lloyd no?
Cutewia_16: waaaaa kilabutan ka Aye! john lloyd ahahaha!
Jhanalhabzq: ahahahaha! 10 kaibigan ko na nagsabi Wia... hindi pa ba ko maniniwala?
Cutewia_16: BWAHAHAHAHA! tatawa ko sayo... mana freeze kita dyan eh! :))
"Grabe... Ang cute nya... ang sarap niya patawanin, naka braces pa siya. Parang kahit maging clown ako araw araw mapatawa lang siya aus lang, solve na ko sa ngiti niya kahit walang sweldo."
Jhanalhabzq: Tuwang tuwa ka naman diyan...
Cutewia_16: eh ikaw eh, John lloyd amf... bagay sayo, Zoneo! Zoneo! Zoneo!
Jhanalhabzq: HAHAHAHA! okay lang... so ibig sabihin nun FAVORITE mo ko? kaw ha...
Cutewia_16: wahihihi! uu favorite kita, sarap mo kasi kasama eh, sarap mo pa asarin, sarap mo ngang gawing punching bag eh.
"amf! parang kinuryente ako sa narinig ko sa kanya ah..."
Jhanalhabzq: hahaha! Crush mo ko no?
Cutewia_16: aba aba! masyado naman yata lumampas sa langit ang confidence mo Mr. Kiko.
Jhanalhabzq: haha! Joke lang... Oh ano na? kwento na...
Cutewia_16: ehehe... Sige sige. Ganito kasi yun... ready?
Jhanalhabzq: shoot! dali...
Cutewia_16: magqquit na ko sa CABAL... T_T
"awts, Ano to? parang gumuho bigla mundo ko ah...."
Jhanalhabz: awts. bakit?
Cutewia_16: yung boyfriend ko kasi, talagang pinag qquit na ko sa CABAL.
Jhanalhabzq: oh kala ko ba....
Cutewia_16: uu nga... gaya nga ng sabi ko sayo dati, pero this time gusto ko naman siyang pagbigyan. Gusto kong subukan, kung may magbabago kaya? Cabal kaya ang problema kung bakit unhealthy yung relationship namen? mga ganong bagay... gs2 ko subukan.
Jhanalhabzq: nyek, ang labo naman nun, wala naman sa ganon yun eh. hindi solusyon yun, kanya kanyang trip lang yan.
Cutewia_16: Oo... Tama ka, kaso kasi... mahal ko yung mokong na yun, mahal na mahal ko, kahit sobrang mahal ko din ang CABAL, dumating ako sa point na mas mahalaga pala saken yung mokong ko na boyfriend. hehe!
Jhanalhabzq: Pero parang ang labo paren eh, panigurado siya marami din namang trip sa buhay na hindi mo trip dba? hindi pedeng mangyari sa buhay ng tao na eh yung karelasyon mo pareho kayo ng trip, meron man ganon, madalang lang, oh meron man ganon, pero iisa lang sa dami ng bagay na hindi nyo trip pareho.
Cutewia_16: .....
"awts. lumungkot yung mukha ni Wia sa cam, parang iiyak na..."
Jhanalhabzq: (nagsindi ako ng yosi) Sorry...
Cutewia_16: 'di mo kailangang mag sorry... pa puff nga!
Jhanalhabzq: nag yoyosi ka din?
Cutewia_16: hindi, never ko pa nasubukan, pero parang gs2 ko ngaun... kahit d2 lang,
Jhanalhabzq: Oh eto oh... (inabot sa cam ang yosi)
Cutewia_16: ..... T_T
"wala na... tumuloy na... d niya napigilan... bumagsak na luha niya"
Jhanalhabzq: Tahan na Wia,
Cutewia_16: :(( :(( T_T
Jhanalhabzq: gs2 mo ng ice cream? (takte naalala ko 2loy si Jen, pero himala, hindi na masakit sa puso.)
Cutewia_16: ayoko. :((
"umiiyak paren siya sa cam, kusot siya ng kusot ng mata niya... parang bata na inagawan ng teks at lollipop."
Jhanalhabzq: uhmmm... PK mo nalang ako, dali dali! para d ka na maiyak ^_^
Cutewia_16: ayoko! :((
"para na siyang bata ngaun, ano ba gagawin ko dito para man lang mapatahan siya? hindi ko maipaliwanag pero parang bigla ko nalang gs2ng maging FA sa duguang FB na to..."
Jhanalhabz: ano gs2 mo Wia? name it! kahit ano...
"bigla siyang napatigil... dahan dahan niyang minulat ang mata niya at itinigil ang pagkusot ng mata."
Cutewia_16: Kahit ano?
Jhanalhabzq: Yep. kahit ano....
Cutewia_16: Sure ka talaga? KAHIT ANO?
Jhanalhabzq: OO nga.. kulet! kahit ano... tumahan ka lang.
Cutewia_16: BWAHAHAHA! Sumayaw ka sa harap ko... Yung DANCE2 ng CABAL!
"takte! ungas talaga to si Wia, napasubo ako ah... yung kaninang malungkot sa cam biglang naging naughty ung itsura sa cam."
Jhanlhabzq: awts.
Cutewia_16: oh ano? kahit ano diba? don't "TELL ME" hindi mo tutuparin yung sinabi mo, kalalaking tao mo pa naman. ahahaha
Jhanalhabzq: Oo na... Oo na...
"GRRRRRRRRR! never in my life na gagawin ko to... sa harap pa ng isang babae, sana sinabi nalang niya nag mag pakamatay ako, mas matatanggap ko pa yun eh. Pero ang sumayaw? ang matindi pa, DANCE2 ng CABAL ang sasayawin ko? takte"
Cutewia_16: Oh ano na?
Jhanalhabzq: wait lang eto na... /dance2 (sabay play sa kanta ng wondergirls na "tell me")
habang sumasayaw ako.... kitang kita ko sa cam yung mukha niya, tawa ng tawa... mukha akong ganda sa ginagawa ko pero sa totoo lang kung siya nag eenjoy sa pagsasayaw ko, ako 100x na nageenjoy sa panonood ng pagtawa niya, 1word to describe her. "ANGEL". at ang malufet pa dun, ANGEL yung mukha, tapos ganyang kumilos. ASTIG diba?
Jhanalhabzq: Oh tama na... okay na yun...
Cutewia_16: :)) ahahaha! ang cute mo habang sumasayaw.
Jhanalhabzq: ang cute mo din habang tumatawa...
Cutewia_16: ahahaha! napa saya mo ko dun ah...
Jhanalhabzq: ahahaha! lakas kasi ng trip mo eh.
Cutewia_16: parang lalo naman akong nahirapang iwan ang CABAL...
Jhanalhabzq: wag ka na kasi magquit
Cutewia_16: uyyy.... kaw ah.
Jhanalhabzq: URUR!
Cutewia_16: kailangan kong sumugal eh, mahal ko ung mokong ko na bf, baka sakaling ma lessen yung away namen pag nag give way ako, pag nag quit ako sa CABAL, wala eh, mahal ko talaga... wahihihi!
Jhanalhabzq: ....
Cutewia_16: natahimik ka dyan?
Jhanalhabzq: d ka na ba talaga mapipigilan?
Cutewia_16: hindi na talaga eh...
Jhanalhabzq: ma mimiss ko mga trip naten...
Cutewia_16: ako? ikaw ang ma mimiss ko...
Jhanalhabzq: wow! palong palo sa banat ah...
Cutewia_16: ahahaha! aus ba? assasinate kita ah.
Jhanalhabzq: ang ungas kasi ng BF mo eh. dapat tinuruan mo nalang mag CABAL. ehehe
Cutewia_16: walang kahilig hilig sa computer yun, hindi nga nag iinternet yun eh, nung bata yun hindi man lang nakalaro ng TETRIS oh kahit MARIO man lang, OL games pa kaya 2lad ng CABAL? bata palang yun kotse na hilig nun.
Jhanalhabzq: ang boring naman ng kabataan niya.. ehehe joke lang. ^_^.
Cutewia_16: Sinabi mo pa, kaso mahal ko talaga eh... tska alam mo, totoong may mga bagay na hindi kayang masakyan ng mga taong hindi naglalaro ng OL games gaya ng CABAL, kahit kelan hindi nila maiintindihan na dito, maraming pedeng magbago at marami kang pedeng mabago. Pede kang mainlove, pedeng may mainlove sayo, pedeng may makaaway ka pedeng may maging kaibigan ka. Pero kahit ano pa yan hindi naten maiaalis ang katotohan na mangyari man lahat saten yan, babalik at babalik paren tayo sa mundo kung san gigising tayo, kakain ng pandesal, mag tu-toothbrush, mag c-CR, papasok, manonood ng eat bulaga, magsusunog ng baga, mag papagupit, ki-kick back sa baon at mangungupit, lahat yan sa totoong mundo paren naten gagawin... kaya kiko, alam kong alam mo kung anong dapat mong gawin. Gawin mo na... wag bukas, wag sa makalawa, ngayon! Malay mo, pag ginawa mo ngayon, bukas magkitayo tayo diba, tapos ililibre mo ko starbucks. naks! Java chip saken ah...
Jhanalhabzq: Wow! tindi ah.. pede ka na sa Kaibigan komiks. Para kang hindi si WIA magsalita.
Cutewia_16: BWAHAHAHA! astig ba? so pano.... dito nalang, kita kits kung magkikita man tayo, tandaan mo yung cute kong mukha, imposibleng makalimutan mo yan, kanina ka pa titig na titig eh. haha!
Jhanalhabzq: urur! feeling ka naman masyado.
Cutewia_16: bakit ndi ako maganda?
Jhanalhabzq: maganda. (SOBRANG GANDA)
Cutewia_16: haha! ayaw pa... eh gusto rin naman! sa huling pagkakataon...
Cutewia_16: Bbye,
Cutewia_16: AyEeEeeEeeeEeeE!!!
Cutewia_16: *execrate!
Cutewia_16: *mana freeze!
Cutewia_16: *Assasinate!
Jhanalhabzq: teka Wia.....
*Cutewia_16 is offline*
Madami pa sana akong gustong itanong... madami pa sana akong gustong sabihin... gusto ko pa syang mas makilala, kaso magaling talaga makipag laro ang tadhana, Oo hindi ko naman siya mahal eh, tska hindi naman ako naniniwala sa love at 1st sight. Pero nasayangan lang ako. Parang pinatikim ako ng pagkaing sobrang sarap pero hanggang isang subo lang. Parang binigyan ako ng EOF+8 pero hindi naman pala PERMA. Kaso ganon talaga ang buhay, wala naman na kong magagawa...
Matapos ang conversation namen ni Wia, nag linay linay ako, nagsindi ako ng yosi, at narealize na tama siya. Nag apply na ko ng trabaho, at swerte ayon na tanggap, Pero ang pinagkaiba... hindi ko iniwan ang Cabal. Pede naman pagsabayin eh, nakakapagCABAL paren ako kahit nagttrabaho na ko.
Yun nga lang... hindi na ko makakahanap ng katulad niya, wala na kong mahahanap na WIA. Isang totoong tao sa mundo ng halos lahat ay peke.
Dalawang buwan na ang nakalipas... parang ang bilis lang, pero sa totoo lang mas mabilis yung nangyari samen ni Jen at ni Wia. Parang sa isang iglap dalawang babae sa buhay ko, nawala nalang ng parang bula.
Pero kahit papano... Masaya paren naman ako, hindi naman sa kanila matatapos ang storya ng buhay ko dba?
kailangan ko lang lakasan ang loob ko at buhatin ang kanan na kamay para ilipat ang libro sa susunod na pahina ng buhay ko.
4th year Highschool ako na adik sa Naruto, year 2004. After class hindi na ko tumatambay, derecho uwi na ng bahay para lang maabutan ang Naruto sa AbsCbn. Mas pinili kong subaybayan ang Naruto kesa magsunog ng baga sa tambayan, mag pa cute sa mga lalabas na chix ng school namin at mangtrip.
Hanggang sa nireplay ang Naruto sa AbsCbn. kung hindi ako nagkakamali ang pinaka latest nilang episode noon ay matapos ang laban ni rock lee at gaara sa chuunin exam. Pinakita si naruto na nagppraktis lumakad sa tubig pero after nun nireplay na ulit at nagumpisa sa una. Syempre badtrip na badtrip ako nun, wala pa kong kamuwang muwang sa Internet noon, ang alam ko lang na gamit ng Internet ay pang Friendster at pang YM. maliban don, wala na...
Isang araw habang nag lilibot ako sa Market Market may nakita akong stall, 2rat's Anime. Agad agad kong hinanap ang naruto at tinanong kung meron sila, at syempre meron nga sila. Tinanong ko din kung ano ang pinaka latest nilang episode at baka napanood ko na.
"Ay sir sobrang layo na neto, huling huli na yung sa TV"
Tuwang tuwa naman ako at pinakita pa saken ang preview ng laban ni Shikamaru at yung isang hindi ko kilalalang kalaban.
"Wow! sino na kalaban nila diyan kuya?"
"Mga tauhan ni Orochimaru"
"another Wow! magkano isang DVD kua?"
"150 sir"
"ilan yung volume hanggang sa pinaka latest nyo?"
"bale 11 volumes 'to simula dun sa napanood mo na."
"magkano lahat?"
"1650 sir.."
"1500 nalang kuya... kunin ko na lahat yan"
"Sige sir 1500..."
Tuwang tuwa ako nun, excite ako umuwi at ima-marathon ko yun. mahigit tatlong araw ko lang ata pinanood yun ng walang pahinga. Isang volume 7episodes, ayos lang pero bitin paren ako. hanggang sa gumraduate na ko ng Highschool, lagi ako bumabalik sa 2rat's para magtanong kung may bago nang volume. hanggang sa dumating na yung pinaka aantay kong laban ni Naruto at Sasuke sa Valley na may statue ni madara at 1st hokage. Pero pagkatapos ng laban na yun, matagal pala kong malulungkot at mag aantay sa susunod na kabanata ng storya ni naruto. Kada balik ko sa 2rat's, bumibili paren ako ng bagong volume kahit na filler lang ang mga episodes. Nag tiyaga akong bumili ng dvd at umaasang baka hindi na filler ang mga volume. Baka nag-practice na si Naruto kasama ni Jiraiya pero mahigit limang buwan ata akong na dismaya oh mahigit pa dahil sa napaka habang filler episodes ng naruto.
Pero habang nanonood ako ng mga filler, narealize ko nakatulong din yun para mas makilala ko ang bawat character sa naruto kasi doon lang sila nabigyan ng sarili nilang limelight sa story. Bawat filler episode kasi kasama ni naruto sa mission ang ibang ninja na kabatch niya. At sa tingin ko, Kahit mas maganda sana kung 2loy 2loy ang story, naging makabuluhan din yung mga filler kahit papano.
---
Sino ba ang Chixilog na si ChiChi? Sa totoo lang, pasulpot sulpot lang naman siya. Minsan OL, Minsan hindi. Kung OL naman siya, walang ibang gagawin yun kundi mang chixi sa PL na favorite spot nya. May nadadali naman kaya siya? Sa tingin ko parang wala naman. Weak set paren yung Wiz nyang poser. Pero noong minsan na nagpilot yung girlfriend ni ChiChi, naisip ko hindi malabong makadale to ng mga mumu. Masakit man tanggapin pero may mga mumu na pag dating sa love eh talaga namang NOOB. Parang Warrior na pure str at ZERO ang INT pag dating sa love. Pero minsan ako din naman na peke ni ChiChi. Minsan babae siyang magsalita pero yung lalake pala ung pilot, minsan naman lalake siya magsalita pero babae pala yung owner. Pero madalas sa tagal ng pagsasama namin ni ChiChi, nakabisado ko na kung yung girlfriend niya ang pilot oh yung totoong owner ng ChiChi.
Talagang malakas trip netong ungas na 'to. Minsan kasi nung nagpapalevel kami sa RS, pinagtripan ba naman ako.
"kuah AyeEe!"
"ow?"
"asan na yung girlfriend mo?"
"girlfriend? sino?"
"yung FB na lowbie pero dual trans."
nalungkot ako bigla... naalala ko si wia. >.<
"ah... wala na nag quit na, tska hindi ko girlfriend un"
"ows? parang hindi naman... girlfriend mo yun eh!"
"ta3, hindi nga... kulet!"
"wag ka na magdeny kuah Aye co.."
"amfufu! bahala ka..."
"kuah Aye co...?"
"ow? basag!"
"eto na poh... galit ka poh ba?"
"nyak! bat ako magagalit..."
"kasi poh makulet poh akoh."
"okay lang yun sanay na ko sayo."
"kuah Aye co?"
"ow? basag pa..."
"pede magtanong?"
"ano yun?"
"Pede ako nalang girlfriend mo dito sa CABAL?
"Waaaa! ta3! pati ako pagttripan mo."
"seryoso poh ako kuah Aye co... hindi malalaman ng bf ko."
"awts! loko."
"Sige na poh kuah Aye, Bf na kitah ah..."
"....."
"ano kaya magandang itatawag ko sayo?"
"...."
"uhmmmm"
"...."
"ah! daddy Aye nalang tatawag ko sayo.. wahihihi"
"awts! basag! wag mo nga ako pagtripan.. amfefe to."
"weee daddy Aye! daddy Aye!"
"GRRRR"
"yan ah... hindi na kuah Aye tawag ko sayo, Daddy Aye na.."
"...."
"Daddy Aye?"
"...."
"Daddy Aye...?"
"...."
"yuhooo! Daddy Aye!!!!!"
"amf! ano ba yun? basag ka lang..."
"Daddy Aye penge alz."
"urur!"
"BWAHAHAHAHAhA!"
"ta3 sabi na eh... lakas talaga ng sapak mo brad."
"BWAHAHAHAHAhA! ndi ako yun, GF ko yun, kaka dating ko lang eh."
"awts. bagay kayo... parehas may sapak."
"BWAHAHAHAHAHA! ganun talaga brad."
Isa lang yan sa mga ginagawang pangttrip saken ni ChiChi. Minsan nga sa sobrang pikon ko nag se-select server ako sa kalagitnaan ng RS namen eh. Nakakapikon kasi, Pero madalas din yung trip na mga ganyan ang nagpapasaya sa CABAL.
Maliban kay ChiChi marami din kaming nakilala, lagi kaming magkasama ni ChiChi kahit sang guild pa kami mapunta. Una sa havoc. GM namen si Bizkwet, kaso na hack delete yung char ni Bizkwet kaya na disband din yung guild. Sunod namen na Guild Infernal Assasins, Pero ndi na sumama sken si ChiChi sa Infernal. Dito na lalo dumami ang tropa namen, dito din kami natuto ng maraming bagay, at dito din ako naka kilala ng mga tunay na kaibigan kahit sa CABAL lang. Sabi ko mahirap humanap ng totoong tao sa mundo na puro peke. Pero dadating at dadating din pala talaga yung pagkakataon na makaka kilala ka ng totoong kaibigan sa mundong gawa lang ng tao.
---
Unahin naten si EmpressKaileena... 'di ko alam kung pano kami naging buddy oh pano ko siya naging buddy. Basta ang natandaan ko nalang, kabuddy ko na siya... at nung na disband ang HAVOC, siya ang una kong pini-em (tagalog na tagalog) ^_^
"empress... may guild ka?"
"uu, y?"
"sali naman ako..."
"wait ask ko sa GM namen..."
"okay..."
"yan... accept mo na"
"weee! thanks!"
Masaya na naman ako kasi may guild na naman ako... panibagong kaibigan, panibagong matutunan... Pero hindi sumama saken si ChiChi.
"welcome po..."
Wow! ang babait ng mga tao dito... dito ko nakilala ang ibat ibang klase ng tao. May guildmate akong tahimik at lagi lang nasa dungeon. Hindi magsasalita yan, at kung magsasalita man eh two words lang, meron naman dyan yung madaldal at madalas mag patawa. Meron din naman kagad nag angas at parang si hermione ng harry potter na parang nasa utak nya ang cabal wiki. meron din mga manyakis at nag pm kagad saken ng "pre, si empress chix yan" hindi ko maiwasan hindi mapangiti habang nagbabasa ng mga chat ng guildmates ko. Hindi ko na papangalanan kung sino sa kanila yung mga tinutukoy ko pero kung kilala nyo sila in game... makikilala nyo kung sino ang mga tinutukoy ko. Eto sila...
Athenuis.
Aovan.
Memnok.
Xcaliber21.
KatasniFruit.
Chealvn.
Monaro.
Akiko.
EmpressKaileena.
vort.
Kinlyprinz.
Lana
Keen.
Vash
at marami pang iba... sorry ulyanin na ako. sa sobrang dami ng klase ng tao sa guild namen, maihahalintulad ko sila sa larong suikoden. Na parang kukumpletuhin ko ang 108 star wariors (tama ba?), ang sarap ng pakiramdam na marami kang kaibigan... pero gaya ng inaasahan, iilan lang din sa kanila ang talagang tumagal at naging kaibigan ko sa CABAL. Gaya ng sabi ko noon, hindi ako nagtitiwala sa mga tao kaya siguro hindi pa ko na sscam kahit minsan. Pero sa mga naging kaguild ko sa infernal, meron iilan dyan ang talagang pinagkakatiwalaan ko.
Pero hindi din nagtagal, umalis din kami sa infernal, Hindi ko alam pero parang bigla nalang nagkayayaan, na parang bigla nalang gusto namen maging independent. na bigla nalang parang gs2 namen mag tayo ng sariling guild at patunayan na kaya namen kahit kami kami lang. No hard feelings, No Bad bloods, walang masamang tinapay, Pero decided na kami na magkaroon ng panibagong presidente at bagong gobyerno. Doon nabuo ang Mercenaries.
-Nakaloot ako ng bof+4 (solo FT, red key lang) 80m pa price nun noon.
-Nagfailed yung tatlong craft ko ng TITA GS DB. (Dun ako namulube noon)
-Sampung beses ako na DC sa SOD sa isang araw. (Kahit puhunan ko hindi naibalik)
-Nagkaroon ako ng trabaho. After 1month, Nagresign ako.
-Gumawa kami ng Shortfilm, AD ako. Pinalabas sa MOGWAI.
-Nagkasakit Ermats ko.
-Nagkaron ako ng maraming raket. (events, edit, etc) sa loob ng isang buwan.
-Wala akong nabili para sa sarili ko sa 20k na kinita ko. Meron pala... Yosi at Alak.
-Limang buwan akong walang raket, Limang buwan akong walang pera.
-Nagkaron ako ng raket, kaso impyerno muna dapat mong malampasan, ang TF tatlong value meal sa jabee.
-Nagkaron ako ng OSM GS DB 72%CDI. +7
-Nagkaron ako ng BIKE. Pero binenta ko din.
-Nagkaron ako ng EOF+7. Pero binenta ko din.
-Na master ng guild namen ang Sienna1 at Sienna2. Kaya yumaman kami kahit papano.
-Dumating ang december, wala paren akong raket at trabaho.
-Nagkasakit ako.
-May mga nawala na malapit sa puso ko.
-May mga taong nagparamdam na mahal na mahal nila 'ko.
-May mga taong umalis... meron din naman nag-stay.
Kung tutuusin marami pa yan, may masama. may mabuti. may parang wala lang, meron din namang mga IMBA na Langyayari.
Tumingin ako sa salamin, napansin ko... Level 164 na pala ko. Ang bilis ng panahon. Kung tutuusin parang fast forward, para na ngang skip eh. Pero hindi. May mga bagay na hindi mo mapapansin, dumaan nalang palang bigla sa buhay mo. Yung sugat mo sa tuhod na sobrang sakit kinabukasan kinakamot mo na kasi magaling na at tinatanggal mo na yung sugat na tumigas. Yung 1side mong buhok at barbers sa likod hindi mo na maayos sa style na gs2 mo kasi msyado nang mahaba. kailangan nang bumisita sa barber shop oh sa Kirei beauty salon. Yung pinaka iingatan mong havaianas na cartoonistas nagfade na yung drawing. Yung "1" key mo sa keyboard lubog na kaka pindot mo ng dash. Yung bracket ng braces mo nag gagalawan na at mistulang abacus dahil sa tagal mo nang hindi pag balik sa dentista. Yung yosi mo hindi na marlboro red, marlboro black na. Ang dating Wondergirls na sikat lang sa cabalplayers, sikat naren hanggang sa mga nagiinuman sa tindahan sa kanto. Ang dating hip-hop at ghetto, ngaun emo. Ngaun pag meron ka ng ako mismo tag, pede mo na sabihin na nasyonalista ka, oh kahit may flag lang ng pilipinas ang damit mo, may pakelam ka na sa kapwa pilipino. Napapaisip din ako minsan, pag namatay kaya ang nanay ni Richard Guttierez, tatakbo din kaya siya bilang presidente ng pilipinas?
Masyadong madaming nangyari... Aaminin ko, hindi ako masyadong naka sabay. Parang habang tumatakbo ang jeep na sinasakyan ko, yung isa kong paa nakakaladkad sa kalsada. Pero wala kang dapat sisihin, Wala kang dapat ituro, dba? Madalas sabihin na "life is unfair", pero kung iisipin mo... "life is always fair" naman talaga eh. Nagiging unfair ang mga bagay sayo kadalasan dahil sa problema at Langyayari. Pero minsan ikaw din naman ang may gawa kung bakit may nangyaring ganon diba? oh sige, yung iba din sabi, wala naman silang ginagawa pero bakit na "FF" sila ng malas? siguro kaya sila na "FF" ng malas kasi nga wala silang ginawa. Masaya naman "mabuhay" eh, sa opinyon ko ang "buhay" as is na yan, ikaw naman gagawa ng sarili mong build at magiipon ng set ng character mo eh. Kasalanan ba ni henkof kung hanggang ngaun naka normal osm hp set +3 set ka lang? hindi.
Galaw.
Kilos.
Ngayon.
Kung pede bukas, gawin mo ngaun.
Kung hindi pede gawin ngaun, wag mong gawin bukas. gumawa ka ng paraan.
Happy New Year Guys! ^_^
----
Nagsimba kami ni Ermats, dun kami pumwesto sa leftside, malapit sa electric fan. napag gigitanaan kami ng isang magsyota at isang matanda na solohista. maluwag pa sa pwesto namen kaya okay na okay. hindi hassle. kwela si father, nag magic pa. Ang cute din ng mga bata na sumayaw nung "salamat sa liwanag mo... muling magkakakulay ang pasko....". Pero mas naantig ang puso ko sa isang bata na lumapit sa pwesto namen.
"kuya, may nakaupo po ba dito?"
"wala, sige opo ka..."
Napaisip lang ako, bisperas ng bagong taon, kung saan kahit sang parte ng simbahan ka tumingin, mag nanay, magsyota at isang pamilya ang nagsisimba eh meron akong katabi na isang bata, magisang nagsimba at nagdadasal.
Sa part ng "ama namin" na kailangang mag hawakan ng kamay, nakita ko yung bata na parang ilag saken at itinaas nalang ang kamay, ganon din ang ginawa ko. Pero parang PASSIVE LEVEL 4 na skill yung kamay ko, kusang hinawakan yung kamay ng bata. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko naman to kilala or ka ano ano, pero baka sakali yung paghawak ko ng kamay nya sa pag kanta ng ama namin eh makaramdam siya ng pagmamahal ng pamilya kung san ako sobra. Pagkatapos nung kanta tinignan ko yung bata, naka tingin din siya saken, bigla siyang ngumiti...
"happy new year kuya..."
Gumilid ng konti yung luha ko, naalala ko yung baby ko na kapatid. Hindi ko pa yata siya nakwento no? Oo. Meron akong kapatid na bata, 1 and 6mos palang siya. Kung tawagin ng iba half brother pero para saken wala akong pake kung magkaiba ang nanay namen. Kapatid ko paren siya, at kung sinong malaman kong mananakit sa kanya, makaka tikim ng susanoo at amaterasu, oh ng WHIRLWIND ko na level 20. Malas nya pag nagcrit. 420 dmg ea hit.
Natapos ang misa, ang sarap sa pakiramdam. Marami akong tanong at hindi pinaniniwalaan sa relihiyong katoliko pero masarap sa pakiramdam na may mahal ka sa buhay na nakakasama mo sa mga ganong pagkakataon.
Siguro nga... kanya kanyang problema lang yan. Wala man akong lovelife ngayon, (naaalala ko si Jen) hahaha! okay lang kasi busog naman ako sa pagmamahal ng pamilya. Meron akong Ermats na makulit, Cool at mabait at lola na sobrang maalaga. Si erpats naman lagi ko lang kchat, 10years na siya sa korea eh. Pero ganun din yun, mabait at Cool. Bonding namen ang computer games at anime. Adik din kasi yun sa naruto.
Nakangiti akong lumabas sa simbahan habang si Mama naka kapit sa braso ko, para kaming magsyota. Kaso...
"Anu ba yan!"
may nabangga ako...
"Sorry miss, 'di sadya..."
"tsk. 'di kasi tumi...."
"IkAW?"
"ahahaha! small world nga naman talaga no?"
"taga dito ka?"
"Oo ikaw rin?"
"small world nga anu ba yan..."
"peace na tayo dba..."
"peace? lagi mo kong binabangga peace?"
"new year naman eh... peace na tayo. ^_^"
"sge sge..."
Sa sobrang pagmamadali, mabilis nawala ang aninag ko sa kanya sa sobrang dami ng tao sa labas ng simbahan. Para nga kaming naguusap habang unti unti umuusad. Small world nga naman talaga...
"Nak... sino yun? Cute ah. 'di mo ko pinakilala"
"Sa totoo lang ma, hindi ko siya kilala."
"Ha?"
"Ang galing lang eh, small world talaga, lagi ko nakakabangga yun, sa mall at kung san san. nakita ko pa yung sa hospital, Intern ata siya oh nurse, nung namatay si kuya danny"
"naks, destiny anak."
"weee! ahahaha! e1 ko, mataray yun."
"mukha nga eh... Pero mas gusto ko paren si Jen. kamusta na pala siya?"
"Ma! taboo na yung name na yun..."
"okay okay..."
Walking distance lang ang simbahan samen, pag kauwi, dumeretso ako sa kwarto, nagsindi ng yosi, nag log in sa cabal at nagisip...
Destiny? hindi ako naniniwala sa destiny eh, pero ang galing. Taga dito din siya malapit samen? Nagkataon lang ba? nagktaon nga lang sguro... Pero pano pag nagkita ulit kami? Ayoko ng nararamdaman ko, parang sinasabi ng utak ko na may dahilan ang lahat, pero safety first na ko eh. Baka matatluhan mahirap na, baka sabihin pa ng mga kakampi ko sa dota eh "food" ako at saken nakaipon ang kalaban.
Bahala na si Batman...
COMMERCIAL BREAK:
Happy New year guys!
May nakalimutan ako i-include sa year ender update ko...
Gusto kong magpasalamat sayo... oo, IKAW! Ikaw na nagbabasa ng thread na 'to, ikaw na nag-aksaya ng limang minuto, isang oras, limang oras, oh isang araw para basahin ang bagong update oh imarathon itong buong "blog-fic".
Ikaw na nag laan ng oras kahit na magkaron ka ng 600+ na DP dahil binabasa mo 'tong thread na to habang nag papalevel sa mf,
Ikaw na nag laan ng oras kahit hindi ka na makasama sa dungeon hunt ng guild.
Ikaw na nag laan ng oras para isingit ang pagbabasa ng "blog-fic" na 'to habang gumagawa ng assignment.
Ikaw na nag laan ng oras kahit muntikan ka nang mahuli ng boss mo dahil siningit mo ang pagbabasa nito habang nasa office ka.
Ikaw na nag skip ng isang meryendang pancit canton chilimansi para imarathon ang "blog-fic" na 'to.
Ikaw na nagtiis magbasa ng mahahabang update ko kahit na tumatakbo ang oras ng BB+ at prem mo.
Ikaw na nagdance nalang sa BI para makapag concentrate sa pagbabasa nito.
Ikaw na tumanggi sa utos ng nanay na bumili ng pamintang durog dahil ayaw mong mabitin sa pagbabasa.
MARAMING SALAMAT!
Salamat sa pagdamay sa kalungkutan, kasiyahan at kalokohan ni Kiko at ni AyekAru.
Salamat sa mga walang sawang reply at pag appreciate ng "blog-fic' na 'to.
Salamat...
HAPPY NEW YEAR GUYS!
Exec...
Mana Freeze...
TAGAY! ^_^
Two Worlds existing as one...
At ngayon, nasa sitwasyon ako na kailangan ko nang pumili sa dalawang mundo na 'yon.
And sad to say kailangan ko nang piliin yung mundo na kung san kailangan ako ng mga taong mahal ko.
Hind pwedeng dalawa, Hindi pwedeng sabay.
Ang hirap, I know unfair ito sa inyo pero I have no choice. Something came up at siguro yun na ang sign na kailangan ko na pumili.
I'm sorry.
Salamat sayo.
Salamat sa inyo.
Sa huling pagkakataon...
*Mana Freeze!
*Exec!
.....Goodbye.
CONTINUATION:
Bakit ba naging masama si Anakin Skywalker at naging DarthVader? Bakit ba naging masama ang dating Spirit Detective na si Sensui? Bakit ba naging masama si Korei? Bakit ba naging masama si Sasuke? Bakit ba laging nagkakaron ng villain si Spiderman, Batman, Superman at Bananaman? madalas sa kwento o pelikula pinapakita yung backstory kung bakit sila naging masama... Pero still, MASAMA paren sila diba? Kasi pumatay sila ng tao eh, kasi nag nanakaw sila, kasi nandaya sila, kasi nag bot sila. Masamang tao sila dahil sa mga masamang ginawa nila. Well, yun ang reality. at hindi na naten maiiwasan na mahalin ng madlang tao ang sino man na kayang pumuksa sa mga masasamang elemento na yan kagaya ni villar, noynoy, eddie, gibo, gordon at kung sino sino pang nagsasabi na susugpuin ang kahirapan at katiwalian. Pero gaya ng sabi ko noon, ang mga superhero sa tingin ko nagmamaskara hindi lang dahil sa baka resbakan ng mga kalaban nila ang mga syota nila oh nanay nila. Sa tingin ko kaya nagmamaskara ang mga superhero kasi tutulong lang sila at hindi na nila kailangan magpakilala at ibigay ang kanilang pangalan. - gaya ng sabi ni bob ong.
Siguro kung sinong politiko ang walang commercial sa tv, yun ang iboboto ko.
Dun sa unang trabaho ko, naghang ako... parang kailangan ng ryt click refresh kada galaw ko. minsan nga alt+f4 pa. nagulat ako sa totoong mundo. eto na ba 'yung sinasabi ng mga prof. na REAL WORLD? kala ko noon tao lang ang corrupt, gobyerno lang ang corrupt, pati din pala sa mga trabaho at kung ano ano pa ay corrupt din. ang siste, "kung corrupt ang gobyerno, bakit hindi naten sila labanan sa paraan na alam nila?" nagulat ako sa mga transaction na walang OR. Ang dahilan para walang tax, bakit nga naman daw mag "ta-tax" pa kung mga corrupt na politko din naman ang makikinabang nun? ganon ang patakaran. at hindi lang yan sa napasukan ko... marami pang malalaking kompanya ang ganyan ang transaction at marami pang iba. Isipin mo nalang ang mga kompanyang hindi nag o-OR. Rak en Roll sa profit dba? Pero sabi nga nila, "wala namang tao na hahawak ng kaldero na hindi mauulingan ang kamay diba?" pede kang hindi
maulingan... kung pilosopo ka.
Sabi din nila, nasa sayo naman yun kung sasabay ka sa agos, nasa sayo din naman yun kung sasagupain mo ang ragasa ng tubig papunta sa kabilang finish line. dalawa kasi yung finish line. Minsan sa buhay ng tao pipili ka sa dalawang daan (iba 'to sa daan na pinagpilian ko noon kay Jen). sabi nila yun daw yung daan ng kabutihan at kasamaan. May choice kang maging masama oh mabuti.
At mas pinili ni sasuke ang daan ng kasamaan, kagaya ni Anakin Skywalker, kagaya ni Sensui at Korei, kagaya ng mga villain ni Spiderman, Batman, Superman at Bananaman. kagaya ng mga politiko na napapanood mo sa tv kada minuto. At kasama naren ako... Oo, sa kasamaan oh sa kadiliman ako dumaan. Naging corrupt din ako. Naging botter ako gaya ng mga politikong nagpapaka sasa sa yaman ni Juan. At kung dahil dyan masamang tao na ko sa tingin niyo, okay lang. May choice naman ang bawat tao... pero sa lagay ko, msyadong marami lang siguro akong alam kaya ako napunta sa kadiliman. At Naghangad akong maging malakas sa paraang mas madali at mas mabilis. Pero hindi ako nagsisisi. Kahit na banned ako wala akong naging reklamo. bakit? kasalanan ko yun. hindi ko dapat isisi sa iba. anong maitutulong ng pagiging ipokrito dba? pag nakita nyo kaming naniwala sayo na malinis ka, hindi kami ang naloko mo. ikaw ang naloko namen. - sabi ulit ni bob ong.
Pero may mga iilan din naman dyan na talagang walang bahid ng putik at uling ang kamay, saludo ako sa inyo! Sana pag dumating kayo sa puntong hirap na hirap na kayo, at nalaman niyo ang totoong baho sa mundong ginagalawan ninyo, 'wag nyong labanan ang pandaraya ng isa pang pandaraya. Pero uulitin ko... may choice ka paren. Wala lang sisihan sa huli.
kaso nung lumalakas na ako... lalo ko nakita at nalaman kung gano ka dumi ang nevareth. kala ko kasi kami lang ang corrupt. meron pa palang mas matindi. Parang isang malaking conference ng mga politiko na nagbobolahan at naglolokohan para makinabang sa isa't isa. astig. ang mas astig pa pala dun, abot hanggang labas ng nevareth ang pagka corrupt. sabi ko nga sa mga kaibigan kong hindi naglalaro ng OL games- ang cabal parang gobyerno lang naten. kaya kahit ndi ka naglalaro kaya mong maintindihan kung pano ito tumatakbo at kung pano magpatakbo ang mga taong nasa posisyon. Masisisi mo ba si Juan kung bakit lagi nalang silang nagrereklamo sa bulok na sistema ng gobyerno?
Dalawa ang sagot ko.
-Una, hindi mo sila masisisi, kung ikaw ba naman eh kayod ng kayod at nagttrabaho ng matino tapos malalaman mo lang na pede palang magkaron ng MITH BLADE OF DB +7 (PERFECT CDI) 3slots extended basta may koneksyon, pera, at impluwensya ka pede mong makuha ng walang hirap, sisihin mo pa ba sila?
-Pangalawa, Masisisi kita kung ikaw ba naman eh shout ng shout ng walang ka kwenta kwentang mga salita laban sa mga GM at kung sino sino pa dahil hanggang ngayon ay weak paren ang character mo, wala silang kwentang magpalakad ng isang OL game at dahil sa nabanned ang character mo dahil sa hindi ka DAW bot, sana nag DT-troglo lair ka nalang... baka naka loot ka pa ng ROL+2. Maniwala ka. Kesa mansisi ka at humagulgol, pagtiyagaan mo ang DT. Hindi mo masasabi kung nasan ang swerte.
MariaRosas: amfufu! nabanned ako.
KatasniFruit: hahahaha! nchambahan ka...
MariaRosas: uu nga eh... ta3 >.<
katasniFruit: buti nalang ako ndi botter... clean ang account.
MariaRosas: hahaha! urur!
cheasecake: kua ken? maykel?
MariaRosas: Aye to.. haha banned ako. ^_^
cheasecake: awts.
MariaRosas: Wala 'to GG na to...
Cheasecake: awts. quit ka na?
MariaRosas: uu quit na ko.
KatasniFruit: Ayk akin nalang GS mo...
CheeneKaiser: Ayk penge gamit,
MariaRosas: mga ungas! ndi nyo man lang ako pipigilan?
Cheenkaiser: haha! sayang naman kasi ung gamit...
Katasnifruit: bakit ndi mo nalang i-bail pre?
MariaRosas: teka brb...
*Kryp's calling
hello Pa...
Nak kamusta?
Okay lang...
kaw?
Okay lang din,
Oh kamusta lakad mo dun sa munisipyo?
Okay lang naman, kaso apprentice lang pala ako dun Pa, olats.
Ay ganon ba?
Okay sana ang experience kaso need ko na cash eh. alam mo naman...
Oo nga, naiintindihan kita.
'yung application ko sa korea on going naren, sana maging okay.
Magiging okay 'yun anak
sana nga Pa,
Nak, Papa mode muna ako ngaun ah...
sige Pa ano yun?
Nak alam ko naman na alam mo na ang dapat mong gawin, alam ko nasayo ang responsibilidad
ngayon dyan sa bahay. Alam kong kaya mo yan, Andito lang ako para suportahan ka pero ikaw
paren ang kikilos. tumatanda naren ako. 40+ palang ako pero ang edad ko parang nasa 60 na
dahil sa yosi...
(parang napapaiyak ako minsan lang kasi magdrama si papa, lagi lang syang cool at parang barkada) eh kasi bawas bawasan mo na ang yosi.
haha!
hehe nakakailang stick ka ba sa isang araw Pa?
naku wag mo nang tanungin anak...
ilan nga Pa?
nakaka two packs ako a day.
awts. bawas bawasan mo na kasi..
matanda na ko anak, matigas na ulo ko.
hehe sa bagay, ako nga nsa half pack a day or pag malakas nakaka 1pack din eh.
haha! Pero anak, 'yung sabi ko sa iyo, hindi kita pinepressure ah.
Oo pa alam ko naman yun, baka nga quit na ko sa cabal eh.
ha? bakit naman?
Wala lang... na banned kasi ako, baka sign naren yun para tumigil ako at mag lie low. at ayusin ang buhay ko sa totoong mundo.
Sa bagay... tagal mo naren naglalaro nyan eh. pero sgurado ka ba?
Oo Pa.
Sige kung yan ang desisyon mo. Nak tawag nalang ulit ako sayo bukas, mag aayos muna ako at
nyt shift ako ngaun eh.
sige Pa, ingat ka dyan ah..
Thanks, I love you.
I love you too.
*End of call*
Ngayon lang ako nasabihan ni papa ng ganon. hindi direkta pero alam ko kung ano ang gs2 nyang ipahiwatig. Tropa kami ni papa kung sa tropa dahil nga siguro sa bata pa sya pero pag nagseryoso siya, kahit simple lang, tumatagos talaga. Eto na ata talaga ang sign. kailangan ko na muna iwan ang CABAL. kung babalik man ako, hindi ko alam kung kelan. Basta ngaun ang importante... ang totoong mundo.
AyekAru: guys...
Guidlmates: weee! na bail mo na? sienna na 'to!
AyakAru: guys, check nyo FB ng guild... bb. mamimiss ko kayo. T_T
*exit game*
-
Two Worlds existing as one...
At ngayon, nasa sitwasyon ako na kailangan ko nang pumili sa dalawang mundo na 'yon.
And sad to say kailangan ko nang piliin yung mundo na kung san kailangan ako ng mga taong
mahal ko.
Hind pwedeng dalawa, Hindi pwedeng sabay.
Ang hirap, I know unfair ito sa inyo pero I have no choice. Something came up at siguro yun na ang sign na
kailangan ko na pumili.
I'm sorry.
Salamat sayo.
Salamat sa inyo.
Sa huling pagkakataon...
*Mana Freeze!
*Exec!
.....Goodbye.
-AyekAru
*awts pre! quit ka na?
*ta3! weak! quitter amf!
*seryoso yan brad?
*isa lang yan sa mga mood swings ni aye
*baka naman lasing?
*aye akin nalang GS mo!
*aye may alz pa yun?
*awts sis bakit quit ka na? so sad naman...
*wala na panget na... quit naren ako.
*ako ndi pa magqquit.. tska na.
*wag ka na magquit aye sayang...
Iilan lang yan sa mga sagot ng guildmates ko. natutuwa ako at natatawa. seryoso man oh hindi, kalokohan man oh hindi, alam ko kahit papano nalungkot din sila dahil mawawala na ko. Masakit sa pakiramdam na iwan ang mundong nakasayanan mo na pero masaya din kahit papano dahil sa mundo na 'to nakakilala ako ng mga totoong tao. mga kaibigan kong matatawag na sa oras ng kagipitan, pede kong dalhin sa totoong mundo at hindi sa Cabal lang.
nag Pm saken si Xcaliber21 sa FB
Xcaliber21: pre quit ka na?
AyekAru: oo pre kailangan eh.. hehe
Xcaliber21: awts sayang naman pinagsamahan naten...
AYekAru: kailgan pre eh, sign na sguro ung pagkaka banned ko...
Xcaliber21: awts, sige pre kung gs2 mo na mag move on nasa sayo yan.. goodluck nalang pare.
AyekAru: tska if ever naman kasi m2loy ung kinukwento ko sayo baka mapa quit din ako... sana
nga matuloy yun eh.
Xcalibe21: m22loy un pre.. gudluck sayo.
AyekAru: sge pre... sa uulitin. Pag n2loy ako uuwian kita ng chix. hehehe
Xcaliber21: Hahaha! tara audition nalang tayo...
AyekAru: ahahaha! audition amf. Sige2.
Naglaro lang ako saglit ng audition, pagkatapos nun lumabas ako ng kwarto. nagsindi nagyosi... at nagisip.
'di ko maiwasang mapabulong sa sarili...
Wia, Chichi, Mercenaries, mahigit isang taon at limang buwan ko din naging buhay ang CABAL. Nakakalungkot naman. Parang bisyo kong sigarilyo na biglaan ko nalang itinigil. kita kits nalang siguro ulit... kung magkikita kita man tayo ulit. sa ibang lugar man oh pagkakataon hindi naman mawawala yung pinagsamahan diba? rak en rol lang. kung baga sa series... new season lang. kung baga sa naruto, shipuuden na. dba dba? ^_^
Tuloy paren ang laban. Yung totoong character ko muna ang ipapalevel ko at dadamitan ng magandang set. Sana sa pagkakataong 'to, sa daan ng kabutihan na ko maka daan. kung hindi man... 'yun talaga siguro ang daan na para sakin. Sana matutunan kong sumabay sa agos ng ilog at pag mahuhulog na makaya kong kumapit sa sanga ng punong nakahiga malapit sa dulo ng ilog. Sana pag marami na kong natutunan kay Orochimaru, kaya ko paren siyang patayin at hindi tuluyang magpakain sa kanya gaya ng ginawa ni sasuke.
Bbye AyekAru...
Welcome back... Kiko! ^_^
Isang umaga, ginising ako ng isang text. Kadalasan kasi ang gumigisng sakin ay ang sikat ng araw na tatama sa mukha ko galing sa bintana ng aking kwarto.
"Nak, pwede ka bang magdonate ng dugo?"
text ni mama. Nagreply ako at sinabi kong okay lang saken na magdonate ng dugo, depende nalang kung papasa ako sa test. Tinanong ko si mama kung kanino gagamitin yung dugo na idodonate ko kung sakali at ang sabi niya, isa daw sa kaibigan niya ay malubha ang sakit at kailangan ng blood donor.
Bumangon ako, nagbukas ng pc, nag check ng mail, facebook at ng kung ano ano pa sa net. Ganun ang routine ko araw araw, medyo nabago kasi nawala na yung "pag log in" ko sa CABAL pagkagising na pagkagising. Pagka tapos kong magcheck ng kung ano ano, iniwan kong bukas ang pc at bumaba na para kumain at kausapin si mama.
"Maligo ka na 'nak pagkatapos mong kumain, dederecho tayo sa ospital"
"okay ma"
Agad agad akong naligo at naghanada para sa pag dodonate ko ng dugo, dalawang beses ko palang nakita yung kaibigan ni mama na naka confine sa ospital, hindi kami close at sa totoo lang wala din naman akong connection sa kanya pero pag mga bagay talaga na pede akong makatulong sa kapwa ko lalo na at kaibigan ni mama, okay ako dun. 'yung kasing iba parang kala mo eh royal blood na ang dami pang tanong bago tumulong.
Ang saken lang, pag ikaw nakaranas sa ganong sitwasyon, dun mo malalaman ang pakiramdam na kung gano kahirap ang mamalimos ng tulong. Tandaan mo, kahit gaano ka pa ka mamaw sa CABAL, gagamit ka rin ng "PO" at makikisuyo sa Wizard para sa SP nila. oh sa SS ng Shielder, oh sa debuff ng FB. Hindi ka naman diyos para solohin ang FTb2f eh, dadating at dadating din ang pagkakataon na hihiling ka ng tulong sa kanila, kaya ako... hanggat kaya ko at may oras ako, tutulong ako sa Wizard na may quest sa Eod b2f, balang araw baka pag nangailangan din ako ng dugo, siya din ang makatulong saken.
Matagal akong nag antay kasama si mama pati yung ibang kaibigan nila na mag dodonate din. Parang mas kabado pa saken ang nanay ko, panay ang tanong... Ako cool lang, yung isa namin kasabay halata ko kabado, dinadaan lang sa tawa. Tatlo kaming mag dodonate, ako ang panghuli, by two kasi ang pasok, nag antay ako ng mga 20mins bago sila natapos. At nung ako na ang isa-salang sumilip pa si mama, sumenyas lang ako ng "okay" sign.
Pag pasok ko sa loob, nakita ko yung nurse at pinahiga na 'ko. Biniro ko pa yung nurse at nagtanong ng "game na ba?" at sumagot din naman siya ng "ready ka na ba?" sabi ko "Oo".
Panay ang kapa nung nurse sa kanang braso ko at pa pitik pitik pa, hanggang sa nagsalita siya ng...
"Hingang malalim..."
sabay tusok ng karayom...
May pinahawak siya saken na bola at pisil pisilin ko daw yun... habang nag aantay ako at panay ang pisil sa bola, naalala ko si kuya danny. Ano kaya ang naramdaman niya nung siya yung nakahiga dun sa ER? manhid ba siya nun? nakita ko kasi dati na panay din ang tusok ng mga nurse sa kanya at kinunan din siya ng dugo...
"Speaking of kuya Danny..."
Napabulong ako sa sarili ko...
"WTF! dito ko nakita si.... sh**T! bakit ngayon ko lang naalala"
Habang kinukunan ako ng dugo, Hindi na naalis sa isip ko yung babae na lagi kong nababangga at nakakasalubong.
Una ko siyang nakita sa dominga, noong pauwi ako galing kina Jen, Sa sinehan papuntang CR, Sa hospital na 'to nung nasa ER si kuya Danny, at sa labas ng simbahan malapit sa bahay namen.
amfufu! kinakabahan ako ah... Baka magkita ulit kami ngayon, pero ano naman?" para akong baliw na pilit iniintindi ang dalawang taong naguusap sa utak ko... nagulat nalang ako ng biglang may narinig akong parang nagmamadali at may nagkakagulo.
"dahan dahan... 1.. 2.. 3!"
"kasi naman bakit ka kagad tumayo?"
"oh bakit ma anong nangyari?"
"tumayo kasi kagad, ayan namutla parang lantang gulay... pagkatapos mo 'wag ka kagad tatayo magpahinga ka muna"
Sa kabilang higaan nakahiga yung kaibigan ni mama na nagdonate din ng dugo, maputla at nanghihina. Tumayo kasi kagad at tumungo pag katapos kunan ng dugo, kaya daw ganon ang nangyari, pero sabi nung doctor normal lang daw naman yun. kaya ayun, nagtatawan pa sila.
Pero pag lingon ko sa may bantang pinto... dun ako nakramdam ng nerbyos, parang dun ko naramdaman na kinukunan ako ng dugo.
"huy! bat andyan ka? kanino ka magdodonate?"
"ah, eh, sa kaibigan ng mama ko..."
"ah... smallworld talaga no? hehe!"
"ikaw anong ginagawa mo dito?"
"dito ako nag duduty..."
"ah... pero diba sa ER kita dati nakita?"
"Oo sa ER nga ako, may inutos lang saken dito."
"ah..."
"Pag tapos mo diyan kita tayo sa chowking, break ko eh..."
Hala! nagiba ata ihip ng hangin dito...
"ayos ah! bat parang iba ka ngayon?"
"ha?"
"asan na yung sungit mo? parang nawala ah!"
"Loko! 2010 na bawal na masungit... hahaha! Tska peace na tayo diba?"
"Sa bagay... sige."
"Sige mamaya nalang... sa Chowking ah."
"Okay"
Pag alis niya napalingon ako sa kabilang higaan, sila mama at yung kaibigan nyang namutla nakikinig pala samen, takte! kala ko naman busyng busy sila. Nakangiti pa saken na parang nangaasar.
Matapos ko mapuno ang isang bag ng dugo ko, (nakalimutan ko kung ilang cc yun) nagpahinga ako ng mga 10mins at nagpaalam kay mama...
"Ma..."
"Alam ko na.. Sige na sasabay nalang ako sa kanila. Magingat ka baka biglang mahilo ka. kumain ka naren sa Chowking"
"Sige ma..."
Parang ang hina pa ng katawan ko pero hindi naman ako nahihilo, medyo slowmo nga lang ang lakad... ramdam ko yung parang ngalay sa batok at ulo ko, parang ramdam ko din yung pag balik ng daloy ng dugo sa bandang sintido ko.
Nakarating ako sa chowking, may nakita akong nagtitinda ng yosi, parang gusto ko na magyosi pero sabi dun sa guidlines bawal pa daw ata manigarilyo, kaya tiis tiis muna. Pumasok ako sa loob at medyo naghintay. At dumating nga ang mahiwagang bababe. haha!
"kanina ka pa?"
"ngayon ngayon lang..."
"oh bat 'di ka pa umorder? dapat magjuice ka kagad or kain ka para bumalik kagad lakas mo"
"inintay kita eh..."
"wow! gentleman? birthday mo? haha!'
Ta3 to, bat lahat ata ng babaeng nakikilala ko may sapak sa utak. Wala ba yung mayumi? yung mahinhin? yung parang wizard na level1? Pero sa bagay okay naren yung ganyan para walang hiya hiya.
"amf! Congee ka din?"
"Oo bakit...?"
"Congee din o-orderin ko eh."
"Bakit bawal ba magkapareho?"
"hindi naman, ayaw ko lang ng may kapareho"
"yan... lumalabas na naman pagka masungit mo"
"excuse me! hindi ako masungit... at may dahilan naman ako kung bakit ako nag susungit"
"oops! lumalakas na boses mo... yung kilay mo aabot na sa bunbunan oh!"
"ahahaha! loko loko..."
Wtf! andito ako ngayon sa chowking, kausap at kasama ang isang total stranger... pero panong nangyayari na ganito kami magusap? parang may iba... parang may mali...
Panay ang halo niya sa Congee, at panay naman ang ihip ko bawat sandok bago ko isubo.
"Hindi kaya ako matunaw niyan?"
awts. huli.. >.<
"Alam mo ang weird lang kasi, 'di lang ako makapaniwala na isang total stranger na kagaya mo, kasama ko ngayon dito at kumakain ng CONGEE. Ang weird!"
"Daldal mo. kumain ka nalang..."
"...."
Pucha. may pagka bossy ah? lakas mang basag. Tsk.
"Joke lang... 'to naman!"
"....."
"wui joke lang eh..."
"....."
"Ang totoo, sa opinyon ko... hindi naman weird."
"at bakit?"
"Ngayon mo lang ba naranasan yung ganito?"
"ang alin?"
"yun ganito... diba sabi mo total stranger ako."
"Oo ngayon lang, ikaw ba?"
"palagi..."
"Awts!"
Hindi ko alam pero na-off ako sa sinabi niya, Oo green na kung green pero pumasok sa isip ko, gimikera siya, nakikipag one night stand, nakiki party sa hindi kilala, etc. Hindi kasi ako ganon, Okay lang saken ang babaeng may bisyo pero off ako sa babaeng gimikera. feeling ko kasi pag ganon ang GF ko, mapapaaway ako palagi.
"oh bakit?"
"wala lang..."
"alam ko na... alam ko na nasa isip mo, Oo tama ka... Pero para saken mas okay yun. No strings attached. Walang expectations pag ganon. Parang ganito. After naten kumain ngayon, bukas wala na, sa makalawa or sa mga susunod na araw wala na din. Pede pa tayong magkita ulit pero walang kasiguraduhan"
"kaw na magaling..."
"ahahaha! loko."
May point siya, kay Jen, At kay Wia, meron akong connection, hindi ko man aminin sa sarili ko pero sa mga nangyari saken noon nasaktan ako dahil sa mga expectations ko. At dahil din sa may pisi na nakatali samen noon ni Jen at ni Wia. Yung kay Wia nga biglaan lang pero kahit papano may dating paren, kahit na sabihin kong ndi ko siya mahal, may something paren.
"Matanong ko lang... ano nga pala ginagawa mo sa dominga? dun kita unang nakita diba? sorry nga pala"
"ah! *batok* loko ka yung yosi mo tinamaan ako."
"ay tinamaan ka ba?"
"hindi muntik lang... haha!"
"haha! oh bakit nga? ano ngang ginagawa mo dun?"
"may bahay kami dun, actually dun ako lumaki tapos lumipat lang kami sa taguig"
"wow! hindi nga?"
"oo nga... bakit? ikaw anong ginagawa mo dun? pasikat na araw nun ah..."
"Galing ako sa bahay ng bestfriend ko... kaw san ka galing nun?"
"ah... Sino bestfriend mo? baka kilala ko. Ako galing ako inuman nun."
"uhmmm... Jen,"
"Jen?"
"uu Jen.."
"Jen ano?"
"Jennica Nicole Roxas"
"JENNICA NICOLE ROXAS? wtf!"
"oh bakit?"
"kababata ko siya..."
"amfuta... HINDI NGA?"
"Oo nga... pero hindi ko sya close"
"nyek! labo ah... talkshit ka ata eh."
"Kababata ko siya, I mean kasabay lumaki pero iba kasi mga frends nya, iba din frends ko..."
"ah... san ka ba sa dominga?"
"alam mo yung bahay nila Jen? tatlong bahay lang ang pagitan namen."
"awts. SMALL WORLD talaga!"
"hahaha! sinabi mo pa...
Sa haba at sarap ng kwentuhan namen, hindi ko namalayang ubos na pala ang CONGEE ko at ganun din ang sa kanya.
*tingin sa orasan*
"sh**t! tapos na pala break ko... oh sya, See you when I see you"
"teka..."
"aii oo nga pala... Anong name mo?"
"Kiko..."
"I'm Shiella.. Shie nalang, Nice meeting you Kiko ^_^"
habang paalis siya ng chowking, hindi paren ako makapaniwala sa mga nangyari... lahat ba ng tao sa mundo konektado? lahat ba ng tao sa kahit konting pagkakataon may linyang nag dudugtong sa taong parte din ng buhay mo? feeling ko may na meet akong tao galing sa future. Parang "my sassy girl" lang...
ramdam ko... magkikita pa kami ulit.
Tatke, parang problema na naman 'to.
Pilit kong inaalala yung pakiramdam na para akong nakatayo sa tuktok ng isang building habang nagyoyosi at ninanamnam ang paghampas ng malakas na hangin sa aking mga pisngi. Para bang sa sobrang lamig at presko sa tuktok ay hindi ko na namalayan na nahuhulog na pala ako. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata para makita kung san ako babagsak, Sa kotse ba? Sa puno? Sa Jolly Jeep? Sa bubong ng 711 oh ministop? Sa nagtitinda ng yosi? Sa takatak boys?
Pilit kong sinisipat kung sa pagbagsak ko ay may madadamay akong tao oh magisa lang na matatapos ang buhay ko. Handa na ang katawan ko na makaramdam ng sakit pero gising pa ang diwa ko, habang tumatagal ay bumibilis din ang pagbagsak ko... sobrang bilis na parang ilang segundo nalang pwedeng mawasak ang bungo ko kung una ulo ang bagsak ko. Huling limang segundo...
lamang ang proc, katumbas ng isang small base ang lamang, magisa lang akong nagpupush sa w9, Alam kong pag nasakop ko yung w9 panalo kami,
5
4
3
2
1
....
Kaso hindi. Naisip ko, dapat hindi ko sinolo. Sana sumabay ako sa wave, Sayang ung damage ko. Nanalo siguro kami. Nakita ko din ang sarili kong nakahiga sa kalsada, ramdam ko ang pag labas ng sarili kong dugo mula sa ulo ko na kumalat din sa buo kong katawan. Nakikita ko ang mga tao na tinitignan ko at nagkakagulo. Sumisigaw ako pero walang nakakarinig. Gusto kong tumayo pero wala akong maramdaman. Bumibigat na ang mata ko... parang gusto ko nang pumikit at magpahinga, malabo na ang paningin ko, hindi ko na maaninag ang mga mukha ng mga taong pinagkakaguluhan ang katawan kong nakahandusay sa kalsada. May narinig ako...
"Kiko!"
Sinubukan kong buhatin ang mabigat ko nang mata...
"Kiko!!"
Gusto kong maaninag kung sino yung tumatawag saken...
"Kiko!!!"
Kilala ko siya... Kilala ko siya...
"Ano okay ka na?"
"Anong ginagawa ko dito?"
"Hinimatay ka eh... buti nag last look ako sayo bago ako umalis sa chowking"
"Hinimatay?"
"Baka dahil sa pag kuha sayo ng dugo, hindi ka ba nagpahinga after mo makunan ng dugo?"
"awts. nagpahinga naman ako eh, tska ndi naman ako nahihilo nun."
"ang weak mo naman, mukha ka namang okay nung kumakain pa tayo ng Congee"
"Oo nga eh... 'di ko rin alam parang biglang dumilim nalang ung paningin ko"
"tinignan ko yung cellphone mo, empty batt naman, wala ka din wallet kaya d ko alam kung sino kokontakin ko"
"ah..."
"kaya ako nalang nagbantay sayo"
"kanina pa ko dito?"
"hindi naman, mga 30mins lang"
"ah..."
"normal lang yan, pag kinunan ka kasi ng dugo magpahinga ka muna."
"Oo na..."
Nakakahiya, takte ang weak ko nga... pero nagpahinga naman ako eh, 'di ko alam bat hinimatay ako. turn off siguro saken 'to. tsk.
"Magpahinga ka na muna diyan saglit, mag taxi ka na pauwi, babalik na ko sa duty ko"
"okay, pasensya na sa abala"
Hindi na siya sumagot, napansin ko nalang na parang may sinusulat siya sa kapirasong papel at ibinigay niya sken.
"no. ko yan... txt mo ko pag nakauwi ka na sa inyo"
"sige, pasensya na sa abala"
"sige alis na ko... weak! hehe"
hiyang hiya ako... 'di na ko nakasagot. Bago pa siya makalabas ng kwarto nagpahabol pa siya ng isang paalala,
"magpahinga ka muna diyan ah, wag mong kalimutan na itxt ako... okay?"
"yes ma'am"
"good"
at tuluyan na nga siyang umalis. hays... takte nakakahiya talaga, matagal akong nagpahinga, mga 20mins siguro, para sigurado. Hindi ko din talaga lubos maisip na matapos kong kunan ng dugo eh hihimatayin pa ko. Kasi nakakain pa nga ako ng congee sa chowking, nakapagkwentuhan pa kami ng matagal ni shiella, tapos ganon. Thankful naren ako at andun siya, medyo kilig naren. Pero ang labo, sa maiksing panahon parang ang dami na kagad ng nangyari. Tinatak ko nalang sa isip ko na kailangan kong makabawi sa kanya.
Nung makauwi na ko, syempre matagal tagal na interview sa ermats ko at yun nga pinaliwanag ko yung nangyari. pagtapos nun dumerecho na kagad ako sa kwarto ko, nagbukas ako ng pc, nagcharge ng cellphone, pinatay ko ung ilaw, nagsindi ng sigarilyo, humithit, bumuga... sabay kapa sa bulsa ko para kunin yung no. ni shiella... sakto! globe.
"Salamat kanina, at pasensya sa abala - kiko"
ang tagal ng reply niya... naka ubos na ko ng tatlong stick ng marlboro red, hanggang sa naisip kong ma2log nalang.
Maaga akong nagising, 9am, tinignan ko kagad cellphone ko baka nagreply na si shiella, at may txt nga siya...
"okay lang yun, weak ka lang talaga. =)"
ta3, nakakahiya... hindi na ko nagreply sa hiya, hindi ko alam pero parang bigla kong namiss ang CABAL, nag log in ako at nagalmusal ng yosi.
"Aye!"
"...."
"wui Aye!"
"oi pre..."
"takte anong nangyari sayo?"
"ha? bakit?"
"quit ka na daw?"
"uu pre..."
"amf to... d mo man lang sinabi saken"
"sensya na biglaan eh."
"wala bang remembrance dyan?"
"wala eh..."
"amf damot..."
"Sige pre log out na ko... bumisita lang ako"
"wait!"
"ow?"
"Daddy AyEeeE!"
"?"
"quit ka na daw Daddy Aye coh?"
"amf! ahahah! namiss ko yan ah..."
"namiss ko nga din na kulitin ka eh..."
"ahahaha!"
"wag ka na quit Daddy Aye coh!"
"amfufu ChiChi quitting na nga ako pinagttripan mo paden ako.."
"awts! WEAK QUITTER!"
"lul"
"bat ka magqquit?"
"mahabang istorya"
"sus! Weak ka lang talaga...."
bat ganon? parang familiar...
"mwawala na daddy Aye coh... Weak!"
iba... parang iba... naguguluhan ako,
"ChiChi sino ba 'to?"
"Ako 'to... wala si kuya lumabas"
"kuya? sinong kuya?"
"awts. Wala wala..."
"amfufu, sige log out na ko"
"bbye Daddy Aye coh na weak kasi quitter! =)"
"...."
"mamimiss kita..."
Ang labo ni ChiChi, sa totoo lang pag kausap ko siya parang dalawang tao ang kausap ko. kung tutuusin para siyang may multi personality. Paiba iba magsalita, tapos dalawa pa silang may hawak, tapos "Ako 'to... wala si kuya lumabas" hayss... ang sakit sa ulo. Kung pwede lang i-hire si detective conan ginawa ko na para ma analyze niya ng maigi tong si ChiChi. Or kahit si "L" nalang ng deathnote. Pero sa isang banda bakit ko pa nga ba proproblemahin si ChiChi eh quit na naman ako sa CABAL. Biglang tumunog cellphone ko...
"Kiko... san ka?"
"andito sa bahay bakit?"
"ano gawa mo?"
"wala naman... nag ne-net lang, kakagising ko lang din eh."
"ah... lunch tayo maya, sa market market. pede ka?"
"ah eh..."
"ano ba yan wag mo na kong tanggihan, isipin mo nalang na pang bawi mo saken yun sa abala mo kagabi, okay?"
"amf! sige na nga..."
"sige, 12nn kita tayo sa market market, sa tokyo2, txt txt nalang =)"
"sige2..."
bago ako maligo nag log in ulit ako sa CABAL, hindi ako mapakali gus2 kong makausap si ChiChi... para siyang isang problemang kailangan maisolve, kaso wala akong formula. pano ba 'to...
Kaso pag tingin ko sa buddy list offline na si ChiChi, Sa ibang araw nalang siguro... kailangan ko naren kasi mag handa baka ma late ako nakakahiya naman kay shiella.
kaya nag ayos na nga ako... 11am dumating na ko sa market market, tumambay muna ako sa comic alley, tumingin ng mga key chains at kung ano ano pang gamit na anime, tapos may narinig ako...
"chii!"
"chii!"
"chii!"
boses ng isang babae, pinapalabas pala ang isang episode ng chobits sa may bandang counter ng comic alley...
"chii?"
sa hindi ko maipaliwanag na rason,
parang may naisip ako tungkol kay ChiChi...
"If you understand how a writer's mind works, you'll lose all the pleasure in reading a book" - Lucy, Fairy Tail
1st year college ko nakilala si Bob Ong, pinakilala saken ni Jen.
*start of flashback"
"Kambal sino favorite mong author?"
"uhmm... sino nga ba? Jose Rizal?"
"Nyek! maliban sa kanya sino?"
"uhmmm... wala Jen eh, hindi din naman kasi ako madalas magbasa ng libro"
"edi hindi mo kilala si Bob Ong?"
"Hindi eh.. Sino ba yun?"
"Tsk. Punta ka national bookstore hanapin mo si Bob Ong, Hindi ka magsisi kambal. PROMISE!"
Sabay epal ng isa kong kaklase...
"Bob Ong? Oo Kiko! Maganda yun! yung ABNKKBSNPLAko?"
"aii alam mo din yun? Ganda no... Ang kulit nung dun sa... na experince mo din ba yung sa...
"uu nag ano din kami sa... Galing niya talaga no?"
At naichapwera na nga ako... kaya pag uwi ko galing school dumerecho kagad ako sa National Bookstore para bumili nung libro. At tama nga sila... Hindi ako nagsisi.
*End of flashback
Hindi ko makakalimutan kung paano ako pinatawa at pinaiyak ng unang beses kong mabasa ang Unang libro ni Bob Ong, Oo maaring sentimental ako pero iba ang dating saken habang binabasa ko yung libro. Saya at tuwa na may kurot sa puso. At simula nun naging fan na ko ni Bob Ong. Madalas kong iniisip kung pano ba nabuhay ang isang Bob Ong? Ilan taon na ba siya? San ba siya nakatira? May pamilya kaya siya? May tatlong anak? Sa letran kaya siya nag college? San kaya siya nag aral ng elementary? Masarap kaya ang Nutriban? Nag laro din kaya siya ng Supermario? Nagcacabal kaya siya? kung Oo baka siguro Capella siya. pwede din namang procyon. Mamaw kaya siya? Gumamit din kaya siya ng bot? Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya, lahat ng bagay na konektado sa kanya, Hindi lang dahil sa idol ko siya na author, gusto kong malaman lahat ng yan dahil sa tuwing nagbabasa ako ng libro niya... napapaisip ako.
Sino ka ba? Bakit pag binabasa ko ang libro mo feeling ko barkada lang kita? na anytime pede kitang daanan sa kanto at mag bbeerhouse tayo?
Madaming haka haka sa kanya, Maraming tanong, Maraming palaisipan, at yun ang kakaiba kay Bob Ong na hindi mo makikita sa iba. Dahil sa pagbabasa ng libro niya, nakagawa tayo ng ilusyon sa isang kwarto ng utak naten na si Bob Ong, baka tropa lang naten, baka dati naten teacher sa PE, baka nakasalubong naten minsan sa lobby, oh nakasabay sa pilahaan ng taxi. Naka gawa tayo ng ilusyon na yung author ng librong binabasa naten eh parang barkada lang na kakwentuhan naten. Alak nalang ang kulang...
Shot!
--
"Chii?"
yan ang madalas na binibigkas ng bidang babae sa Chobits, Familiar kayo? kung hindi, isa siyang Persocom, (Personal Computer) isang andriod at "chii?" lang ang kaya niyang bigkasin.
Nung nasa comic alley ako, Chobits ang nakaplay na DVD at narinig ko ang "Chii?" na lalong nagpagulo ng isip ko.
Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ba akong ma excite oh dapat ba kong kiligin dahil isang babae ang nagyaya saken ng lunch. Ang labo kasi...
Kahit maraming pagkakataon ang tinatahi ng tadhana sa magkaibang tela ng buhay namen, hindi mo paren maiaalis na kaunti lang ang alam niya saken at ganon din ako sa kanya at sa madaling salita, pwede paren namen tawagin ang isa't isa na stranger.
Pero andito na ko eh, wala na kong magagawa... naisipan ko nalang na bumili ng keychain na Gaara (bubble head). Balak kong ibigay kay shiella para man lang masabing may token of gratitude ako para sa kanya. Hindi din naman birong magbantay ng isang nahimatay na stranger eh. Pero sa kabilang punto... well, nurse naman siya so okay lang din siguro.
Dalawang Palapag pababa mula sa comic alley papuntang Tokyo Tokyo, nag CR muna ako, naghilamos, nagmumog, binasa ng konti ang buhok, nagpunas at syempre nag pabango. Full SP na ko. Naka Shard naren ako... (Sharp + hard), dala ko na ang entry, All set na...
Dahil sa hindi ako premium kailangan kong maglakad mula sa entrance ng Caps sa MF papuntang entrance ng Altar of Sienna b1f,
Masasabi kong medyo kinakabahan din ako kaya tinatanim ko nalang sa utak na bakit ako kakabahan sa kanya? wala namang dahilan.
Huling palapag bago ang tokyo tokyo, nag txt siya...
"san ka na?"
"Eto na naglalakad na po.."
"Ang tagal mo naman kanina pa ko dito,"
"pasensya ka na hayaan mo meron naman akong gift sayo."
"dalian mo na..."
"eto na... mga benteng kurap ng mata andyan na ko."
bago ko ihakbang ang isang paa palapit sa tokyo tokyo, tumigil ako. nagisip. Tinanong ko ulit sarili ko...
"Bakit ba ko kakabahan? eh wala naman akong ginawa. tsk. TH ako msyado, hindi naman ako naka-bato oh naka damo."
Medyo mahirap tumawid sa mga entrita at lobatum pero medyo kiliti nalang saken dahil sa naka mith +6 set naman ako. Meron din akong def rate na rune kaya madalas din silang mag miss. Eto na, papalapit na ko sa kanya. Tanaw ko na si Shiella...
Mga ilang hakbang nalang malapit na ko sa kanya, Pero habang palapit ako nakita ko na hindi pala siya naggisa. May kasama siya... Sino yun? Lalong nagkagulo ang mga daga ko sa dibdib. Parang may masamang mangyayari. Nakatalikod yung babaeng kasama ni shiella kaya hindi ko maaninag. Pero... Pero... Parang familiar yung babae.
Tumayo si Shiella sa mesa nung nakita niya akong papalapit na... nakangiti at nakatingin saken. Sinagot ko din siya ng isang ngiti at pagtataka. Lumapit ako sa mesa nila, dahan dahan at kabado. Hindi ko alam kung bakit...
"Hi Kiko!"
"Hi!"
Pagkasabi ko ng "Hi" ay kasabay na paglingon ng babaeng nakatalikod na gumulat saken.
"Hi Kiko... Kamusta ka na? Namiss kita ah."
P***TA****!! Sabi na eh! Parang familiar! Kaya pala ko kinakabahan. Nakakita ako ng patay na nabuhay. Agad-agad akong tumalikod papalayo sa kanila. Ayoko, Ayoko siyang makita, Ayoko siyang makausap. Tatke si Shiella, sinet-up ako. Badtrip amfufu. Isang LB lang ang OL sa war tapos benta pa ang laro. Tsk.
"Oh bakit? Bakit umalis yun? Anong problema nun?"
"Teka lang shiella ah... Susundan ko si Kiko"
"Sige sige..."
Bumababa ako, walang lingon lingon, derecho lang ang tingin, nagmamadali ako. Parang hinahabol ako ng zombie. Nanggigigil ako sa inis. Hawak ko ang keychain na gaara at nakasarado ang kamao ko. Hindi ko ramdam ang sakit ng pagkakapisil ko sa keychain, lagpas kaldero na ang kulo ng dugo ko.
"Kiko! Kiko Saglit lang!"
Hindi ako lumingon, lalo kong binilisan ang paglakad... ayoko siyang makita, ayoko siyang makausap, naramdaman ko nalang ang paglapat ng kamay ni Jen sa braso ko.
"Saglit lang Kiko..."
Tinanggal ko ang pagkakawahak ni Jen sa braso ko at lumingin na galit ang mukha.
"Ano bang problema mo? at anong ginagawa mo dito? tantanan mo na ko pwede ba?"
"Saglit lang Kiko... please. Pakinggan mo muna ako."
"Para san pa? Paniniwalain mo na naman ako sa mga kasinungalingan mo?"
"Kumalma ka muna please lang, pinagtitinginan na tayo ng mga tao" Pabulong saken ni Jen.
Lumingon lingon ako at napansin kong nakatingin na nga ang mga tao sa mall, at nakakahiya. Malakas na pala ang boses ko sa sobrang gigil at inis.
"Halika... sumama ka saken."
Hindi na ko nakasagot at hinila ako ni Jen papalabas ng mall, Dinala niya ko sa may bandang gilid ng mall kung san naka pwesto ang mga inuman, tanghali pa kaya wala pang mga estudyante na madalas tambay ng giligans.
"Maupo ka..."
"...."
"Please? Saglit lang 'to Kiko."
Umupo ako, hindi ko siya titinitignan, umiiwas ako ng tingin kay Jen, pumapadyak ang paa ko sa sobrang inis at irita, kumuha ako ng yosi sa bulsa at sinindhihan.
"May yosi ka pa?"
Hindi ako sumagot, inabot ko kay Jen ang bawas ko nang isang kahang marlboro red at nagyosi din siya.
"Namiss ko 'to ah..."
"...."
"Namiss kita Kiko..."
"...."
"Gusto mo uminom? Sagot ko!"
"Inom? tanghaling tapat? 'wag na... tsaka mabalis lang naman yung sasabihin mo diba?"
"Hindi ka paren nagbago, Hanggang ngayon galit ka paren saken"
"Masisisi mo ba ko? 'wag na naten pagusapan ang nakaraan. Tapos na yun. kinunchaba mo pa si Shiella. tsk."
"wag ka magalit kay shiella, nabanggit niya lang saken na nagkakilala kayo kaya naglakas loob na ko na makiusap sa kanya kahit 'di kami close para lang makausap ka"
"Oh tapos? Ano na? Ano nang sasabihin mo?"
"kamusta sila tita? kamusta ka na? wala na kong balita sayo ah..."
"Pweda ba Jen! 'wag mo kong paikut-ikutin pa. Sabihin mo na kung anong sasabihin mo!"
"Gusto kitang yakapin ngayon... Gusto kitang yakapin ng mahigpit na mahigpit. Matagal akong nangulila sayo, matagal akong nangulila sa bestfriend ko. 'wag mo naman akong ipagtabuyan oh..."
"...."
"Hindi ko naman hinihiling na maibalik pa ang dati... gusto ko lang ng closure, Patawarin mo na ko."
"...."
"Araw-araw akong minumulto ng kasalanang nagawa ko sayo, at pinagsisihan ko na 'yun. kahit naman na nawala ka na sa buhay ko hindi mo paren maiaalis saken na naging parte ka ng pagkatao ko. At halos hindi ko na alam pano magpatuloy ng nawala ka noon. Ang hirap Kiko... Sa tuwing masaya ko parang laging may kulang, pag may problema ako kinakaya ko nalang ng magisa ako."
Ayoko ng ganito... ayoko ng nararamdaman ko, sa mga sinasabi ni Jen parang lumalambot na ko. Pero kailangan kong mag matigas. In the end baka ako na naman ang talo.
"Tapos ka na?"
"...."
"yun lang ba ang sasabihin mo?"
"...."
Tinapon ko na ang yosi ko at tinapakan. Binulsa ko naren ang lighter pati yosi ko. Tumayo na ko sa pagkakaupo... Sa bagay siguro last na namen pagkikita 'to kaya tinignan ko siya sa mata... ang laki naren pala ng pinagbago niya.
"Kung wala ka nang sasabihin aalis na ko..."
"...."
Hindi siya sumagot, nakatingin lang din siya saken, nangungusap ang mga mata niya. at tama ang naisip ko... pumatak na ang luha ni Jen. Hindi ko alam pero parang hinila ulit ako ng upuan at pinaupo ako. nagsindi ulit ako ng yosi at inantay kung ano man ang huling sasabihin saken ni Jen.
tatlong segundo, limang segundo, dalawampung segundo ng katahimikan at pag tulo ng luha ni Jen.
"Kiko..."
Isang UCHH nalang +6 na ang Mith Suit SSa ko... nang biglang,
"Kiko... ikakasal na ko"
Para sa isang teacher na ginawa kaming katatawa dahil sa pagpapa squat samen sa corridor, sa pagpapalabas samen sa klase pag maingay kami, sa pagpapa-pila samen palabas ng room, Sa pag sita samen pag nakasuot ang hikaw namin, Salamat sa lahat ng naituro mo. May you rest in peace Sir Wilver Biador. 21 gun salute is not enough for you.
____
"...maaari bang dinggin ang natatangi kong hiling,sana ay makapiling ka, muli kang masilayan at muli kang mahagkan, sana'y 'di na iwan pang muli."
Kapareho mo ba ko? Pareho ba tayo? Bakit kaya sa tuwing napapasarap ang inuman namin madalas mapagkwentuhan ang HS?
-
"Naalala mo pa yung nag-vandal ka sa corridor?"
"Oo ta3na! yung after ng 1st friday mass naten?"
"OO! hahaha! tapos yung mga 2nd year yung napagbintangan."
-
"Grabe sa ganda si yssa nun no?"
"Oo nga eh... wala ata saten magbabarkada ang pinalad dun"
"Okay lang yun, tignan mo ngayon, maaga siya nagkaanak, kung sakin napunta yun hindi mabubuntis yun."
-
"eh pare natatandaan mo yung binanatan ko sa corridor yung maangas na 3rd year?
"AHAHAHA! wala kang awa pati yun pinatulan mo. Ano ba ginawa sayo nun?"
"wala naman, naka hikaw kasi sa loob ng campus eh. naangasan ako"
-
"nakakamiss yung kwek-kwek sa tapat ng school no?"
"alam nyo matagal ko na pinagiisapan yun, Hindi ko alam kung bakit pero sa dami dami ng kwek-kwek na natikman ko, yung sa tapat ng school naten ang pinakamasarap"
"ULUL mo! pare-pareho lang naman ng lasa yun!"
-
"Nakakamiss si Sir Biador, grabe yun dati pina squat tayo"
"ahahaha! hindi lang yun brad! pina pila pa tayo pauwi."
"ginawa tayong kinder amf!"
-
"Sino katext mo?"
"si Mhelissa, ex ko"
"ta3na brad iba talaga epekto ng alak! ahaha!"
-
Hindi ko alam pero ang daming masarap balikan sa HS, minsan nga umaabot pa kami sa panahon ng elementary eh. Panahon ng Teks, Pogs, Tumbang preso, Ghost fighter, Dragon Ball, Mask Rider Black, Akazukin Cha Cha, Mga munting pangarap ni romeo at kung ano ano pa. Masaya kaming pagkwentuhan ang nakalipas, mas masarap lalo pag may kasmang RH. Pakornihan na minsan. Paramihan ng masasabing OLD school.
Isa sa mga pambanat ko na sobrang old school ay ang palabas na "pangarap kong jackpot". Kung alam mo yang palabas na yan, malamang mag ka edad tayo. Pero madalas marami akong ka edad na hindi yan alam. Sa bagay may mga ibang bata na habang nanonood ako ng Batibot siya Sesame Street ang pinapanood. Kung ang nursery rhyme namen eh "nanay tatay" siya "bblacksheep blah blah blah" pero kahit ganun pa man, ang sarap paren balikan ng nakaraan.
Pero kahit gaano pa kahaba ang kwentuhan namen na palumaan, lagi pareng bumabagsak sa konklusyon na...
"ang laki na ng pinagbago naten no?"
Ano ba ko dati?
Ako yung may binanatan sa corridor kasi nakita kong nakahikaw yung estudyante. Sa totoo lang madalas ako mapaaway noon, sa angasan, sa yabangan, nabubugbog din ako. at nambubugbog din. Hindi ko alam kung anong bagyo ang dumating sa buhay ko para magbago ako nung kalagitaan ng last year ko bilang HS. 'dun ako nagayos ng pagaaral, sa 50 na estudyante sa section namen pang 38 ang rank ko sa academics. Pano ba naman, imbes na makinig sa teacher ang ginagawa ko nagddrawing, (favorite ko na idrawing noon si eugene) kung ndi nagddrawing nakikipag daldalan, kung ndi nakikipag daldalan nakikipag digit habang may klase, mas mabuti pa nga daw na m2log nalang ako sa klase atleast pang bawas ingay.
Pero isang araw nagulat ang lahat, kumpleto ako ng assignment at projects, nagrerecite ako. Ang dating nangongopya ngayon ako na ang kinokopyahan. Ang dating rank 38 sa section naging rank 11. Ang daming nagulat, 'dun ko narealize mas marami palang rerespeto sayo na tao pag gumawa ka ng mabuti kesa sa makilala kang siga sa klase.
Matanda na nga siguro talaga ko para balikan ang mga bagay na 'to.
At lahat naman ng tao, nagbabago.
-
"ikakasal na ko Kiko..."
"...."
Habang sinasabi ni Jen 'yun, nakikita ko sa kanya na patuloy paren ang pagiyak niya na may kasamang pagpipigil. Pero mas nangibabaw ang sakit.
"Kiko..."
"Wow Jen! hindi ko alam magaling ka palang mag combo? 2hits ah."
"...."
"Anong gusto mong marinig? ah sige... Congrats Jen!"
"...."
"ah ayaw mo nun? ano ba maganda, uhmmm... I'm happy for you!"
"...."
"ayaw mo paren?"
"...."
Sumabog na ko..."
"P***T***A! ANO BANG GUSTO MO? Alam mo nananahimik na ko eh, okay na eh. Pa take off na ko... eto na oh! andito na ko. nasa ere na ko! bigla mo kong hihilahin pababa? Ang labo mo Jen! Ewan ko kung dapat pa ba kong masaktan, kasi ang pagkakaalam ko tapos na ko sayo eh. Pero P***T***A sa dahilang hindi ko alam NASASAKTAN PAREN AKO!"
Lalong lumakas ang pagiyak ni Jen at nagsindi ulit ako ng yosi gamit ang yosi ko na paubos na.
"Ano hindi ka ba magsasalita? ano bang mission mo? inarkila ka ba ng lahat ng demonyo para gawin saken 'to? Tibay mo!"
"...."
"Ano iiyak ka nalang dyan?"
"Kiko..."
"ANO!"
nagpunas siya ng luha, hinagod ng dalawa niyang kamay ang mga mata niyang mapula dahil sa pagiyak. hinawi din niya ang buhok niya papunta sa kanyang tenga, hinit-hit ko lalo ang yosi ko. tatlong hithit na magkasunod. Halos naging patusok na ang baga ng yosi ko. Tinignan ko si Jen, at tumingin din siya saken.
"Kiko, ikakasal na ko. Pero kung ayaw mo, hindi ko yun itutuloy."
"WOW!! Ang tindi ah... parang napanood ko na 'to, sa PBB ata. Ay hindi, sa WOW MALI? may dala kang hidden camera no? Tibay mo brad!"
"kiko."
"uhmmm... teka, sa wish ko lang? pero sa pagkakatanda ko hindi naman ako sumulat dun"
"KIKO!"
"Last na, sa WOWOWEE? special request ni willie? astig!"
"TAMA NA! kelan ka ba matututong makinig?"
"makinig? san ako makikinig? eh andaya mo naman eh! magsasabi ka ng joke hindi pa ko ready! wow naman. tikas mo."
"Seryoso ako Kiko... kung pipigilan mo 'ko, hindi ko itutuloy"
"tsk. Tama na Jen."
"Tignan mo ko sa mata Kiko..."
"...."
"Maniwala ka saken, Sabihin mo lang..."
Sa puntong 'to hindi ko na alam ang sasabihin ko, sana mag ring na ang bell, sana lumabas na ang credits sa pelikula.
At hindi ko na napigilan na luha ko naman ang tumulo.
"Bakit mo ginagawa saken to?"
"...."
"Bakit Jen? Ganun ba ko kasamang tao para paglaruan mo ko?"
"hindi mo ko naiintindihan Kiko"
"anak ng p*t* naman oh! GG na Jen! IMBA ka na eh! please lang? hindi ba pwede yun?"
"bakit ba ayaw mong makinig? bakit ba ayaw mo kong paniwalaan?"
"Jen sa tingin mo ba matapos ang lahat ng nangyari dati maniniwala pa ko?"
"Kiko mahal kita..."
"wow... ang sarap pakinggan, ang tagal kong inantay yan. ang tagal kong inantay yang salita na yan na hindi ko mararamdaman na mahal mo ko bilang kaibigan lang"
"Minahal kita Kiko, Mahal kita..."
"dapat ba kong sumagot ng mahal din kita? tapos pupunasan mo luha ko? hahawakan ko kamay mo? tapos uuwi na tayo?"
"Inaamin kong nagkamali ako noon Kiko, at inaamin ko din na nagkamali din ako ngayon, Pareho lang tayong naka move on na, pero nung sinabi saken ni shiella na nakilala ka niya. Hindi na ko nagdalawang isip na kausapin ka."
"ang labo mo Jen! kahit kelan ang labo mo! ginawa mo lang komplikado ang lahat!"
"Bukas na ang kasal ko..."
"...."
"Sarado na ang isip ko, desidido na ko magpakasal, pero nung nabanggit ka ni shiella, nagdalawang isip ako... hindi ko rin alam Kiko, ang alam ko lang ayokong magsisi sa huli na kasal na ko at hindi ko na pwedeng gawin 'to"
"...."
"Kung hindi mo ko pipigilan itutuloy ko 'to... Pag naubos yang sigarilyo mo at hindi ka pa nagsalita tingin ko eto na ang closure na inaantay ko, Hindi nga talaga tayo para sa isa't isa."
Ramdam ko na ang init ng baga sa yosi ko... halos mapaso na ang labi ko. ano bang isasagot? ano ba talaga ang nararamdaman ko? may nararamdaman pa ba ko? Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong sa utak ko. Gulong gulo na ko...
Bahala na...
isang hithit nalang mawawala na ang matagal ko nang pinangarap.
kung tama ang pagkakatanda ko ay 1st encounter ng virgin kong labi sa bisyo na tawagin nilang yosi ay nung 1st year highschool ako. Mga Jeep na nakaparada sa labas ng compound namin ang pwestuhan ng barkada para makapag yosi. Madalim at hindi madalas pinupuntahan ng mga kapamilya namin. Kaya dito kami nagtatago para hindi mahuli. Unang lapat ng sigarilyo sa labi ko kabado pa ko. Pag nahuli ako siguradong lagot ako. Pero masarap talaga ang bawal. Totoo naman eh.
Hindi ko pa alam noon na pag nagyosi ka dapat mo pang hithitin pa loob ang usok, kala ko hithit buga lang. Unang hithit ko na ubo pa ko. Nakaramdam pa nga ako ng konting hilo eh. Pero matapos ang pangalawang hithit, natuwa ako sa usok na nagagawa ko. Hindi na sabog, bagkus ay patulis na at napaglalaruan ko pa.
Isang statement para saken ang pagyoyosi noon. Matapos ang klase tatambay ako sa tapat ng school kasama ang mga barkada ko at lahat kami ay nagyoyosi. Feeling ko walang pwedeng gumalaw sa akin, oh sa amin. Kasi titignan palang kami ng mga tao matatakot na.
Hanggang sa tumuntong ako ng edad na bente. Maraming pagkakataon na iniisip ko kung bakit pa ba ko nagyoyosi? Sa totoo lang nakakasawa na yung lasa. Nakakaumay na. Pero hindi ko matiis na walang usok na lumalabas sa bibig ko. Hindi ko matiis na wala akong pinaglalaruang usok kada hithit ko ng sigarilyo. Siguro nga adik na ko sa yosi.
Matapos akong orasan ni Jen para sa sagot ko sa tanong niya, naka ubos na pala ko ng mahigit sa limang sigarilyo. At huli ko na nang napansin na wala na pala siya sa harap ko. Isang pangarap na nawala kasama ng mga usok ni binubuga ko. Isang pagmamahal na matagal kong kinaadikan na bigla ko nalang iniwasan dahil sa sobrang sakit na epekto nito. Mali ba ko? Mali bang makaramdam ng takot? Duwag ba ko? Siguro... Oo.
Unti unti nang napuno ng estudyante ang lugar kung san kami nag usap ni Jen. Hindi ko maiwasang alalahanin ang buhay estudyante na matapos ang klase, wala nang problema maliban sa kung saang lugar kami iinom at ppwesto. Nakakamiss mabuhay ng walang iniisip kung bakit at pano ka mabubuhay. Basta masaya kang nabubuhay sapat na. Ganun ako dati. Pero ngayon eto ako, solohista. Tulala at hindi alam kung san dapat pupunta. Sana may dumating na anghel na magsasabi ng direksyon na dapat kong tahakin.
Kung meron lang sanang walkthrough ang buhay ko matagal na kong nagsearch sa net, kumabaga sa Final Fantasy VIII nasa disc II palang ako hindi na ko makausad. F*ck.
"salamat nahanap din kita... pwedeng tumabi?"
"bakit andito ka pa?"
"bakit andito ka paren?"
"wala ako sa mood makipag kulitan."
"sungit mo naman! kamusta?"
"ayos lang, sakto lang..."
"Sorry ah, hindi ko naman kasi alam."
"okay lang yun, wala ka naman kasalanan"
"May maitutulong ba 'ko?"
"...."
"gusto mo uminom?"
"ayos lang..."
"tara i-inom nalang naten yan"
"Bakit ka ganyan?"
"anong bakit ako ganito?"
"hindi naman kita kaano-ano, wala din naman akong relasyon sayo, hindi ko din masabing kaibigan na kita, pero bakit ang bait mo saken?"
"sa totoo lang ganito talaga ko, diba nga sabi ko dati mas gusto ko yung no strings attached? marami akong kakilala pero lahat sila wala akong particular na relasyon."
"hindi ko maintindihan..."
"hindi mo naman kailangang intindihin"
"bakit?"
"alam mo kung lahat ng bagay iintindihin mo masisiraan ka ng ulo, may mga bagay naman na hindi kailangan ng utak diba? minsan mas masarap na instinct mo lang ang gumagana."
"Anong purpose mo? bakit ka nandito? bakit mo ko kinakausap?"
"actually... dapat may lunch tayo kaso hindi natuloy, so ito nalang."
"sabihin na naten na nakapag lunch tayo, edi after nun quits na?"
"uhmmm... pwede, pwedeng hindi na tayo magkita, pwedeng hindi na maulit 'to. pero pwede din naman maulit, depende eh!"
"alam mo natatakot ako sayo"
"alam mo nakakatuwa ka."
"bakit?
"masyado kang sarado, parang lahat nalang dapat may paliwanag. uminom nalang tayo at magkwentuhan. Pwede naman yun diba?"
"Sige... teka, ano nga ba pangalan mo?"
"ang sama! loko loko 'to..."
"haha! joke lang, shie? shiella diba?"
"yep!"
"matanong kita, anong alam mo samen ni Jen?"
"uhmmm... wala naman masyado, ang alam ko lang bestfriend mo siya at matagal na kayong hindi nagkikita at nag uusap."
"ah..."
"Pero kahit 'di ako magisip nararamdaman ko kung anong problema."
"ows? ano ka manghuhula?"
"hindi. basta alam ko lang."
"so alam mong mabigat ang dinadala ko ngayon?"
"yep."
"anong masasabi mo?"
"san?"
"sa dinadala ko..."
"bago ako magsalita may tanong din muna ako, kung bibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, babalik ka ba?"
"OO NAMAN!"
"exactly, yan ang problema mo kiko. yan ang malaking problema mo."
"bakit?"
"masyado kang maraming regrets, kahit hindi mo aminin sa sarili mo lahat yan tinatago mo, mga desisyon na dapat ganun, ganito at ganyan. Mga bagay na dapat tinatapon na, nakatago paren sa ilalim ng kama mo."
Napa lagok ako sa basong puno ng RH na medyo mapait na dahil natunawa na ang yelo.
"Masisisi mo ba ko?"
"hindi."
"yun naman pala eh."
"exactly. kaso ang problema kasi nakakulong ka sa nakaraan. matanong kita, matagal kayong hindi nagusap ni Jen diba? Sa tagal na yun nag ka girlfriend ka ba?"
"hindi."
"kita mo na... sa tingin mo bakit?"
"kasi wala pang dumadating eh."
"mali. marami sigurong dumating, pero walang makapasok sayo kasi nakakandado yung pinto."
"amfufu! nurse ka ba? bakit ganyan ka magsalita?"
"hahaha!"
"hindi nga? seryoso 'bat parang ang dami mong alam?"
"sabi ko sayo, mahilig ako makipag usap sa mga strangers. dun ako nakakapulot."
"wow! ayos ah..."
"tska alam mo?"
"ano?"
"kaya hindi ka maka usad usad sa buhay mo, yung kaliwang paa mo nakapako sa nakaraan. Kahit anong laki ng hakbang na ginagawa ng kanang paa mo, walang nagbabago sa pwesto mo. Andun ka paren."
"may point ka... sa totoo lang may chick akong na meet dati, sa ym lang. dun nakaramdam ako ng kilig. Hindi naman siguro love yun pero sarap eh. na miss ko nga yun."
"oh anong nangyari?"
"uhmmm ironic din, yung 1st time namen na meet sa ym yun din yung araw na nagpaalam siya saken."
"hindi ko gets."
"mahabang kwento yun, tska na yun."
"okay, isang example yan na pwede pa tayong magkita ulit. yan yung tinutukoy ko sa "depende"."
"ah... pwede magtanong ng personal?"
"shoot!"
"nakakahiya eh..."
"hahaha! okay lang yan.. go."
"uhmmm dba sabi mo lagi kang nakikipag usap sa mga strangers, at mas gusto mo yung ganun?"
"yep."
"kasama ba dun yung one night stand?"
*batok!*
"mukha ba kong ganun? loko loko!"
"awts. sorry... sorry... pumasok lang sa isip ko."
"haha! okay lang, call me weird gaya ng iba kong friends pero ganun talaga ako. except one night stand."
"ah..."
"minsan nga umaalis ako ng bahay nang hindi ko alam kung san ako pupunta. sa mall, sa bar, sa baywalk, kung saan saan."
"ano naman ginagawa mo?"
"wala, minsan may nakikilala ako, tamang kwentuhan. May mga mababait, tipong katulad ko din, meron din namang mga lalakeng unang word palang na babanggitin alam mo nang gusto ka lang i-kama, mga ganun. nakakatuwa lang"
"anong nakakatuwa sa ganun?"
"hindi ko din alam eh. ikaw ba pag natatawa ka or natutuwa humihinto ka pa para magisip kung bakit ka natatawa or natutuwa?"
"amf! syempre hindi. ibang usapan yun."
"haha! pareho lang yun."
"salamat ah."
"corny mo.. haha!"
"di ko rin lubos maisip na magiging ganito. ang kulet din ng history naten eh no?"
"hahaha! oo nga eh."
"okay ka din naman pala"
"oo naman... sadyang hindi lang pabor ang pagkakataon noong unang kita naten."
"yeah..."
"So kiko..."
"oh?"
"anong plano mo kay Jen?"
"papatawarin ko na siya, at syempre... papalayain ko na sarili ko."
"nice! let's drink to that!"
Matagal ko nang pangarap si Jen, at masasabi kong minahal ko siya ng todo noon. Pero ngayon, narealize ko, katulad pala si Jen ng pinangarap kong Power rangers na robot noon. Dalawang linggo kung binibilang ang bawat tulog ko para dumating ang araw na pinangako ni mama kung kelan niya ako ibibili nung robot na yun. At nung abot kamay ko na ang pangarap na yun, nagbago ang isip ko at game boy nalang ang pinabili ko. kaya nagbilang ulit ako kung ilang tulog nalang ang kailangan kong itulog para makuha ang game boy na mas pinili ko kesa sa Power rangers na robot.
Salamat kay Shiella, Sana hindi matapos sa ganito. Sana may bukas pa, sana may isang araw pa. Sana tuloy tuloy lang.
Tulad ni ODIN na Guardian Force sa Final Fantasy VIII. Random lang lumabas pero sure kill ang mobs.
Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Parang kaba na may kasamang excitement. Hindi naman ako masaya, pero hindi din naman ako malungkot. Para akong lumulutang sa ulap. Alam mo yung pakiramdam ng 1st kiss? Eh yung pakiramdam na may kasalanan ka at alam mong papaluin ka ng nanay mo paguwi ng bahay? Yung pakiramdam nang 1st day of class nung college. Pakiramdam ng mag pa +7 ka ng OSM GS of DB perfect CDI. Pakiramdam ng maabutan ng AOD ni Angelo. Pakiramdan ng lowbie sa isang dwelo. Lahat ng yan pagsama samahin mo, Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Kasal ng bestfriend ko ngayon, kasal ng babaeng pinakamamahal ko... noon. Kasal ng babaeng pinangarap kong ako dapat ang mag aantay sa kanya sa altar. Kasal ng babaeng pinangarap kong makasama hanggang sa tumanda kaming pareho.
Imbis na barong ang suot ko, naka printed shirt, shorts, at chucks ako. Imbis na nasa loob ako ng simbahan, andito ako sa labas kasama ang nagtitinda ng sigarilyo habang inaantay ang linya ng pari na "you may now kiss the bride". Desidido na ako, Masaya naren ako kahit papano para kay Jen. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi naman ako ganun katarantado para gumawa ng eksena dito sa simbahan.
Wala na kong pagmamahal kay Jen, at alam kong siya din. Kung ano man yung naramdaman niya oh mga nasabi niya noong nagkausap kami bago ang kasal niya, maaring panghihinayang nalang yun. Isang panghihinayang sa isang love story na dapat kaming dalawa ang bida. Parang isang pelikula, marami sanang matutuwa kung kami ang nagkatuluyan. Pero hindi, kaya nanghinayang kami. Maganda sana ang kalalabasan. Isang happy ending, siguro sa kanya happy ending na ang story niya. Pero saken? hindi pa siguro, para akong isang ninja na naghahanap ng isang prinsesa.
Narinig ko na ang hiyawan ng mga tao, ang saya. Napasindi ako ng sigarilyo. Hithit ng malalim sabay tatlong magkakasunod na buga. Sa dami ng nahithit ko hindi na ko bumubuga may usok paren na lumalabas. Kasabay ng huling usok na yun, nakita ko si Jen at si Joey. Ang saya nila pareho. Saktong sakto, parang sinukat. Para akong na-pana ni mirana, ang tagal ng stun. Pero hindi nakita ni Jen na tinamaan ako ng jumong kaya hindi siguro siya nag leap. Hindi ako malungkot, pero hindi din ako ganun ka saya. Sakto lang, pero nahihiya akong magpakita. Wala pa kong lothars, wala din akong blink, malas pa wala din akong return stone. tiniis ko nalang, makunat naman ako eh. Parang naka mith set oh naka vanguard at defiance. Kaya ko 'to.
Nakita ko nang lumabas ng gate ng simbahan ang kotse na sinasakyan nila Jen, nakatayo paren ako katabi ng nagtitinda ng sigarilyo. Sa huling pagkakataon gusto kong makita si Jen kaya hindi ako umalis sa pwesto ko. Gusto ko siyang makita pero ayaw kong makita niya ko. Kaso nagulat nalang ako ng dahan dahang bumaba ang bintana ng kotseng sinasakyan nila.
Eto na naman, Slowmo na naman ang mundo ko. Ang bagal ng pag baba ng bintana, parang pinipintahan ko kung ano ang huling baraha ko. At nakita ko na nga si Jen, pinatigil niya ang kotseng sinasakyan nila.
Namumugto ang mga mata ni Jen, wala pang dalawang segundo tumulo ang luha niya. Kitang kita ko sa kinatatayuan ko ang pag iyak ng isang bride na kung nagktaon ako dapat ang groom.
Umiling ako kay Jen, senyas na hindi dapat siya umiyak. Sabay pabulong na buka ng bibig ko....
"Best wishes kambal..."
Tumulo na ng todo ang luha ni Jen, kitang kita ko ang walang tigil na pag patak ng luha niya matapos kong banggitin ang best wishes at ang pagtawag muli sa kanya ng kambal. Pero kasabay ng luha niya ay ang mga matamis niyang ngiti na ngayon ko lang ulit nakita. Alam ko, masaya si Jen.
Inalis niya ang pagkakatingin saken at sinabi sa driver na aalis na sila. Ako naman ay nagsindi ulit ng yosi. Tumalikod ako sa direksyon kung nasaan ang kotse nila Jen at lumakad papalayo. Mga limang hakbang ko papalayo sa kanila, narinig ko ang boses ni Jen.
"Kiko!!!"
Lumingon ako sa kanya...
"thank you..."
Isang pabulong na thank you at matamis na ngiti ang huling sinabi ni Jen. Hindi na ko sumagot, bagkus ay tumalikod ulit at naglakad papalayo. Itinaas ko nalang ang kanang kamay ko kung saan ko hawak ang aking sigarilyo at ikinaway ito. Sabay bulong sa sarili ko...
"Paalam Jen. Masaya ko para sayo"
Mga ilang hakbang papalayo sa kanila, sa lugar na alam kong malayo na sa kanila, tumulo ang luha ko. Pero hindi ako malungkot. Habang pinupunasan ko ang mga mata ko, napapangiti ako. Kala ko kasi sa pelikula lang nangyayari ang mga ganung eksena. Pede din palang mangyari sa totoong buhay. Astig.
Pagka uwi ko ng bahay, dumeretso na ko sa kwarto ko, maaga pa naman. Hindi ko alam pero naisipan kong maglinis ng kwarto, tutal mga anim na buwan naren naman akong hindi naglilinis ng kwarto. Habang tinatanggal ko ang mga dumi at kalat, habang tinatapon ko ang mga basura sa basurahan. Naalala ko si Wia.
QUOTE (xcuteWIAx @ Oct 10 2009, 09:29 PM)
"uhmm... alam mo? naiintindihan kita. pero alam mo din? hanggat hindi mo tinatapon sa tamang basurahan ang isang basura, habang buhay kang lalanggamin, habang buhay mong maamoy ang baho, at habang buhay kang maglilinis ng katawan sa basurang ayaw mong itapon."
Eto siguro yung ibig niyang sabihin. Miss ko na si Wia. T_T
Nung matapos kong linisin ang kwarto ko. Narealize ko, kung hindi ko kayang linisin ang sarili kong kwarto natural lang din na hindi ko kayang ayusin ang buhay ko. Ganun nga siguro yun, dapat kung may aayusin man ako sa buhay ko. Magumpisa ako sa mga simpleng bagay. Tulad ng kwarto.
Biglang tumunog ang cellphone ko...
"Boi! shot tayo..."
"San?
"dito samen, tara!"
"Sige ligo lang ako..."
Sakto, nagyaya ng inom yung tropa ko. Ayos 'to, pero parang hindi ako kuntento. Bigla kong naisip itext si shiella.
"Shie?"
"Yes?"
"Pwede ka ngayon? Shot tayo!"
"Sure! San?"
"Sa bahay ng tropa ko... kita tayo sa marinold"
"Nice! magkakaron na naman ako ng new friends. Sige txt nalang kita."
"okay, ingat."
Pagkasend ko ng huli kong reply... napangiti nalang ako.
Patay na si Ace. Patay na si Itachi. Patay na si Cory at patay naren ang pagmamahal ko kay Jen. Hindi ako nawalan ng kapasidad na magmahal ulit ng totoo katulad ng pagmamahal ko kay Jen pero sa ngayon, sa puntong ito, isa lang ang gusto ko. Ang maging masaya, Nakakapagod naren kasing mameke ng ngiti.
Hindi ako emo gaya ng universal definition nila nun, hindi ako sucidal, hindi mo ko makikitang may hawak na blade at nag lalaslas, hindi mo rin ako makikitang sinusugatan ang sarili para maitatak ang tatlong letrang J-E-N sa braso ko para gawing primary picutre sa facebook oh sa friendster para lang makita nung taong nanakit saken na eto, andito ako sa isang sulok ng kwarto ko, parang isang WA na nag join sa war 150-170 bracket na ang gamit lang ay adept set.
Pero Oo! nakikinig ako ng Typecast, nakikinig ako ng Alesana, nakikinig ako ng Taking Back Sunday, nakikinig ako ng The used. Nakikinig din ako ng flyleaf at Eyes set to kill, paminsan minsan nakikinig din ako ng mga bandang parang halos umiiyak na sa pag kanta samahan mo pa ng malungkot na lyrics at eyeliner sa mata.
Emo ba ko?
1side ang buhok ko at madalas din akong humawi ng bangs pa-kanan, barbers ang likod ko pero masasabi mo bang...
Emo ako?
Sa totoo lang pag pinagusapan naten ang topic na emo baka abutin tayo na ang presidente na ng pilipinas ay si papi, or si wil, ang punto...
Sa lahat ba talaga ng kilos, galaw, pinapakinggan na kanta, kinakain sa umaga, trip na manga, ay may kaakibat na tawag oh pangalan na pag ganun ang mga ginagawa mo ay kagrupo ka na sa isang kulto na tulad ng mga taong madalas kong makita sa aming kanto?
Walang masama kung rakista ka, walang masama kung nanonood ka ng pangarap kong jackpot, walang masama kung nageenjoy ka sa wonderpets, ang importante,,,
Respeto.
Eh ano kung emo ka? kung ghetto ka? kung thrasher ka? kung masokista ka? mas kilala mo naman ang sarili mo kesa sa ibang tao diba?
ang labo lang kasi minsan ng mga taong nasa paligid mo. 2lad nalang ngayon...
"pre! paki enter nga 10156"
"anong song yan kiko?"
"Much has been said...."
"Weeee! Emo na to 'oh!"
"Ta3."
"Ahahaha! Emo si Kiko!"
"Lasing ka na no?"
"Ako? Si Shiella? malalasing? No way!"
Hindi na ko sumagot, lumabas na kasi ang unang dalawang linya ng kakantahin ko...
Much has been said... said you never leave, why'd it have to be harder than it had to be. Don't you throw the blame, you were part of this wasn't suppose to end with us just walking away.
Ayokong isipin... Ayokong alalahanin... Pero 'di ko kinaya. pinasa ko nalang yung kanta sa isa kong tropa, lumabas ako ng bahay, umupo sa gatter malapit sa gate ng bahay ng pinagiinuman namen. Tahimik, pero rinig ko ang boses ng barkada kong tinuloy yung kanta ko, Bigla kong narinig yung gate na bumukas,
"wui! galit ka? sorry na..."
"nyak! hindi noh ano ka ba..."
"hindi sorry... sorry talaga, sige na hindi ka na emo, ghetto ka na."
"ahahaha! ulul."
"ehem! maka "ulul" ka naman saken."
"weee! sorry..."
"tara pasok na tayo, dami pang alak oh, baka hanapin ka ng tropa mo dun."
"sige na una ka na, papalamig muna ako dito, muni muni lang saglit."
"pano ko papasok dun eh baka naman ma-OP ako dun, ikaw lang naman kilala ko dun eh"
"eh diba sanay ka naman makihalubilo sa mga strangers? kaya mo na yun"
"ay, ganun... napaka ungentleman mo naman. sge pasok na ko..."
pakxhet! ang mean ko naman sa huli kong sinabi, mali mali, ctrl z, sana ma undo. baka mabuksan na ni shiella yung gate,
"shie!"
napatigil siya at lumingon saken...
"bakit?"
"dito ka nalang muna, samahan mo muna ako..."
"bilis magbago ng isip ah,sige"
Asking why you had to leave, wasn't I strong enough to make you see. That the biggest part of this It's not about you or me, but just be wrong if we held on.
"ano bang problema?"
"wala naman... nakakalungkot lang"
"bakit?"
"nasubukan mo na bang mangarap?
"oo naman! sino bang tao ang hindi nangangarap?"
"nasubukan mo naren bang mangarap na may kasama kang mahal?
"ha?"
"I mean naranasan mo na bang mangarap na dun sa pangarap mo eh may tao kang kasamang nangarap? or yung pangarap mo eh pangarap mo din na kasama mo syang tuparin yung pangarap na yun?"
"ay lasing na nga 'to"
"amfufu."
"hehe joke lang, basta kasi ako Go with the flow lang, pag nageenjoy ako, I'll stay, pero kung boring na... asahan mo wala pang 2mins wala na ko."
"layo ng sagot mo ta3"
"haha! pero seryoso? uhmmm.... no comment."
"haha! daya mo"
"wala naman kaso kahit magkwento pa ko sayo noh. masisira lang mood ko."
"ganyan ka ba talaga?"
"anong ganito?"
"yung ganyan, parang ang sarap mong mabuhay eh no? parang wala kang katiting na problema."
"well, ganon talaga."
"tsk"
"alam mo? kung gs2 mo maging masaya, ang unang taong kailangan mong mapaniwalang masaya ka eh hindi yung ibang tao, dapat mapaniwala mo muna yung sarili m0 na masaya ka, bago maniwala yung ibang tao na masaya ka nga talaga."
"wew! teka napapapa yosi ako sa sinasabi mo..."
"ahahaha! loko!"
"penge din ako kiko..."
"nagyoyosi ka ba?"
"Hindi."
"oh bakit ka magyoyosi?"
"wala lang, trip ko lang ngayon"
"ah okay, teka... amf! last na pala 'to,"
"yun lang..."
"sige sayo nalang 'to"
"hindi biyak nalang tayo..."
"okay..."
Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to, sa totoo lang okay naman talaga si shiella eh. Kaso, parang mahihirapan ang boyfriend niya, impulsive kasi si shiella, kung anong maisip yun ang gagawin, at may kakaibang hobby pa siya na makipag usap sa strangers, mataray din pa minsan minsan, mula Bloody Ice hanggang Pontus Ferrum ang kilay niyan pag nagtaray. Sa itsura? uhmmm... hindi maganda si Shiella, pero hindi din naman siya panget. Pero pag tinignan mo siya, pag tinitigan mo sa mata, magugulat ka nalang sa sarili mo para ka nang adik sa droga. Kung appeal ang paguusapan, level 170 si shiella. Appeal + attitude = hihi brrr! haha! magkaiba sila ni Jen, lalo na ni Wia. Pero ang pinaka gusto ko kay Shiella? eh kung pano niya dalhin yung sarili niya. Kahit sa mga taong 1st time palang niyang na meet.
"tahimik mo ah!"
"wala may naiisip lang ako..."
"Si Jen?"
"Hindi..."
"eh sino?"
"wala"
"labo mo..."
"hehe"
"pa puff nga..."
Hindi ako kinikilig, hindi din naman ako ganun ka cheesy sa babaeng hindi ko pa gaanong kilala pero pag naiisip kong halos nagdadampi ang mga labi namen sa pamamagitan ng sigarilyo, parang kinikiliti ako ng imahinasyon ko.
"last puff!"
"tara pasok na tayo..."
"tara..."
Madami dami pang alak ang uubusin namen, pero pede namang mag pass eh. siguro mga lasing na yung mga barkada ko, matagal din kaming nawala eh. at hindi nga ako nagkamali...
"quickie?"
"tarantado!"
nahiya ako bigla kay shiella, binulungan ko siya.
"shie pasensya na, lasing na mga ungas. gusto mo alis na tayo? hatid na kita"
Feeling ko kasi na offend siya,ta3na tong barkada ko eh. Makakatikim saken 'to maya ng aerial combo.
"yep! nag quickie kami... may video nga eh. gusto mo panoorin?"
Wtf! mu~g nabadtrip si shiella ah... gulo 'to ta3na. tumahimik yung lugar, nawala yung kumakanta, natameme yung tropa kong nag tanong kung nag quickie kami... biglang.
"HAHAHAHA! joke lang! natahimik kayo ah. hahaha!"
Wew! okay talaga 'to si shiella, kayang dalhin yung mga ganong Langyayari. naupo na kami sa pwesto namen, inabot ang tagay, nagyosi, at nagkwentuhan. biglang bumangka yung isa kong tropa...
"Tara cards nalang tayo! Killer Killer! tapos truth or consequence/dare!"
ta3na, alam ko na 'to eh. hindi lang kasi si shiella ang babae, may kanya kanya din silang "date" at pag yung tropa ko na yun ay nagyaya na ng kahit anong laro na may truth or dare or consequence alam ko na na gusto lang nun umiskor dun sa chix niya. binulungan ko si shiella.
"pede kang hindi sumali..."
"ha? bakit naman?"
"wala naman, basta lang, baka 'di mo kayanin yung mga dare eh."
"ay sus! hindi mo pa ko kilala kiko. ^_^ tara game! Killer killer!"
takte... delikado 'to. Pede bang itapon ko nalang yung mga alak? para uwian na? may nararamdaman ako, parang kinabahan ako. 'Wag naman sana...
Ano bang meron ang alak? Ano bang meron ang likidong ito at nagagawang posible ang mga bagay na dapat ay imposible? Kasabihan na sa kanto na 'wag ka daw kukuha ng lakas ng loob sa alak. Madalas kasi na maling desisyon ang magagawa mo pag nilagay mo sa utak ang alak imbes na sa tiyan.
Marami rami naren ang mga qoute na narecieve ko sa txt na tungkol sa alak. Pag lasing ka daw, nagiging galante ka, pag lasing ka daw nagiging emo ka. Pag lasing ka daw tinetext mo ang ex mo. Pag lasing ka daw nagkkwento ka ng talambuhay mo. pag lasing ka daw nagiging english speaking ka na. Pero sa lahat ng narinig ko... ito ang pinaka paborito ko.
"Iiwanan ka ng lahat, maliban sa isang bote ng alak."
Pero nakakapag taka lang din, madalang kasi akong makarinig sa balita ng "isang binata, naaksidente sa motor dahil high sa marijuana" oh "isang high sa marijuana pinatay ang kumakanta ng My way"
Hindi ko sinsabing PRO marijuana ako, at hindi ko rin itatanggi na minsan ay gumamit na ako nito. Ang akin lang, sa mga pag babagong anyo mo pag lasing ka na, wala bang pinagkaiba pag high ka na sa marijuana? Oo, magkaibang tama. Pero minsan parang pareho lang. Pero bakit ang alak legal? Ang marijuana hindi? Dahil ang marijuana ay nakaka adik? bakit ang alak? hindi ba?
Siguro legal ang alak kasi meron silang pang hugas kamay na "drink moderately". eh kung ganon pala ang labanan bakit hindi nauso ang "smoke weeds moderately"? Ang dami talagang malabo sa mundo. Kaya ang sarap mabuhay eh.
Hindi na ko magtataka kung sa mga oras na 'to eh maging berserk mode na ko. Madami na kong nainom, pero dapat magtira ako ng pang uwi at pang hatid. My kasama akong babae eh.
Killer killer ang nilalaro namen, kung saan pag ikaw ang nakakakuha ng "king" na baraha, ikaw ang killer, pag "alas" ikaw ang pulis, at pag "Jack" ikaw ang Judge. Trabaho ng "killer" na kindatan ang mga civillian upang mamatay ito at maubos. Trabaho naman ng "pulis" na hulihin ang killer. Masaya ang laro na 'to. Kaso sa dami namin parang boring, lalo na saken. Madalas ang baraha ko walang kwenta. Lagi lang akong pinapatay ng killer. Kaya nag suggest ako na spin the bottle nalang tutal truth or dare naman ang gusto ng karamihan.
Ramdam ko na ang sumpa ni orochimaru na galing sa leeg ko paangat sa ulo ko. Parang unti unti na kong nagbabago ng anyo. Maingay, makulit, at malakas ang boses. Halos lahat kami ganun.
Si shiella? Well, kalmado lang. Tamang tawa, tamang ngiti, hindi msyadong maingay hindi din naman tahimik. Sakto lang, parang nakikiramdam sa mga pwedeng mangyari. Napansin ko yun sa kanya kaya binulungan ko siya.
"okay ka lang?"
"yeah.. I'm okay"
"d nga? sure ka okay ka lang?"
"Oo nga."
Pagkatapos ng bulungan namen ay nadaplisan ng mata ko yung isa kong tropa na nakatingin samen, bago mag tagpo ang mga mata namen inilihis na niya ang pagkakatingin samen. Dun na ko nagkaron ng hinala. Una, maaring naiilang si shiella kasi tingin ng tingin sa kanya yung isa kong tropa, or pede din naman na kinakabahan lang siya sa dare kung sakaling sa kanya tumapat ang bote.
Tumutunog ako sa tropa kong 'yun, baka nga trip niya si shiella. Baka nga may pinaplano siya, sa bagay siya naman ang nagsuggest na maglaro ng killer killer nung umpisa palang eh. So baka nga 'yun yung plano. at baka yun ang nararamdam ni shiella yun.
Tuloy paren ang tagay, Tuloy paren ang walang sawang tawanan at asaran, pero ngayon, nakaupo na kami sa sahig at nakapaikot sa isang bote ng matador na wala nang laman. Ang mga lalaki parang mga venus fly trap na nagaantay na matapatan ng nguso ng bote, unang natapatan yung tropa ko. Dare ang pinili niya. kailangan daw niyang ikiss ang babaeng pinaka hot para ka sa kanya, syempre play safe, yung kasama niya yung kiniss niya. Paulit ulit na ganun, Kiss, sayaw, kanta, Kiss, tagay, kanta, at paulit ulit lang. Pero palala ng palala.
Isang beses ko lang ata narinig yung truth, hindi ko alam kung bakit pero parang gs2 din ng mga date nila yung mga dare. Tatlo nalang kaming hindi natatapatan ng bote. Ako, si Shiella, at yung isa kong tropa na parang trip si Shiella. Ang sistema, kung sino ang nagpaikot ng bote, Siya ang magtatanong sa matatapatan kung truth or dare. kung truth siya ang magtatanong, kung dare, siya din ang magdadare.
At yun na nga, pinaikot na ng tropa ko yung bote. mabilis ang ikot, mga naka tatlong ikot na mabilis ang bote baga medyo bumagal ito. Pang apat na ikot, medyo mabagal na, Pang limang ikot, mabagal na, pang anim na ikot, tumapat sa tropa ko, sumunod kay shiella, sunod saken, akala ko saken na hihinto pero umabot pa dun sa tropa ko. Pero akala ko dun na titigil, aabot pa pala kay Shiella.
Kay shiella tumapat ang bote, at yung tropa ko yun ang magtatanong kung truth or dare, ta3na parang shadow technique ni shikamaru, mahirap maka huli pero pag kumagat hindi ka talaga makakagalaw. Kinakabahan ako, sana truth nalang ang piliin ni shiella. Sana truth... Sana truth... Sana truth....
"shiella, truth or dare?"
hindi ako tumigil sa pag bulong... Sana truth... Sana truth... Sana truth....
"Dare!"
Wtf! napatingin ako kay shiella, nagtanong ang mata ko sa kanya ng "bakit dare"? ta3na naloko na... pag tingin ko dun sa tropa ko nakangiti ang mokong. ta3 to tataluhin pa ko. sa bagay alam niya kasi friends lang kami ni shiella. Pero hindi eh. nanggigil ako. Bumubilis tibok ng puso ko. at syempre, napasindi na naman ako ng sigarilyo.
"Dare? sure ka ha..."
sabay ngiti ng tropa ko...
"yep, sure ako."
Nagtataka ako kay shiella, bakit parang confident siya, parang hindi siya natatakot or kung ano man sa pwedeng idare sa kanya ng tropa ko. Ito na, sasabihin na ng tropa ko yung dare niya... ta3na.
"Mag kiss tayo, torrid. 20 seconds!"
P***xxxxxxx, naloko na. kufal amfuta! inangasan ko ng tingin yung tropa ko pero hindi siya natinag, ayokong making KJ sa inuman na 'to kaya tahimik lang ako kahit nanggigil na ko. nagsisigawan na yung iba kong barkada. Sobrang ingay na... sabay sabay nilang sinisigaw ang,
"TORRID! TORRID! TORRID! TORRID!"
samantalang sa mundo ko, panay ang bulong ko ng...
"SH***T! SH***T! S***T! sana hindi ko na sinama si shiella. ta3na talaga ta3na talaga"
tuloy paren ang sigawan nila, napatagay ako. hindi na ko mapakali. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumalapit na yung tropa ko kay shiella, hahalikan na niya... Si shiella hindi din kumikibo. hindi din ako kumikibo. Parang gusto kong tawagin ang lahat ng kilala kong santo para patigilin ang Langyayaring ito. Parang gusto kong magbalik loob sa diyos para pagbigyan ang hiling kong 'wag matuloy ang halik na 'to.
Ito na... magdidikit na ang mga labi nila,
Pumikit ako....
At dumilat,
1 sec nalang magdidikit na ang mga labi nila.
Isang segundong pagitan para makagawa ako ng isang bagay na pwedeng solusyon sa kalbaryo kong 'to.
Isang segundong pagkakataon para mailihis ko ang ulo ni shiella sa bibig ng ungas kong tropa.
Hindi ako kasing bilis ni vincent kumilos...
Pero nahila ko ang ulo ni shiella. Hindi natuloy ang halik nila. Isang segundong pagitan din pagkatapos kong ilihis ang ulo ni shiella. Nakita ko siyang ngumitin saken, at dun na nga lalong lumabas ang sumpa ni orochimaru. Dun na pumutok ang epekto ng alak, nagulat nalang ako na hindi na sumisigaw ang mga barkada ko ng TORRID! TORRID! TORRID!. bagkus ay nagbibilang na sila ng...
"ONE!"
"TWO!"
"THREE!"
"FOUR!"
wtf!? kami ang nagkiss ni shiella? Ang ingay ng bilang ng mga tropa ko pero habang nararamdaman ko yung labi ni shiella para akong dinuduyan ng nanay ko nung bata pa ko. Para akong lumilipad sa isang malawak na bukirin at msarap ang simoy ng hangin...
"SEVEN!"
"EIGHT!"
"NINE!"
"TEN!"
bagalan niyo yung bilang please, parang gusto kong mag cast ng Slow habang nag ki-kiss kami ni shiella. Nakapikit ako, at alam kong nakapikit din siya. Ibang klase ang halik na 'to. Halik na parang 2012 na kinabukasan.
"FOURTEEN!"
"FIFTEEN!"
"SIXTEEN!"
Ang lambot ng labi ni Shiella, Hindi ko na alam kung pano ko pa ipapaliwanag kung ano ang nararamadaman ko sa puntong ito. Basta ang alam ko... Sana hindi na matapos 'to.
"EIGHTEEN!"
"NINETEEN!"
"TWENTY!"
bago maghiwalay ang mga labi namen ni shiella, kinain ko ang mga sinabi ko. tama lang pala na sinama ko siya. Masaya ko. Masaya ko dahil sa isang segundong pagitan kanina nagawa kong ilihis ang ulo niya papalayo sa tropa ko at papunta saken, at salamat sa lakas ng loob na hiniram ko sa alak, nagawa kong ako ang humalik sa kanya imbes na yung tropa ko.
Halos sabay ang pagmulat ng mga mata namen, sabay din ng paghihiwalay ng mga labi namen. ngumiti siya saken, at ngumiti din ako sa kanya.
Matapos ang halik na yun, hindi umepal yung isa kong tropa.
hindi man ganun katagal ang dalawampung segundo, solve naren ako. Dahil hanggang matapos yung inuman, hindi na naghiwalay pa ang aming mga kamay...
Walang kwenta ang first kiss ko kung tutuusin. Bakit? Kasi yung first kiss ko noon ay galing lang din sa isang dare. Kasagsagan ng malilikot na imahinasyon ng isang batang nagbibinata. Ano ba ang pakiramdam ng halik? noon nga nung bata pa ko akala ko pag hinalikan mo ang isang babae kailangan mo na siyang pakasalan. Akala ko pa nga sa isang halik lang dun na kayo makakabuo ng bata. Pero hindi pala.
Ngayon, madalas ang halik parang casual nalang. Isang bagay na ginagawa na dapat sa taong mahal mo lang, pero minsan, dahil sa epekto ng alak, magagawa mo kahit kanino. No big deal naman talaga dapat pag ang isang halik ay galing lang sa isang dare. Sports lang kasi dapat. Hindi mo naman siya dapat halikan na may kasamang love diba? Hindi na naten kailingan mag paka ipokrito. Oo, madalas libog lang yun. Walang love.
Pero yung nangyari samen ni Shiella, alam kong wala lang yun. Pero bakit ako umepal sa dare na yun? Ego? Pride? Sa isang segundo na hahalikan na siya ng tropa ko dahil sa dare, parang pinitik ako ng pagkalalake ko, na ang babaeng kasama ko, iba ang hahalik. Bakit ako magpapatalo? Sino bang tao ang gustong magpatalo sa ganong sitwasyon? wala naman siguro. Lakasan na ng loob yan. Win or Lose lang. Sa tagal kong nagcabal wala pa naman akong na experience na Draw ang lumabas sa gitna ng screen ko.
Isang halik, 20 seconds na halik, isang nakaw na halik kung tutuusin, isang bagay na dapat ngayong wala na kong amats, ay hindi ko na binibigyang pansin. Pero bakit ako aligaga? Halik lang yun Kiko! Dare lang yun! wag mong bigyan ng meaning! Para kang galunggong. nagiisip ka ng kung ano ano, parang gusto kong sapakin ang salamin habang kinakausap ko ang sarili ko.
Natural na gising ko na ang tanghali, lalo na pag lasing. RC or coke sakto ang pangtanggal ko ng hangover. Oh di kaya naman ay malamig na malamig na tubig. Swerte paren ako kasi madalas pag may hangover ako masarap ang ulam namen. The best ang sinigang sa taong may hangover. Promise. Uminom na ko ng RC, kumain na ko ng sinigang. Naligo na ko. Pero ngayon ko lang to naramdaman, parang may hang over paren ako. Hindi kaya dahil sa kiss namen ni Shiella? Oo aaminin ko, magaling humalik si Shiella. At masasabi kong marami na siyang karanasan sa aspetong ito. Parang bubble gum ang mga labi ni Shiella, manggigil ka sa lambot at sa saktong kapal nito. Naalala ko yung palabas na wedding singer kung saan prinaktis ni drew kay adam sandler yung dapat na halik niya sa darating niyang wedding. Kung hindi ako nagkakamali, ang sabi ni drew, ang gusto niya ay yung parang sweet kiss but with tongue. Ganun ko mai kukumpara ang halik namin ni shiella.
Parang pelikula.
Parang Teen flick.
Parang narinig ko ang mga audience na naghihiyawan.
Pero mali eh... hindi ko dapat 'to iniisip. Sa totoo lang hindi ko naman alam kung bakit ko 'to iniisip. Ano nga bang dahilan? tingin niyo? dahil ba may nararamdaman ako kay shiella at iniisip kong may something pa? oh talagang nadala lang ako dahil magaling siyang humalik?
Dagdag ko lang... hindi ko alam kung pano ipapaliwanag pero nung nag kiss kami, parang hindi kami umiinom ng alak. kahit katiting hindi ko nalasahan ang alcohol sa bibig niya. Ang tamis.
Nakapagdecide na ko... ittxt ko siya. Pero pano? nakahiga ako sa kama ko, nakabukas ang PC at naka shuffle ang songs. Paikot ikot ako sa kama ko habang nakataas ang kamay at hawak ang cellphone ko. Ano bang sasabihin ko? bahala na....
"Shie?"
"yes?"
"kamusta?"
"okay lang"
Sh*t! bat ganun mga sagot ni shiella? alam mo yung tipong may kausap ka at ikaw lang ang tanong ng tanong? parang sa puntong maubusan ka ng tanong tapos na ang usapan. Bawi nalang sa susunod.
"naglunch ka na?"
"yep tapos na."
awts! wala man lang "ikaw kamusta? ikaw naglunch ka na?" kakairita naman tong ganito.
"ah... Sige shie."
hays... tapos ang usapan. sa bagay, ano nga bang gusto kong pagusapan? yung halik? tsk. bakit ko gustong pagusapan yun? eh wala naman talaga yun? hays... matagal tagal din akong nag net. nag yosi at nag net. paulit ulit. biglang tumunog ang cp. dinampot ko agad. baka si shiella.
"pre cencya kagabi,"
"wala yun pre kalimutan mo na."
yung tropa ko palang ungas na nag dare kay shiella. Mga loko loko talaga mga barkada ko. Pero ang malufet sa kanila, pag alam nilang sila ang mali, marunong silang mag sorry at mag pesensya. yun nga lang, parang kailangan munang mawala ang amats. haha hindi tumunog ang cellphone ko pero pag balik ko sa inbox ko, may txt pala si shiella. kinabahan ako...
"Kiko. Alam kong binabagabag ka nung nangyari kagabi. Kalimutan mo na yun. Halik lang yun. Tska it's just a dare. Nothing new and nothing special. Friends?"
Wtf! hindi ako nasaktan. I mean, hindi ako nasaktan in terms of love, feelings or kung ano pa man dahil wala naman talaga. Kaso parang natapakan pagkalalake ko. Parang na sense niya na binigyan ko nang meaning yung halik... ta3na. Parang talo ako ah.
"Oo naman! wala naman talaga yun Shie. It was just one of those stupid kiss na pedeng mangyari pag may epekto ng alak. hehehe"
wtf! wag sana mag send wag sana magsend. pinatay ko phone ko. sana hindi nasend. ta3na mali sinabi ko. para akong bitter! mali mali mali! binuksan ko ulit phone ko. kabado ko sa isasagot niya. eto na...
"you know kiko? It's not stupid to kiss a girl that you really like. I'm not mad at you. Honestly, nagustuhan ko din yung halik na yun at thankful ako na ginawa mo yun kesa yung tropa mo ang humalik saken. But the point is, Halik lang yun at dare lang yun. You might not admit it but I can sense you. So let's just be matured about that kiss okay?"
Ikaw na! Ikaw na matured! kakainis. Pero sa bagay, mali naman talaga ko. Hindi na naman ako Highschool para bigyan ng meaning yung ganun... baka lang naman. tsk
"Okay Shie."
yun nalang ang nasabi ko... maya maya tumunog na naman ang phone ko. Pero hindi na ko excited. parang hindi ko na kayang makipagusap kay shiella. parang nakahanap ako ng katapat.
"Kiko, Free ka tonight?"
awts. ano 'to?"
"siguro... y?"
"anong sagot yan, ano free ka ba tonight?"
"Oo, bakit nga?"
"Samahan mo ko..."
"Saan?"
"Basta..."
"bakit nga muna?"
"Basta nga..."
"Bigyan mo naman ako ng idea, mamaya naka pambahay lang ako at bente pesos lang ang pera ko tapos sa bar pala tayo pupunta."
"uhmm... mag casual wear ka lang, dala ka ng extra money."
"tsk tsk, sige sige."
"txt txt nalang ulit, bye"
mababaliw ako kay shiella. Pagkatapos ako tablahin eto na naman niyaya ako lumabas. At san naman kami pupunta? ta3na talaga. eh bat naman ako pumayag? galunggong din ako eh no. Parang may kakaibing completer skill si shiella, Pede naman akong tumanggi kung tutuusin eh. Pero bakit hindi ko nagawa? parang nakaka ilang na.
Pero sa totoo lang...
Parang sinasabi ng utak ko, unang mainlove talo. Pero sinasabi ng puso ko, subukan mo ulit sumugal. Hindi naman lahat ng numero sa ending at lotto ay talo.